Chapter 25

156K 2.7K 64
                                    

Chapter 25

Belinda's (Inday)POV

Matagal na syang nakatulog ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Marahil sa haba ng tulog ko kanina?

O marahil ay dahil sa huling mga salitang binitiwan nya pagkatapos naming magniig.

Thank you wife, i love you.

Dapat ko bang paniwalaan ang mga salita nya gayong alam kong nasa espiritu ito ng alak?

Pero aaminin kong parang may humaplos sa Puso ko nang sabihin nya iyon.
Naisip ko rin na kung ginagawa nya lahat ng ito alang alang sa magiging anak namin ay susugal ako para mahalin nya kagaya noon.
Lahat ng katanungan sa isip ko ay isasantabi ko muna.

Bumangon ako nang makaramdam ako ng pangangailang gumamit ng banyo. Tutuloy na rin akong mag shower bago bumaba para maghanda ng almusal.

Anong oras kaya babalik si Nanay at ang iba pang mga kasambahay?
Nakaramdam ako ng pag iinit sa pisngi ng maalala ang nangyari kagabi. Buti na lang at wala ang mga ito dahil tiyak na maeeskandalo ang mga ito sa malalakas kong ungol.
Nakakahiya!
Anu kayang iniisip ni Caloy sa akin? Na maingay akong katalik?
Pinilit ko naman pigilan pero ang hirap lalo pa at walang kasing sarap na ligaya ang ipinadama nito sa akin.

Ganun din kaya ang performance nya sa mga past girlfriends nya? Kay Angela?
O baka mas todo bigay sya dahil mas bihasa ang mga ito at alam kung paano sya paliligayahin, hindi katulad kong nakahiga lang.
Nakaramdam ako ng inis at selos.
Parang gusto kong pagsasampalin si caloy ngayon sa naisip ko.
Nakakapang gigil.

Matapos kong mag shower at magpalit ng panibagong t-shirt nya ay bumaba ako para magluto. Nakaka asiwa, dahil ni wala akong underwear na pampalit kaya wala akong suot sa ilalim ng malaking t-shirt na ito.

Ano bang pwedeng lutuin?

Napag desiyonan kong magluto ng scramble egg at iba pa kagaya ng dinala nya sa bahay ni Allan nun isang araw.
Paano kaya ito, talagang hindi ako sanay kumain ng agahan pero kailangan kong sanayin ang sarili ko para sa anak ko.
Anak namin.

Napahawak ako sa hindi pa umuumbok kong tiyan.

Anak sana ikaw ang maging daan para maging maayos ang pagsasama namin ng ama mo.

"Morning sickness wife?" Muntik na akong mapatili nang biglang magsalita si caloy na nakalapit na pala sa akin.
Inirapan ko ito. Mapapaanak ako ng di oras sa gulat dito.
Mukhang bagong paligo na din ito.
Nakaramdam ako ng inis dito na hindi ko mawari kung bakit.

"Kumain ka na at kuhanin mo ang mga gamit ko kina Allan pagkatapos." Naglakad ako papunta sa upuang medyo malayo ang agwat sa pwesto nya at sinimulan nang kumain ng tinapay.

Hindi nito pinansin ang pagtataray ko.
Lumapit ito sa akin at tumabi sa bakanteng upuang katabi ko.

"Kailangan mo sigurong magsanay na kumain ng healthty breakfast Inday simula ngayon." Malumanay nitong wika bago ako hinawakan sa magkabilang gilid ng bewang ko at inilagay sa kandungan nya. Medyo lumililis ang laylayan ng t-shirt kong soot at nanlalaki ang mga matang hinampas ito sa braso ng maramdaman ko sa pang upo ko ang umbok sa ilalim ng malambot na tela ng boxer short nito sa pagitan ng hita nito.

Humigpit ang hawak nito sa bewang ko at nakaramdam ako ng init na dumaloy sa pagitan ng hita ko.
Wag mong sabihin naa arouse ako sa kanya sa ganito kaagang oras?

"K-kumain ka na para mabilis kang makabalik." Ang tinutukoy ko ay ang pagkuha nito sa mga gamit ko.

Umalis ako sa kandungan nito at nagpanggap na nauhaw na naglakad patungo sa kinarroonan ng refrigerator para kumuha ng tubig.
Naramdaman ko itong muli na lumapit at ngayon ay niyakap naman ako mula sa likuran.
"Stop avoiding me wife. Come let's eat, bago pa magbago ang isip ko at ikaw ang kainin ko." Muntik ko nang maibuga ang tubig sa loob ng bibig ko sa tinuran nito.
"Bastos!" Padabog akong pumiglas sa pagkakayakap nito at umupong muli sa unang silyang nakita ko.
Umiiling iling itong tumawa ng mahina na umupo sa tapat ko.
Mabuti naman.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon