Chapter 21

151K 2.2K 77
                                    

Chapter 21

Bernard's (Caloy) POV

Maaga akong gumising at masayang bumaba para magpaluto ng almusal kay Nanay Nena.
Oo, Nanay Nena dahil iyon na lang daw ang itawag ko sa kanya.

Matapos ang party ni Ella ay dalawang linggo ko syang hindi nakita. Hindi dahil sa nagselos ako o galit ako. Oo, nagselos ako kay congressman sa paninira nito ng moment namin ni Inday. Nandun na kasi. Pero dahil sa papansin na lalaking iyon ay naglaho ang lahat ng maganda sanang mangyayari sa amin ni Inday nang gabing iyon.

Pinuntahan ko sya noon sa bahay ni Allan kinabukasan ng party pero ipinagtabuyan ako ng matalik kong kaibigan. Galit pa rin itobsa akin pero hindi ako sumuko.
Mula noon ay araw araw akong nakatambay sa restaurant nito sa bayan. Dalawang linggo ang inabot ko para mapapayag ito na makita ko si Inday pero binalaan din ako nitong hindi sya magdadalawang isip na gulpihin ako pag sinaktan ko ulit si Inday.

Kinausap ko ito at nangakong babawi sa lahat ng sakit na idinulot ko kay Inday at sa lahat ng pagkukulang ko sa pitong taon wala ako sa tabi nito.
Sinabi ko dito lahat ng saloobin ko pati na ang pagmamahal ko kay Inday na hindi nawala.
Nakakaunawa itong tumango lang sa akin.

Inabutan kong nagkakape si Nanay Nena.
"Oh hijo ang aga mo yatang gumising may lakad ka ba? Hindi pa ako nakakapag luto ng almusal." Mukang bagong gising pa lang din ito.
Nginitian ko ito at naglakad para magsalin ng sarili kong kape bago umupo sa katapat nito.

Tumango ako dito.
"Nay pwede bang magpaluto ng almusal? Gusto ko sanang dalhan ng pagkain si Inday ngayon." Nahihiya ako dito na para akong teenager na hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko.

"Nakumbinsi mo rin sa wakas si Allan?" Ngumiti ito sa akin. "Naku pagpasensyahan mo na rin yan kaibigan mo. Masyado lang yun naging overprotective kay Inday simula nun nangyari nga iyon ginawa ni Dan kay Inday. Parang kapatid na rin ang turing nun si Allan kay Inday."
Umiling ako dito.
"Wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin. Nagpapasalamat pa nga ho ako at nandyan si Allan sa panahong dapat ay ako ang dumadamay at nagpo protekta kay Inday. Sa inyong lahat maraming salamat at sana mapatawad nyo ako sa lahat ng kasalanan kong nagawa." Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa mga kamalian ginawa ko.
Sa mga panahong sinayang ko.

"Kalimutan mo na iyon Caloy at magsimula ka na lang bumawi sa lahat ng pagkukulang mo sa kanya." Tumayo na ito at inilagay ang tasang pinagkapehan sa sink.

"Kahit habang buhay nay gugugulin ko para makabawi sa kanya sa lahat lahat."

"Anong almusal ba ang ihahanda ko? Pero ang alam ko ay hindi kumakain iyan si Inday ng almusal. Ewan ko ba sa batang iyon, ilang beses ko na rin iyong pinagsabihan na hindi maganda sa tao ang hindi kumakain sa umaga pero paminsan minsan ay may katigasan din ang ulo nun." Wika nito habang inilalabas na sa refrigerator ang mga kailangan nito para sa lulutuing almusal.

Pwes simula ngayong araw na ito ay kakain sya ng almusal.

Matapos kong mag shower ay bumalik uli ako sa kusina para kuhanin ang mga niluto ni Nanay.
Alas sais y medya na pala at tamang tama kung aalis na ako ngayon. Malapit lang naman ang bahay ni Allan kaya nilakad ko na lang ito.

Usapan namin ni Allan ay magsisimba sila mag anak kaya maiiwan kaming dalawa ni Inday.

Napangiti ako sa sarili ko habang sumisipol na naglalakad.

Miss na miss ko na sya.
Finally after two weeks ay makikita ko na itong muli.

Maagang nagpaalam ang mag anak ni Allan at naiwan ako mag isa habang iniintay kong magising si Inday.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa ito bumababa gayong alas 0tso na. Hindi kaya may sakit ito?
Umakyat ako at sinilip ang pinto ng bawat kwartong madaanan ko. Tatlo ang kwarto dito at sa pinakadulo na sa tingin ko ay kwarto ni Nanay Nena ko natagpuan si Inday na himbing na himbing na natutulog.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon