Chapter 27

128K 2K 15
                                    

Chapter 27

Belinda's (Inday) POV

"Good morning anak, parine at kumain ka na." Masayang bati sa akin ni Nanay Nena. Kumuha ito ng plato at inilapag sa mesa bago ako ipinaghila ng upuan.

"Nay, umupo ka dito at sabayan mo akong kumain. Sinabi ko sayo ayoko ng pinagsisilbihan." Nakakatampo itong si Nanay.

Kahit kailan ay hindi ko ito ituturing na katulong o Kahit na sino mang kasambahay namin dito.

Tumawa lang itong umupo sa bakanteng silya.
"Isipin mo na lang na hindi ikaw ang pinagsisilbihan ko kundi ang magiging apo ko."
"Nanay talaga. Pag lumobo na ang tiyan ko at hindi na ako makalakad sa kalakihan nito dun ako hihingi ng tulong sayo pero sa ngayon pagbigyan mo ang hiling ng buntis."
Ngumiti ako dito at natakam sa inihanda nitong almusal. Nasasanay na akong kumain sa umaga pero minsan ay hindi pa rin ito matanggap ng sikmura ko kaya inilalabas ko rin.

Higit isang buwan na ang nakaraan simula ng ikasal kami at nakabalik na rin ang iba pang kasambahay.

Si Annette naman ay dalawang beses ko pa lamang nakakausap simula ng umalis ito. Hindi na ulit ito nagparamdam matapos kong banggitin ang pangungulit sa akin ni Gudo tungkol sa kinaroroonan nya. 'Sabihin mo nasa impyerno.' Iyon ang sinagot nito sa akin.
Alam kong may hindi magandang nangyari sa dalawa bago ito umalis base na rin sa halos araw araw na paglalasing ni Gudo.

Ang asawa ko kagaya ng nagdaang araw ay busy. Ngayon ay maaga itong umalis dahil pupuntahan daw nito ang mga magsasaka dati ng mga Agustin para kausapin ang mga ito sa balak nya sa hacienda.

Napabayaan ang hacienda Agustin noon kaya ito bumagsak at napilitang ibenta. Ngayon ay gusto uli itong ibangon ni caloy para na rin sa mga maliliit na taong naapektuhan ng pagbagsak nito noon. Mga taong mahal ang trabaho bilang magsasaka. Ngayon ko naisip na may malaking Puso talaga si Caloy.

Malawak ang nasasakupan ng haciendang ito. Idagdag pa ang lupaing kinatitirikan ng bahay namin dati kaya mas lalo itong lumaki. May taniman ng gulay, nyugan at manggahan dito noon na matAgal na napabayaan.
Noong isang araw naman ay may dumating ang mga kabayong sabi ni Caloy ay mula pa sa ibang bansa. Isa ito sa gusto nyang idagdag para sa ikauunlad muli ng Hacienda.
Ang mag breed ng ibat ibang lahi ng kabayo.
Minsan ay nabanggit nya rin sa akin na gusto nila ni allan na pasukin pati ang pag aalaga ng mga backyard animals. Piggery, poultry at cattles. Sa ganitong paraan ay dadami ang magkakaroon ng trabaho dito sa baryo o maging sa bayan.
Magaling at masipag si Allan mag handle nang ganoong bagay kaya alam kong magiging matagumpay sila.

Ngayon ko naisip na napakayaman pala talaga ng asawa ko at hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit sa kanya minsan.
Sobrang alangan ako sa kanya.
Edukadong tao at mayaman.
Hindi kaya sya magsisi na ako ang babaeng pinakasalan nya?
Na mas bagay sa kanya ang babaeng kagaya ni Angela?

"Inday anak, sinabi mo na ba kay caloy ang balak mo?" Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita si Nanay.

"Hindi pa ho eh. Baka hindi rin ako noon payagan kaya mas magandang huwag ko na lang sabihin nay?" Nabanggit sa akin ni Nanay na may pumuntang mga pulis sa bahay nila Allan at ako ang hinahanap. Sinabi ni Nanay na ayon sa mga pulis ay malubha na si tiyo Dan sa sakit nitong cancer at hinihiling nitong makita ako para humingi ng tawad bago man lang ito pumanaw.

Nagpasya akong pupuntahan ko ito ngayong tyempong busy si caloy. Magpapahatid na lang ako kay mang Ruben dahil medyo malayo dito ang provincial jail.

"Ewan ko ba sayo bata ka. Bakit hindi mo pa hayaan na lang mamatay yun at kailangan mo pang pumunta? Patawarin ako ng Diyos, pero hindi ko mapapatawad ang taong iyon sa ginawa nya sayo."

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon