Chapter 36

97.3K 1.9K 57
                                    

Chapter 36

Belinda's (Inday) POV

"You look beautiful Van." Ngumiti lang ito sa akin ng hindi umabot sa mata nito.
Naka suot ito ng champagne colored long gown na humakab sa magandang hubog nitong katawan. Nakalugay ang mahabang buhok nito na kinulot sa dulo at simpleng make-up lang.

"Thank you Belle, pero parang gusto kong main secure sayo, you look hot as always."
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa bago pumalatak.
Nakasuot ako ng isang black long gown na medyo mababa ang cut sa likuran kaya kita ang tattoo ko.

One year after I gave birth to Gab ay nagpalagay ako ng tattoo sa likod. It was Gabriel the archanghel. Dito ko rin kinuha ang name ni Gab, dahil siya ang anghel ng buhay ko. "

Nagtutubig ang mga mata nitong yumakap sa akin.
Alam kong hindi iyon luha ng kasiyahan kaya niyakap ko rin ito at umusal ng mahinang pampalubag loob dito.

Ngayon ang engagement party nila ni David Elizalde step brother niya.
Kilala rin ang pamilya ng mga ito dito sa San Martinez at gaya niya tagapagmana ito ng hacienda ng mga Elizalde. Ayon kay Vanna ay mula sa dad niya ay arranged marriage ang nangyari sa pagitan ng asawa nitong si senyora Cecil na ina ni David. Isang taon lang ang agwat ng edad nila. Nang ikasal ang mga magulang nila ay umapila ang magkabilang panig na huwag i-adopt ni senyor Mauro si David. Ito pala ang dahilan ng lahat. Ang ipag kasundo rin ng matatanda ang dalawang apo sa isa na namang arranged marriage.

Minsan napapaisip ako kung masya kaya ang mga magulang nila sa pagde desisyon sa future ng mga anAk nila?

Importante ba talaga ang perang pino protektahan nila kung habang buhay naman silang hindi magiging masaya?

"Nasan si Gab?" Pababa na kami ng hagdan dahil magsisimula na ang party. Sabi kanina ng katulong na tumawag sa amin ay marami rami na rin ang mga bisita.

"Kinuha ni Abbie kanina." Kung natatandaan nyo ay si Abbie ang schoolmate namin ni Vanna.

Sinalubong kami ni David sa ibaba ng hagdan at kinuha ang kamay ni Vanna at humalik doon.

Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko maiwasang hindi mainggit. Kahit alam kong walang love sa part ni Vanna ay makikita mo na he cares for her.

"Van una na kayo, I need to pee." Tumalikod ako at nagtungo sa malapit na cr.

Matapos kong mag cr ay nasalubong ko si Tim. Ito ay isa sa mga batang professor sa university na ka batch mate ni Vanna nung high school at isa rin sa malapit nitong kaibigan.

"Hi miss." Bati nito sa akin.

"Tim. Nasan si Kristen?" Ang tinutukoy ko ay ang girlfriend nito.

Bumuntong hininga ito.

"May problema ba?"
Nag aalala kong tanong dito.

"Sa akin wala, pero sa kanya meron. Come, Sabay na tayo pumunta sa bulwagan." Kumapit ako sa braso nito at ipinulupot naman nito ang kamay sa bewang ko sa likod.

"By the way, you look hot. Kung hindi lang siguro ako in love kay Kristen niligawan na kita." Pabiro nitong wika sa akin, pero halata na may bumabagabag dito.

Habang tinatahak namin ang direksyon papunta sa bulwagan ay ikinwento nito ng pahapyaw na buntis si Kristen pero tinanggihan siya ng ayain niyang magpakasal ito.

"Wag ka masyado mag alala Tim, ganyan talaga ang mga preggy, hindi maintindihan ang mood swings." Hinalikan ko ito sa pisngi at binigyan ito ng matamis na ngiti. Kahit manlang dito ay sana gumaan ang pakiramdam nya. Bumitaw ako sa braso nito nang makarating kami sa table kung nasaan si Gab ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanginig ang tuhod ko nang makita ko ang lalaking karga karga ang anak ko. Matalim itong nakatingin sa kamay ni Tim na nasa bewang ko pa rin.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon