Chapter 5
Bernard's (Caloy) POV
Nabigla ako ng maabutan ang buong barkada ko noon sa bahay ni aling Nena. Nalaman ko na nakagawian na nilang magtipon tipon dito every Sunday.
Maganda na rin ang bahay ni aling Nena hindi kagaya noon na kubong yari lang sa pawid at kawayan. Sementado na ito ngayon at may ikalawang palapag. Kasama nitong maninirahan sa bahay ang pamilya ni Allan.
Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa nangyari sa amin sa loob ng pitong taon. I find it weird dahil sa haba ng kwentuhan namin ay hindi sila nagbanggit kahit katiting ng pangalan ni Inday o mga pangyayari tungkol dito, but very thankful at the same time. Hindi pa ako handang pag usapan ang tungkol dito. Yes, I already moved on pero masakit pa rin sa part ko or maybe sa ego ko ang mga nangyari.Natigil ang masaya namin kamustahan ng makarinig kami ng tunog ng pumaradang sasakyan.
Nilingon ko ito at nagulat ng umibis si Inday kasunod ang lalaking medyo may edad na.
"Buti naman inihatid ni mayor." Narinig kong mahinang usal ni Allan.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ibang klase talaga. Pati sa halos tatay nya na pumapatol ba ito? Ambisyosa! Kaya ba ganun ka paseksi ang suot nya. She's wearing a white printed dress habang nakalugay ang mahaba nitong buhok.Sinalubong ito ni Gudo at niyakap. Bumati din ito sa dalawa pa.
Para akong hangin na hindi man lang binati o tinapunan ng tingin kahit palabas man lamang sa harap ng mga kaibigan namin."Ang seksi talaga ni inday parang hour glass. Kung hindi ko lang type yun GRO nyang kaibigan niligawan ko na yan." Pabirong wika ng medyo tipsy'ng si Gudo nang makapasok ang huli sa loob ng bahay nila Allan.
Para akong sasabog sa tinuran nito pero mas nainis ako sa huling sinabi nito tungkol sa GRO nitong kaibigan.
May ibababa pa ba ang pagkatao mo Inday? Naisip ko.
At hindi ko alam na mga ganon klase pala ang gusto ni Gudo. I mean GRO? Sa aming magkakaibigan ay ang pamilya ni Gudo ang masasabing maganda ang buhay kahit nun mga kabataan pa namin.Mga ilang minuto ang lumipas at halos maitaob na naming apat ang apat na case ng beer nang lumabas ang asawa ni Rod at asawa ni Allan kasunod si Inday. Agad lumapit ang mga kaibigan namin sa kani kanilang asawa at inakay na pinaupo mismo sa kandungan nila.
Nanatiling naka tayo si Inday dahil walang ibang bakanteng upuan kundi ang nasa tabi ko.
Agad tumayo si Gudo at ibinigay ang sariling silya.
"Miss, upo ka." Wika nitong pabiro na yumukod pa bago inokupa ang bakanteng silya sa tabi ko.
"Salamat senyor." Pagsusukli nito sa biro ni Gudo. O Pabiro ba talaga? Parang nakikipag flirt kasi ang dating nito sa pandinig ko.Why do you care? Pang aasik ng utak ko.
Sa nangyari ay naging mag katapat kami ng upuan at kitang kita ko ang mukha nito at ang kabuan ng katawan nito ngayon umupo ito sa tapat ko. Umakyat pataas sa hita nito ang bestidang suot nang umupo ito.
"Nice view Inday." Sumipol ang gago sa tabi ko na ikinapula ng mukha nito.
"Oy Gudo hindi talo si Inday gago!" Singit ni Allan.
"Alam ko, nagpapraktis lang ako." Natatawang itinaas ni Gudo ang dalawang kamay.
Napuno ng tawanan ang buong paligid maliban sa akin.
"Misis tagay?" Utas ni Allan sa asawa kapagkuwan bago ito mabilis na kintilan ng halik sa labi.
"Woohooo! Mga galaw ni Allan walang kupas." Wika ni Rod na hinalikan din ang sariling asawa.
"Alam na mga parekoy! Yan lang ang masarap sa may asawa ih. 'Kaw Inday, hindi kaba naiinggit dyan sa mga yan?" Binalingan ni Gudo ang nakayukong si Inday.
"Tigilan mo yan si Inday Gudo, makakatikim ka sakin kala mo." May pagbabantang wika ni Allan.
"Sorry naman. Pero matanong ko lang Inday bakit hindi mo pa tanggapin yun alok ni congressman Jimenez, patay na Patay yun sayo ah. Wala ka na masasabi dun sa tao. Mayaman, mabait, gwapo at congressman pa." Seryosong wika ni Gudo.
Ngumiti ito sa tinuran ng kaibigan.
"Bakit para akong nasa hot seat ngayon?" Natatawa ito pero hindi sinagot ang tanong bago bumaling kay Allan. "Patagay nga lan." Ngumiti si Allan at inabutan ng basong naglalaman ng beer si Inday.
BINABASA MO ANG
Si Caloy at Inday (SPG) completed
RomantizmWarning:Rated SPG Location: San Antonio, Hacienda Miranda