Chapter 40

110K 1.8K 34
                                    

Chapter 40

Bernard's (Caloy) POV

"From now on mahal ko, no more promises. Ipararamdam ko na lang kung gaano kita kamahal. Kayo ng anak natin." Magkayakap pa rin kami at walang nagtatangkang kumalas sa amin.

"Thank you Caloy, I'm sorry kung nasayang ang tatlong taon sa hindi ko pagtitiwala at nasayang din na masubaybayan mo ang higit na dalawang taon sa buhay ni Gab." Kumalas ito ng yakap sa akin at tumayo. "Halika ipapakita ko sayo ang mga pictures ni Gabriel." Inilahad nito ang kamay sa akin at inakay ako sa kwarto nila.

"You don't look like you gave birth to Our child." Hindi ko mapigilang punahin ito habang nakasunod ako sa likuran nya. Mas lalong nadepina ang mga curves nya.

"Hay nako kung alam mo lang kung gaano ako mukhang balyena nun nasa huling buwan ako kay Gab. Buti na lang at may alam si Vanna sa yoga kaya ayun nakagawian na namin after kong manganak. " walang anuman nitong wika na natatawa pa habang inaalala ang pagbubuntis niya. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko. Sana nandoon ako ng mga panahong iyon.

Kung pwede ko lang ibalik ang panahon gagawin ko para maitama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko.

"Nahirapan ka ba? Sa pagle labor?" Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.

Ngumiti ito bago sumagot.

"Thirty six hours ako nag labor, pero worth it lahat ng hirap ko nun makita ko si Gab. Hey, bakit ka umiiyak?" Pinunasan nito ang luhang hindi ko napansin na dumadaloy pala sa pisngi ko.

"Please Caloy, don't feel guilty sa mga nangyari. Past na yun at pArehas tayong may kasalanan sa nangyari. At least we learned from our lesson and besides.." Pagbibitin nito na parang nahiya pa itong tumungo. "Bumawi ka na lang sa mga susunod nating magiging Anak."

Doon ay napangiti ako.

"I love that wife, gusto ko at least five kids."

Gusto ko talaga magkaroon ng malaking pamilya. Siguro aydahil pArehas kaming hindi nagkaroon ng ganoon simula pagkabata namin.

Big and happy family with Inday.

"Pero Caloy, twenty eight na tayo, sa tingin mo kaya yun?" Nanlalaki ang mga mata nito. At least hindi sya kumontra sa sinabi ko.

"Kayang kaya mahal ko. Gusto mo simulan natin ngayon habang tulog si Gab?"

Hinampas ako nito sa dibdib na ikinahalakhak ko ng malakas naging dahilan para magising si Gab.

Crap! Akala ko makakaisa ako kay misis.

_______

Belinda's (inday) POV

Gaya ng sinabi ko ay ipinakita ko ang mga pictures ni Gab sa kanya sa nagdaang higit dalawang taon kay Caloy.

Hindi na nan nito napigilan ang pagdaloy ng luha pagkakita sa mga ito pero hinayaan ko lang sya.

"Mahal ko kailan mo balak bumalik ng San Antonio?"

Kumakain kami ngayon ng hapunan.

Tiningnan ko ito habang nasa ibabaw ng kandungan nito si Gab at pinapakain.

Napaisip ako sa sinabi nito.

"Gusto ko sana ay pagbalik ni Vanna para makapag paalam at makapagpasalamat ako."

Umiling ito.

"Hindi Natin alam kung kailan siya ibabalik ni Gudo. Kilala mo ang kaibigan nating iyon." Kahit ako ay naisip na rin iyon, knowing Gudo, ito ang pinaka brusko sa kanilang apat nina Allan,Rod at Caloy.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon