Chapter 19

155K 2.1K 56
                                    

Chapter 19

Tatlong linggo ang mabilis na lumipas. Walang araw na hindi naglalasing si Caloy at lagi lamang nakakulong sa sariling silid.

Nagdaan ang kaarawan ng anak ni Allan at kahit anong gawing pilit dito ni aling Nena ay hindi ito napapayag. Hindi pa ito handang magpakita sa dalaga dahil sa lubos na konsensyang dinadala.
Nalaman din nito sa matanda na nagkakaroon na ng improvement sa kalagayan ni Inday. Kasama ito lagi sa session ng therapy nito sa psychiatrist.
Sinabi din daw ng psychiatrist na in a way ay mukhang nakabuti pa ang ginawa dito ni Angela dahil nagsasalita na ito.
Kailangan daw ni Inday harapin ang mga fears at weakness nito at isa na dito ang harapin ang Roldan Brosas na iyon. Kailangan daw nitong magkaroon ng closure sa nakaraan.
Parang yun sinabi din sa kanya noon ng nasabing psychiatrist.

Maybe you both need a closure Mr Miranda.

Pero hindi papayagang mangyari iyon ng binata. Bibigyan muna nito si Inday ng konti pang panahon.

________
Bernard's (Caloy) POV

"Hijo may bisita ka." Tawag sa akin ni aling Nena mula sa likod ng pinto ng kwarto ko.

"Sabihin nyo ho masama ang pakiramdam ko at nagpapahinga ako."
Wala akong panahon tumanggap ng bisita.
Bukod sa totoong masama ang pakiramdam ko ay mukha akong homeless sa itsura ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag shave at amoy ewan na ako dahil sa araw araw na paglalasing.
Naramdaman ko ang papalayong si aling Nena at nakahinga ako ng maluwag.
Pero bigla rin bumukas ang pinto ng kwarto ko ng malawak at iniluwal nito si Gudo.

"Eewww! Ganyan ba ang pinagkaka abalahan mo lonely boy sa araw araw, ang magpakalasing?" Pumasok ito sa loob at sinipa ang ilang basyo ng alak na nagkalat sa sahig para may malakaran.

"Anong kailangan mo Gudo?"
Bugnot kong sita dito pero ngumisi lang ito diretsong umupo sa higaan ko. Alam kong may galit din ito sa akin katulad ni Allan sa ginawa ko kay Inday kaya nakakapagtakang bisitahin ako nito.
Gusto ba nitong makitang nahihirapan ako?

"Masama bang bumisita sa kaibigan dude? Besides since wala akong plus one sa party ni mayor ay ikaw nalang ang isasama ko." Walang anumang wika nito? Anung meron kala mayor? Marahil ay nagpa pabango sa tao dahil malapit na ang eleksyon?

"Party yun para kay Ella. Ipapakilala ni mayor ang kanyang unica hija sa mga malalapit na kaibigan at mga kamag anak. Semi pormal party hindi pang public." Parang mahulaan nito ang iniisip kong nagsalita ito.

"Pwede ba magsama ka ng iba, siguro naman ay marami kang babaeng nakapila na pwedeng imbitahan wag ako masama ang pakiramdam ko." Humiga na ako at tinakpan ng unan ang mukha ko para ipakita ditong tapos na ang usapan namin at makaka alis na sya.
Hindi naman kami magkakilala ni mayor baka mapagkamalan pa akong gate crasher. At siguradong nandoon si Inday, party ito ng kapatid nya at ayokong masira ang gabi nito kung pupunta ako.

Pero miss na miss ko na sya.

"Wala nga akong maisasama dahil naunahan ako epal mong abogado kay Annette." Halata sa boses nito ang inis.

Mukhang malakas ang tama nito sa GRO'ng iyon.

Invited si Anton? Nakakapagtaka hindi naman ito taga dito sa San Antonio para imbitahan ni mayor.

"No." Pursigido kong wika.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga nito. Salamat at mukhang nakumbinsi kong hindi talaga ako sasama.

"Ganun ba.. Sige pare una na ako. Sayang hindi mo makikita si Inday, ang ganda pa naman ng ibinigay ni mayorang gown sa kanya at pihadong maglalaway si congressman Jiminez mamaya." Sa sinabi nito ay bigla akong napabangon.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon