Chapter 39

103K 1.9K 21
                                    

Chapter 39

Belinda's (Inday) POV

Nang makabalik ako sa kwarto ay narinig ko ang maliit na tinig ni Gab na mukhang tuwang tuwa umiirit habang humahalakhak naman si Caloy.

Akala ko ba inaantok na ang batang iyon?

Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakasakay si gab sa likuran ng ama.

"Mommy! I'm widing a houwse come and wide with me. (Mommy in riding a horse, come ride with me.) medyo hirap si Gab sa letter 'r'.

"No Gab, mommy is very heavy and I think your horse can't carry two person."

"Why? Don't you want to wide(ride) daddy?" Biglang napaubo si Caloy sa sinabi ng anak at tumingin sa akin na mukhang naghihintay ng sagot sa tanong ng anak.

Kahit inosente ang tanong ni Gab ay alam kong kulay berde iyon sa utak ni caloy.

"Ahm... Of course I-I want to ride your daddy anak, but I want you to drink your milk and sleep first." Nagkakadautal kong sabi sa anak ko na mukhang susumpingin na naman, pero agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kong tumaas ang kilay ni caloy at ngumisi sa sinabi ko.

Ibinaba ni caloy ang anak mula sa likod nito at lumapit sa akin para kunin ang gatas ni Gab.
" I'll let you ride on me mommy after he sleeps."
ibinulong nito sa na pakiramdam ko ay gusto kong kainin na lang ng lupa ng ma realize ko ang sinabi Ko kanina.

Ang sama nga pakinggan.
Nag init ang mukha kong yumuko.

Pero tinawag nya akong mommy! Ang sarap lang pakinggan.

"Caloy, pwede bang ikaw muna ang bahala kay Gab, shower lang ako ng mabilis." Iniiwas ko na ang usapan dahil hiyang hiya na ako.

Plano ko sana kanina na pagkatulog na ni Gab pero ngayong nandito na si Caloy ay bibigyan ko na rin sya ng alone time sa anak namin.

"Sure take your time." Mabilis na sagot nito na tiningnan ako uli mula ulo hanggang paa.

__
"Can we talk?"
Matapos kong mag shower ay inalok ko ito ng maiinom dito sa baba. Pinahiram ko rin ito ng oversized shirt ko na ginagamit kong pantulog na nagmukhang body pa rin sa kanya sa laki ng katawan nito.

"Sure." Kinakabahan kong sagot.

"Wala kaming relasyon ni Angela Inday. I mean, yun sinabi ko noon na pinaalis ko agad ito nung time na medyo alam mo na." Tumango ako para ipaalam sa kanya na alam ko ang ibig nyang sabihin. Nun mga panahong para na akong baliw dahil sa stress.

"That night nalaman kong may kinalaman silang mag ama sa mga maling impormasyon na ibinigay sa akin ng mga imbestigador na inupahan ko para paimbestigahan ka." Nag aalangan nitong wika.

"Pinaimbestigahan mo ako? Pero bakit?"

"I'm so sorry iyon na yata ang pinakamalaking kagaguhan ang ginawa ko sa buong buhay ko Inday, please hear me out."

Tumango ako na pinipigil ko ang pagpatak ng luha ko.

"Noong kinuha ako ni lolo, dalawang taon akong halos araw araw ay sumusulat sa iyo pero ni isang sagot ay hindi ako nakatanggap. Huli na nang nalaman ko na hinaharang pala ni Lolo ang mga sulat ko nun mamatay ito. Kaya wala akong nagawa kundi ang paimbestigahan ka para malaman ko kung anong nangyari sa iyo sa loob ng dalawang taon." Huminga ito ng malalim na nagpatuloy. "Hindi naging maganda ang pagtrato sa akin ni Lolo. Araw araw ay isinusumbat nya sa akin na isa lang akong bastardo pati na rin ang pagkamatay ng ama ko ay sa amin nya isinisi ng inay. Pero nagtiis ako sa poder niya dahil sa pangarap mong umangat sa buhay Inday. Nag focus ako sa pag aaral at the same time marami akong pinasok na part time job para at least mabaling sa iba yun atensyon ko. Alam mo bang yun engagement ring mo ay bunga ng dalawang taon kong pamamasukan sa ibat ibang trabaho? It's not that fancy engagement ring pero malaki ang sentiment value noon sa akin."

Ngayon ako biglang nakaramdam ng pagsisisi nang ikumpara ko ang singsing na iyon sa engagement ring na suot ni Angela.

"Caloy wala akong ibang pangarap kundi ang makasama ka lang." Ginawa nya iyon ng labag sa loob nya dahil sa inaakala nyang pangarap ko?

Oo, pinangarap kong yumaman pero hindi ko inambisyon. Hindi bat lahat ng mahihirap ay iyon ang pangarap? At saka hindi ko inakala na sineryoso nya iyon.

"But you pushed me, na sumama noon kay Lolo."

Umiling iling ako.
Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha ko.

"Ginawa ko iyon dahil alam kong mas marami kang opportunity. Na ayokong maburo ka na lang dito sa San Antonio kasama ko. At hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon Caloy."

"Pero wala akong gusto noon pa man kundi ang makasama ka lang Inday."

"Pero bakit hindi ka agad nagbalik at mismo sa akin mo sana kinumpirma kung ano mang kasinungalingan ang nalaman mo?"

"I'm sorry. Aaminin kong nagalit ako sayo sa pagkaka akalang isa kang dalagang ina. Na nagawa mo akong ipagpalit sa iba kaya bumalik ako ng San Antonio para ipamukha sayo na pagsisisihan mo lahat ang hindi pagtupad sa pangako natin. But everything fall back on me nang malaman kong kasinungalingan lahat iyon, and I'm so sorry mahal ko for everything." Hindi na rin nito napigil ang pagdaloy ng luha.

Gusto ko itong yakapin para iparamdam dito na wala na akong pakialam sa nangyari noon pero marami pa akong gustong malaman.

Gusto kong sabihin nya sa akin lahat para sa ikatatahimik namin pareho.
Na pagkatapos ng lahat ng ito ay magsisimula kaming muli kasama ng anak namin.

"Minahal mo ba si Angela Caloy?

Umiling ito.

"Pero bakit pumunta ka noon sa hotel room nya? Sinabi mo noon sa akin na gagabihin dahil sa trabaho sa hacienda pero bakit nandoon ka?"

"She planned everything para sirain tayo. Pati si Joy at Ruben ay kinasabwat nya para isagawa ang plano nya Inday, and she succeed." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. At ngayon nagbalik sa alaala ko ang mga weird na kilos noon ni Joy.
Ito rin ang nag abot ng envelope sa kanya noon!

"Wala akong ibang minahal na babae kundi ikaw lang. Marami akong naging babae, dahil nabulagan ako noon. Ginamit ko sila para makalimot. Si Angela ang babaeng pinaka kilala ko sa kanila dahil kaibigan ni Lolo ang pamilya nya at alam kong mula umpisa pa lang ay malaki na ang pagka gusto nya sa akin kaya sya ang pinili kong pakasalan. Para pa rin pasakitan ka. Pero ang nakakatawa lang, kahit gaano sinasabi ng isip ko na mamuhi sayo noon, isinisigaw naman ng puso ko na ikaw lang ang babaeng para sa akin. Handa akong kalimutan nalang ang lahat at tanggapin kayo ni Ella kahit noong hindi ko pa nalalaman na kapatid mo pala siya. Alam yun nila allan at Nanay Nena kaya please lang mahal ko take me back? Tama na ang sampung taon na nawalay ka sa akin." Tumingin ito sa mata ko, nagsusumamo ang boses nito.

Umiling ako na ikinalalaglag ng balikat nito. Tumungo ito na parang sumusuko at napahagugol na sinapo ng dalawang palad ang mukha.

"Ako ang makiki usap sayo Caloy, take me back? I'm sorry sa hindi ko pag titiwala sayo. Aaminin kong nasasaktan din ako sa hindi mo pagtitiwalang sabihin sa akin ang lahat ng mga sinabi mo ngayon. Pero gusto kong kalimutan natin lahat ng masasakit na nakaraan at magsimula ulit ng panibago kasama ng anak natin.. Doon sa San Antonio mahal kong Caloy."

Nag angat ito ng ulo at mas lalong lumakas ang pag iyak nito sa sinabi ko.

Mabilis itong nakalapit sa akin at kinabig ako sa mga bisig nya.

"Thank God.. I love you Inday."

"And I love you more Caloy. Ikaw lang."

MatAgal kaming magkayakap at walang nagsasalita. Sapat na sa amin ang maramdaman ang init ng katawan ng bawat isa.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Sa wakas ang pangarap kong makasama sya ay magkakaroon na ng katuparan.

Kasama ng anak namin.

_________

Ok ayan nagkalabasan na sila ng mga sama ng loob, kung may nakalimutan akong ipaliwanag I comment nyo po at ie-edit ko. Ilang chapters na lang po. Pero don't worry kasi ang good news Kahit po matapos ito ay minsan magpo post pa rin ako ng mga bonus chapters.

Thank you for reading!

Please vote and comment!

Follow me: lovingly_yours00

Updated: January 29,2015

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon