Chapter 4 (Sikreto sa pagkatao ni Ella)

164K 2.8K 73
                                    

Chapter 4

Belinda's (Inday) POV

Matagal nang naka alis si Caloy at attorney Anton ngunit hindi pa rin maalis ang aking panghihina. Sa nagdaang pitong taon ay wala akong inasam kundi ang kanyang pagbabalik.
Pinaghalong saya, pananabik at tampo ang naramdaman ko.
Saya at pananabik dahil sa wakas ay tinupad nya ang pangakong pagbabalik. Tampo, sa isiping sa loob ng pitong taon ay ni hindi man lang ito sumulat o nakipag komunikasyon sa akin.
Ngunit lahat ng pag asa at pangarap ko ay naglaho sa isang iglap sa malamig na pakikitungo nito at masasakit na katotohanang hindi ko inaasahan. Ang taong buong buhay kong minahal at pinapangarap pala ang sisira at dudurog sa puso ko.
Napahilamos ako sa mukha sa pagpipigil ng pag iyak. Anu bang naging kasalanan ko para panirapan ng kapalaran? Sa pagtalikod sa akin ni caloy ay kasamang nawala ang pag asa ko kay Ella.
Tuluyan na akong mapahagulgol nang maisip kong pati si Ella ay nawawala din sa akin.
Hindi ko maiwasang maalala ang masaklap na pinagdaanan ko ng mga nakalipas na taon.

Kulang kulang isang taon na ang lumipas simula ng umalis si Caloy. Maraming nagbago.
Isang araw umuwi ang inay na may kasamang lalaki at sinabing doon na ito maninirahan kasama namin.

Noong una ay maganda ang pakikitungo sa akin ni tiyo Dan hanggang sa malaman nitong nagdadalang tao ang inay.
Walang araw na hindi ako sinasaktan ni tiyo Dan. Dumating din ang panahon na nalulong ito sa ipinagbabawal na gamot at tuwing nasa impluwensya ito ng droga ay halos mawalan ako ng ulirat tuwing sasaktan ako nito. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin ang pangmamalupit nito sa akin. Ang mga peklat ng paso ng sigarilyo sa aking likuran at ang walong tahi sa aking ulo.
Laking pasasalamat ko sa kababata kong si Allan at nanay nena isang araw matapos akong gulpihin ni tiyo Dan. Ginulpi ito ni Allan bago ipadampot sa mga pulis.
Kung hindi ako nadaluhan agad ni Nanay Nena ay malamang matagal na akong wala. Naisugod ako sa hospital sa bayan. Nagtamo ako ng apat na broken ribs at malaking sugat sa ulo bukod ang mga pasa kong tinamo halos sa buong katawan. Dalawang buwan akong naratay sa hospital at hanggang ngayon ay tinatanaw kong malaking utang na loob sa mga kaibigan ko sa pagtulong ng mga ito sa lahat ng gastusin sa ospital.

Kahit ang sarili kong ina ay walang pakialam sa kalupitan ni tiyo Dan.
Nang arestuhin ito ng mga pulis ay doon ko nalaman ang dahilan ng biglaan nitong pagbabago.
Galit ito kay inay dahil nabuntis ito. Nabuntis ang inay ng ibang lalaki. Inamin ni tiyo Dan na isa syang baog at sa akin nya ibinunton ang galit nya sa pagtataksil na ginawa ni inay.

Hindi doon nagtapos ang kalbaryo ng buhay ko ng pagkatapos magsilang ng bata ni inay ay namatay ito.
Eclampsia.
Ito ang naging dahilan ng pagkamatay nito.
Napilitan akong ilista ang pangalan ko sa birth certificate ni Ella bilang magulang dahil sinabi ng DSWD na dahil sa pagkamatay ni inay ay mapupunta ito sa kanilang pangangalaga.
Ang batang iyon na lamang ang aking nag iisang pamilya at hindi ako makaka payag na ilayo nila ito sa akin. Awa ng DYOS at may isang Nanay Nena na tumulong at itinuring akong isang tunay na anak para palakihin si Ella.

"Nanay may kotse po ulit sa labas." Napatunghay ako ng pumasok si Ella sa loob galing sa paglalaro sa labas.
"Magandang tanghali Belinda." Wika ng lalaking hindi ko gugustuhin makita sa ngayon. Kasunod nito ang isang sopistikadang esposa na nasa likod nito at magilw na nakatingin kay Ella.
"M-mayor.." Nangangapos ang aking hiningang naiusal.
"Maari bang tumuloy?" Tumingin ito sa paligid na wariy hindi nagugustuhan ang nakikita ayon sa disgusto nakalarawan sa mukha nito.

"Tuloy po kayo."

"Ella halika may dala akong manika para sayo, kuhanin natin sa loob ng sasakyan." Wika ng magilw na ginang.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa hija. Pumunta ako dito para bigyan ka ng isang buwan para pumayag sa hinihiling ko kung hindi ay mapipilitan akong dalhin ito sa korte na alam mong wala kang laban." Mahabang litanya ni mayor ng maka alis ang ginang at si Ella.
Anung meron sa araw na ito at magkasunod akong nakatanggap ng ultimatum? Una dalawang linggo para magbalot balot at ngayon ito?
Tuluyan ng tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha.
"Hija, wag mo sanang isipin na malupit ako pero ako ang ama ni Ella at gusto kong maging legal ang karapatan ko sa kanya. Wag kang maging maka sarili. Alam mong hindi mo kayang ibigay ang mga kaya kong ibigay sa kanya. Magandang edukasyon at marangyang buhay. Ipagdadamot mo ba iyon sa kapatid mo?" Lumapit ito sa akin at hinimas ang aking likod para patahanin. "Hindi ko naman ipagdadamot syo si Ella sa oras na ibigay mo sya sa akin. Pwede mo syang dalawin kahit kailan mo gustuhin. Isa pa, matanda na rin ako at gusto kong makasama ang anak ko. Kung hindi lang inilihim sa akin ng inay mo ang tungkol sa kanya hindi na siguro aabot pa sa ganito." May galit ang tono ng boses nito.
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang malaman ni mayor ang tungkol kay Ella. Tumatanggap ako ng tahiin sa mabait na mayora nang makita nito si Ella minsang isinama ko ito sa mansyon nila. Kilala ako ni mayor bilang anak ni inay. At hindi mapagkakaila ang malaking pagkahawig ni Ella dito. Nang malaman nito ang tungkol kay Ella ay kinausap ako ng mag asawa na gusto nilang maging legal na magulang ng bata. Hindi rin nagpakita ang ginang ng pagkadisgusto tungkol sa pagtataksil ng asawa. Sa halip ay natuwa ito dahil ang hindi nito kayang ibigay sa asawa ay napunuan sa katauhan ni Ella.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon