Chapter 8

146K 2.6K 53
                                    

Chapter 8

Belinda's (Inday) POV

"Ang kapal naman talaga ng mukha ng hayup na yon! Hindi porket mayaman na sya ngayon ay may karapatan na syang insultuhin ka! Hay naku Bell pag nagkaharap talaga kami ng gagong yun isang malutong na sampal ang ipapatikim ko sa kanya!" Galit na galit si Annette pagkatapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Caloy nitong mga nagdaang araw.
At oo, Belle ang tawag nito sa akin. Pang katulong daw ang ' Inday' kaya tuwing may tatawag sa akin ng Inday ay umiingos ito at ipinakikitang hindi niya gusto ang pangalan iyon para sa akin.

Halos apat na taon na kaming magkakilala. Hindi ito mismong taga dito, sinabi nya na wala na syang pamilya at nag iisa na lang sya buhay. Bente tres anyos ito, bukod doon ay wala na akong alam tungkol dito. Lagi itong umiiwas kapag tungkol sa personal nitong buhay ang pinag uusapan namin.
Naawa ako dahil katulad ko ay wala na rin akong magulang pero kahit papaano ay may kapatid ako at mga kaibigan. Mabait ito sa akin, at sa dalawang taon namin pagkakakilala ay hindi ko na ito itinuring na iba.
Alam din nito ang tungkol kay Caloy, pati na rin ang tungkol kay Ella at ang masaklap na pinagdaanan ko noon kay tiyo Dan.

"Kasalanan ko din naman, nagpaka tanga ako at naniwala sa lahat ng pangako nya." Naiiyak na naman ako.
Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito kaiyakin. Dati naman palaban ako.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Anong plano mo ngayon? Dito na lang kaya muna kayo ni Ella saken?" Kumalas ako dito at tumingin.
Matagal na rin ako nitong sinabihan ng tungkol dito simula ng makita nito ang tinitirhan namin.
"Ok lang ba, hanggang makahanap ako ng malilipatan? Hahati na lang ako sa renta." Ikokonsidera ko na ang matagal nitong alok sa akin. Mas mabilis akong makaka bisita kay Ella kapag kinuha na ito nila mayor at mas magiging magaan din sa trabaho ko. Kalimitan sa mga nagpapatahi sa akin ay taga dito sa bayan.
Kaya lang naman ako nagtiis at nagmatigas na manatili sa bahay namin ay dahil sa paghihintay ko sa pagbabalik nya. Kahit bawat sulok ng kubong iyon ay nagpapa alala ng kalupitan ni tiyo Dan at ang walang pakialam kong ina.
Higit isang lingo na din lang ang natitira sa dalawang linggong palugit sa akin ni caloy.
"Ok na ok syempre! Bukas na bukas ay maghahakot na tayo ng gamit mo." Masaya nitong wika. Biglang nag ring ang cellphone nito kaya umalis ito bago iyon sinagot. Minsan may pagka misteryoso din itong si Annette. Minsan talagang dumidistansya ito tuwing may tatawag sa cp nito. Hindi naman ito costumer dahil hindi ito nakikipag palitan ng number sa mga ito. Sabi nito na trabaho lang at hindi nya pinepersonal ang mga iyon kaya walang dahilan para makipag tawagan sa mga ito.

"Pano ba yan Annette tuloy na ako, alam ko naman kailangan mo na rin mag ready sa work mo. Salamat din sa pakikinig sa mga drama ko." Wika ko dito nang makabalik ito galing sa pakikipag usap sa cellphone nito. Tumayo na ako at humalik sa pisngi nito.

Dadaan muna ako kay Nanay Nena bago umuwi. Wala si Ella dahil hiniram ito nila mayor, para sa mansyon nila patulugin. Ipapasyal din nila ito bukas. Nakakalungkot dahil unti unti kong nararamdaman ang pagkawalay sa akin ng bata pero naisip ko na mas mapapadali sa akin at kay Ella ang ganitong dahan dahan. Yun hindi mabibigla ang bata kahit pa sabihing gusto nito ang butihing mag asawa.

_____

Bernard's (Caloy) POV

"Sigurado po ba kayo aling Nena?" Nandito ako ngayon sa bahay nila Allan. Kanina ay tumawag ito sa akin at sinabing gusto ni aling Nena na maging mayordoma sa mansyon. Noong una ay ayaw pumayag ni Allan dahil matanda na ito pero mapilit ang matanda. Kahit ako ay labag sa aking kalooban sa sinasabi nito dahil kaibigan ko ang pamangkin nito at hindi magandang tingnan na kukunin kong katulong ang tiyahin nito, pero sa isang banda ay maganda na rin dahil kilala ko ito. Nangako na lang ako kay Allan na hindi ko ito bibigyan ng mabigat na trabaho, besides may ilan din taga bayan na nakuha si Anton para mamasukan bilang kasambahay.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon