Chapter 32

111K 1.5K 43
                                    

Chapter 32

Bernard's (Caloy) POV

After three days, umuwi kami ng mansyon.
Kung pwede nga lang sana na doon na lang kami, pero may mga bagay akong kailangan na asikasuhin.
Kahit ang mahal kong inday ay mukhang ayaw pa rin bumalik dito sa mansyon, sinabi ko na lang na babalik naman kami.
Nakakatawang isipin dahil sa tabing ilog lang naman iyon at kahit kailan namin gustuhin ay makakabalik kami.

Pero yun feeling na parang totoo kaming nasa paradise ni Inday sa lugar na iyon. Sa amin dalawa lang umiikot ang mundo. Walang problema

Magiging busy na naman ako sa mga susunod na araw dahil aasikasuhin ko ang mga papers para sa pagne negosyo namin ni Allan.

Mahirap talaga pag wala si Anton. Nagpaalam ito ng one month vacation dahil may personal na bagay daw itong aasikasuhin.
Hindi ko na inalam kung ano iyon.
Pagkatapos kong ipa pull out ko ng share sa negosyo ng pamilya ni Angela, sa tingin ko ay kailangan din naman nito ng break.

Ilang beses din tumawag si Angela but I ignored her call.
Hindi ko gustong pagsimulan iyon ng tampo ng asawa ko.

"Baka gabihin na ako ng uwi mahal ko." Tumango ito at hinalikan ako ng mariin sa labi.
Napangiti ako sa pagitan ng labi nito at gumanti ng halik.

"Mag iingat ka Caloy. I love you."

"I love you more."

Hinalikan ko uli ito at nagpaalam na bago pa magbago ang isip kong angkinin na lang ito buong maghapon.

Dadaanan ko rin yung ipinatatayong piggery sa may dulo ng hacienda pati na rin ang mga bagong kabayong dumating nun nakaraan kaya kailangan ko munang magtiis.

Napabuntong hininga ako. Hindi pa man ako nakakaalis ay nami miss ko na agad ang Asawa ko.

Kung pwede lang twenty four hours ko syang kasama.
Kung tutuusin ay pwede kong ipagkatiwala na lang sa iba ang pag aasikaso ng mga bagay bagay, pero gusto kong maramdaman ng mga tauhan dito sa hacienda na hands on din ako pagdating sa trabaho. Gusto kong makuha ang loob ng bawat manggagawa at iparamdam sa kanila na pantay pantay lang kami.

____________
Belinda's (Inday) POV

Umakyat ako sa kwarto namin mag asawa. Kahit masaya ay medyo nakakapagod din ang ginawa namin sa rest house, at dahil buntis ako ay mas ramdam ko ang pagod.
Parang gusto kong mahiya sa sarili ko pag naaalala ko ang mga ginawa namin. Lahat na yata ng kaalaman ni caloy sa larangan ng pagro romansa ay ginawa nya sa akin. Nandon angkinin nya ako sa shower, sa may balkonahe, sa ilalim ng malaking punong mangga at sa mismong ilalim ng tubig ilog.
Wag mong kalimutan ang sex nyo sa loob ng sasakyan! Tili ng utak ko.

Napangiti akong mag isa na humiga sa kama. Ka aalis nya pa lang pero sabik na sabik na akong gumabi para makauwi na agad ito sa akin.

Nagdulot ng mainit na pakiramdam sa Puso ko ang isiping iyon.

Nagising ako sa mahinang katok sa pinto. Napatingin ako sa wall clock na bumangon at nagulat ako nang mapagtanto na higit apat na oras pala akong nakatulog.
Pupungas pungas ko itong binuksan at tumambad sa akin ang nakatungong si Joy.

"Joy may Kailangan ka ba?"

"Ahm.. Mam Inday may dumating pong envelope kanina sa mail box, nakapangalan po sa inyo." Hindi pa rin ito tumitingin sa akin na iniabot ang nasabing envelope.
"Ipinasasabi din po ni manag Nena na kumain na po kayo ng tanghalian." Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito dahil sa envelope nakatutok ang aking atensyon.

"Sa akin?" Nagulat ako dahil wala naman pwedeng magpadala sa akin ng sulat o kung anu pa man. Wala na akong kamag anAk maliban kay Ella, kaya nakapag tatakang makatanggap ako ng ganito.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon