Chapter 34

95.3K 1.5K 27
                                    

Chapter 34

Belinda's (Inday) POV

Halos mapanganga ako nang humimpil ang sasakyan ni Annette sa tapat ng isang malaking pader ng bakuran ng isang mansyon. Pinag buksan ito ng isang binatilyo at yumukod ng ulo nang mai pasok ni Annette ang sasakyan.

"Dito ka nakatira?" Nagtataka kong wika." Walang ibang pumasok sa isip ko kundi baka nakakuha ito ng bigating costumer at ibinabahay sya dito.
Ipinilig ko ang aking ulo sa itinatakbo ng isip ko.
Alan kong hindi ganoong klaseng babae ang kaibigan ko.

"My dad and his wife together with my step brother live here, I have my own house sa may dulo ng hacienda dun tayo titira. May dadaanan lang akong ilang gamit dito ngayon at magpapalit ako ng sasakyan. Paliwanag nito habang tinatahak namin ang malawak na hardin patungo sa garahe ng malaking mansyon. Tumigil ito sa tapat ng isang Land Rover at binuksan iyon.
"Wait here, may kukunin lang ako.

Tumango ako at sumakay na sa passenger seat.

"Ibig mong sabihin mayaman ka Annette?" Hindi ko na mapigilan ang usisain ito ng makabalik ito at sumakay na rin sa sasakyan.

"You can say that. Well, mayaman ang family ko pero ako hindi. Agustin ako bell." Ini-start nito ang makina at pinaandar na ito.

Kung nagulat ako kanina nang malaman kong mayaman ito ay doble mas nadoble iyon sa sinabi nya.

"Agustin, as in yun may ari dati ng hacienda sa San Antonio?"
Na pag aari na ni Caloy ngayon!

"Yes, sana hindi magbago ang pagkakaibigan natin sa paglilihim ko sa'yo bell, I had a reason." Medyo naiiyak na nitong ginagap ang kamay ko gamit ang isa nitong kamay

Bigla akong naawa sa hitsura nito.
Iba sa kilala kong Annette na palaban at laging cool lang. Ang babae kong kaharap ngayon ay mukhang babasaging bagay na kailangan ingatan dahil konting madagi lang ay mukhang mababasag.
Hindi ko inakala na ang mayayaman pala ay nakakaranas din ng maraming problema sa kabila ng estado nila sa buhay.

Ngumiti ako dito at pinisil ng bahagya ang palad nya para I-assure na naiintindihan ko kung anuman ang dahilan nya ng paglilihim sa tunay nyang pagkatao.

Minsan kasi nagagawa ng taong maglihim para protektahan ang sarili o di kaya ay para sa ikabubuti ng lahat..

"Thank you friend, promise mamaya sasabihn ko ang lahat." Bumuntong hininga itong binawi ang kamay sa akin at nag concentrate na sa pagmamaneho.

Ilan minuto lang at tumigil kami sa isang malaking bahay.

"We're here." Pinatay nito ang makina ng sasakyan at bumaba.

Bumaba na rin ako habang sinusuyod ko ng tingin ang paligid.
Nung sinabi nyang May sarili syang bahay ay inisip ko na simple lang ito pero ngayon ko napagtanto na Agustin nga pala ang kaibigan ko.
Malaki ang bahay nito na may ikalawang palapag. Napansin ko rin ang ilang sasakyan pang nakaparada sa garahe nito.
Wag nyang sabihin sa kanya pa rin ang mga sasakyang iyon?

Narinig ko itong tumawa ng mahina kaya nilingon ko ito.

"You can have one if you want."

Naguguluhan ako sa sinabi nito.

"The car bell, kung gusto mo pumili ka lang. I can teach you how to ride, I used to dragged raced nun mga sixteen pa lang ako." Naglakad na ito sa may pintuan at kinuha ang susi sa bag nya.

Hindi ako naka imik sa sinabi nito. Siguro ay kailangan ko ng konting oras para mag process ang mga nalaman ko tungkol sa kaibigan ko.

Hindi pa rin ako sanay sa Annette na kasama ko ngayon.
Ang kilala kong Annette ay laging naka short fitted dress na may makapal na make-up at laging ngumunguya ng chewing gum, pero ang nakikita ko ngayon ay isang babaeng sobrang sopistikada kahit sa simpleng white short at yellow sleeveless blouse at doll shoes na suot nito.
Hindi rin kulot ang buhok nito at sa halip ay straight na nakalugay.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon