Chapter 38

107K 1.8K 31
                                    

I'm dedicating this chapter to @buddzgonzaga, everything happens for a reason girl. And I'm sure there's a brighter future for you and your baby. :)

Chapter 38

Belinda's (Inday) POV

MatAgal nang nakaalis si Caloy ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sumbat na ibinato nito sa akin.

Ako ba ang may pagkukulang?

Tiwala! Yan ang kulang sayo. Sigaw ng utak ko.

Napailing ako at pilit na iwinaksi sa aking imahe ang kanyang mukha.

Mukha na punong puno ng hinanakit.
Ni hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon na isumbat ko rin lahat lahat ng sama ng loob ko.

Akala ba nya naging madali ang buhay ko sa loob ng tatlong taon na malayo sa kanya?
Na araw araw ay para din akong pinapatay sa sakit na idinulot nya?

At aakusahan nya akong walang tiwala gayong ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya?

Nagtiwala ba sya sa pagmamahal ko na kaya kong tanggapin kung anu man ang sasabihin nya? Pero mas pinili nyang maglihim dahil wala rin syang tiwala.

Alam kong nangako ako, pero pag pala nasa ganoong sitwasyon ay hindi mo maaalis sa sarili ang mag alinlangan.

Sa lahat lahat ng sakit na idinulot nya ay hindi ako ni minsan nanumbat sa kanya. Na sinarili ko iyon dito sa dibdib ko kahit sobrang sakit na.

Kasi mahal na mahal ko sya.

_____________
Bernard's (Caloy) POV

Pabiling biling ako sa higaan dito sa hotel at hindi pa rin dalawin ng antok.

Akala ko gagaan ang loob ko matapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko, pero bakit parang mas bumigat?

Tama ba na sumbatan ko sya? Parang may mali kasi. At ngayon nagsisisi ako kung bakit nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko.

Nakatulugan ko na pala ang pag iisip hanggang kaninang madaling araw kaya tinanghali ako ng gising.
Agad pumasok sa isip ko ang anak ko at si Inday.

Babalik ako ngayon sa hacienda ni senyor Agustin gaya ng pangako ko sa anak ko.

Si Gabriel.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na natagpuan ko na sila.

Marami akong napag desisyunan kagabi at gagawin ko iyon ngayon. Para sa sarili ko, kay gab at sa babaeng buong buhay kong minahal.

Dumaan muna ako sa Nag iisang maliit na department store dito sa bayan para bumili ng damit pampalit at ilang pasalubong sa anak ko bago bumalik ng hotel para maghanda sa pagpunta sa hacienda Agustin.

Nagpahatid ako sa car service ng hotel hanggang doon dahil wala akong sasakyan.

"Hijo, bakit hindi ka pa dito nagpalipas ng gabi, alam mo naman na welcome ka dito sa mansyon." May himig pagtatampong wika ni senyor Mauro na sumalubong sa akin.

Maaliwalas ang mukha nito kabaligtaran sa aking inaasahan.
Hindi mababakas ang galit dito sa ginawa ni Gudo.
Anu kayang nangyari sa pag uusap nila ng fiancee ng anak nya? Kahit gusto Ko iyong malaman ay nanahimik na lang ako. May sarili akong problema at iyon muna ang dapat kong pagtutuunan ng atensyon.

"Gusto ko sanang makita ang mag Ina ko senyor." Diretso kong pakiusap dito.

"Umuwi na ang mag ina mo, kakaalis lang nila actually dahil mukhang may hinihintay." Makahulugang wika ng senyor.
Nagulat ako sa sinabi nito.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon