Chapter 11
Belinda's (Inday) POV
Pagdating namin sa mansyon ay hindi ko mapigilang humanga sa karangyaan nito.
Dati ay lagi ko lang ito tinatanaw noong pag aari pa ito ng mga Agustin at pinapangarap na makapasok sa loob nito. Ngayon namang nandito ako sa loob ay para akong sinisilaban na gusto ko agad makalabas dito.Malaki ang ipinagbago nito sa labas. Dati ay wala itong kabuhay buhay ngunit ngayon ay makikita ang maganda at malawak na hardin na puno ng magagandang bulaklak. May maganda rin fountain sa gitna nito at may malaking grotto sa may bandang hilaga.
Hindi mapagkakailang pinagka gastusan ng malaki ang buong mansyon sa pagre renovate nito.
Ganun nya talaga siguro kamahal ang mapapangasawa para ibigay dito ang the best ika nga na makapagpapasaya dito.
Hindi ko mapigilan makaramdam ng inggit at sakit sa dibdib.
Hindi dahil sa karangyaan kundi sa pagmamahal nito sa mapapangasawa.
Ipinilig ko ang aking ulo.
Sinaktan ka niya Inday. Huwag kang magpakatanga sa lalaking dumurog sa puso mo! Asik ko sa sarili ko.Bumaling kay Nanay na busy sa pag uutos sa ilang kasambahay na katulad nito ay naka uniporme.
Ayon kay Nanay Nena ay sa malawak na hardin gaganapin ang nasabing engagement party.
Napa buntong hininga ako. Kahit ang salitang iyon ay parang may pumipiga sa kalooban ko.Hinihiling ko lang na huwag mag krus ang landas namin hanggang sa matapos ang gabi.
Tumulong ako kay Nanay sa paglalabas ng mga kasangkapang gagamitin mamaya. Mga kopita, pinggan, kubyertos at kung anu Anu pa.
"Anung ibig sabihin nito? Anung ginagawa mo dito?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon sa likuran ko.
Napapikit ako ng mariin. Ayaw talaga akong pagbigyan ng tadhana sa simple kong hiling."Ay senyorito, nagkasakit ho kasi si Lala kaya pinakiusapan ko si Inday na pumalit muna ngayong gabi lang." Singit ni Nanay Nena.
Salamat at dumating ito sa tamang oras. Hindi na ako nag abalang humarap dito at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
Hindi ko kailangang magpakita ng paggalang dito dahil hindi ko naman talaga ginustong mapunta sa lugar na ito."Babe? There you go! Kanina pa kita hinahanap. Tumawag sila mama at paparating na daw- "
Ilang saglit itong tumigil sa pagsasalita at naramdaman kong lumapit ito sa akin.
"Who are you?" Nakapamaywang itong nakatingin sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri.
"Magandang araw miss, ako si Inday, pansamantalang kapalit ni Lala ngayong gabi." Walang emosyon kong wika. Tumingin din ako sa mga mata nito."The woman who almost drowned." Nakataas ang kilay nitong wika. "Inday. Hmm interesting. That was the name engraved in the tree. I'm wondering who would be this Caloy." Muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa tinuran nito.
Nakita nya?"Angela, come on maraming ginagawa ang mga yan, I want to see your gown." Lumapit ito sa mapapangasawa at inakbayan ito sa harap ko ngunit ramdam ko ang tumatagos nitong titig sa akin.
"Of course babe! Let's go!" Halos patili nitong wika.
"Manang Nena!"
"Mam?""Gusto kong naka uniporme din yan si Inday mamaya, maliwanag ba?"
"Opo mam."
__
"Nay, wala na po bang ibang uniporme? Ang liit nito sa akin." Malapit nang magsimula ang party at nandito ako ngayon sa servants quarter para isuot ang uniporme ni Lala. Ayon kay Nanay ay maliit na tao itong si Lala kumpara sa height kong 5'8. Kasya naman ang sukat sa katawan ko kaso medyo maiksi ito at medyo hapit sa may bandang dibdib.
"Anak pagtiyagaan mo na iyan at pare pareho lang ang sukat ng iba pang uniporme dyan. Kung bakit Naman kasi kalaki mong babae."
Sinipat sipat pa ako ni nanay bago ako hinila palabas.
BINABASA MO ANG
Si Caloy at Inday (SPG) completed
RomantizmWarning:Rated SPG Location: San Antonio, Hacienda Miranda