Chapter 15 (False alarm)

141K 2.2K 53
                                    

Chapter 15

Bernard's (Caloy) POV

False alarm.

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ni Dr Mendoza na walang dapat ipag alala dahil mga dalawa hanggang tatlong tabletas lang ng pills ang kalkula nitong inimon ni Inday base na rin sa kalmadong pag pintig ng puso nito. Pero ipinagbilin nitong itago o itapon ang nasabing gamot dahil walang kasiguraduhan na hindi nito gawin ang akala ng lahat na pagtatangka nitong kitliin ang sariling buhay.
Sa isipin pa lang na iyon ay para akong sinasaksak ng paulit ulit sa dibdib.
At takot.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay ko.

Kanina ay pinatawagan ko kay aling Nena si Rod para itanong kung ano ang gagawin. Nurse ito at may alam ito tungkol sa ganon bagay. Nagulat ito at sinabing hindi makakabili ng sleeping pills kung walang reseta galing sa isang doktor.

Kung ganon ay saang kamay ng demonyo iyon nakuha ni Inday?

Kahit halata ang pag aalala sa boses
nito ay propesyonal nitong naibigay ang mga dapat gawin sa sitwasyon. Itinanong nito kung mga ilang tableta ang nainom ni Inday at nakahinga ako ng maluwag nang makitang puno pa ang bote.
Sinabi nitong papupuntahin ang doktor na tumingin dito kahapon para maka sigurado na rin.
Kanina pa rin naglalaro sa utak ko kung paano ko walang awang ininsulto si Inday noong panahong napagkamalian kong contraceptive/birth control pills ito.

How heartless of me..

Parang sasabog na ang utak ko sa pag iisip.

"What happened?" Napabaling ang atensyon ko sa humahangos at nag iiyak na si Annette kasunod si Gudo at aling Nena.
Maiksi ang suot nitong hapit na hapit na damit. Ngayon ko masasabing mukhang GRO nga ito base sa damit nito at makapal na make-up.

"Oh God I'm so sorry Bell, this is all my fault." Lumapit ito sa natutulog na kaibigan at hinimas ang pisngi nito.

"Anong ibig mong sabihin Annette." Sa isang iglap ay nahaklit na ito ni Gudo at niyugyog ang dalawang balikat nito.

"She's having a nightmare about him at nakiusap ako sa isang pharmist kong costumer kung pwede akong ipagpuslit ng sleeping pills sa drug store. Alam nating lahat na can't afford siyang tustusan ang bills sa pag consult sa psychiatrist besides sabi nya makakalimutan nya din daw naman siguro yun which I thought she did. But I swear to God gusto ko lang talaga makatulong." Impit nitong iyak na mukhang nasasaktan na rin sa paraan ng pagkapit dito ni Gudo.

Him?

"How long?" Tiim ang bagang ko itong hinarap. Kahit gusto ko na itong saktan sa mga oras na ito ay pinigil ko ang sarili ko. At sino itong lalaki na gumugulo sa panaginip nya? Iyon ba ang tatay ni Ella?

"F-four years. But she stopped last year tapos nun bumalik ka nakiusap uli sya sa akin." Halata ang takot dito pero mababakas din ang galit sa mga mata nito para sa akin. "Bitiwan mo ako Gordon nasasaktan ako!" Pumiglas ito at hinimas ang nasaktang balikat.

"Can somebody tell me what the fucking happened six years ago?! Please..Gudo, I'm begging you." Nakaka ubos ng lakas ang mga nangyayari. Halos dalawang linggo pa lang akong nakakabalik pero sobrang dami na ang nangyari.

"I'm sorry Caloy, but we made a promise to Inday na wala kaming sasabihin syo. Hindi nya kailangan ng awa. Besides, ikaw ba nagpaliwanag sa amin, sa kanya kung bakit galit na galit ka?" Medyo tumaas na ang tinig nitong wika.

"Pero paano ko maiintindihan Gudo kung wala akong alam?" Alam kong may katwiran ang sinabi nito. Pero ayoko lang ipakita sa lahat na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Nagkukunwari akong perpekto ang lahat sa akin kahit na ang totoo ay sira pa rin ako.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon