The engagement party (part two)

131K 2.6K 162
                                    

Bernard's (Caloy) POV

Nandito ako ngayon sa table ng mga kaibigang lalake ni Angela. Mga kapwa palikero.
"Pare bilib talaga ako sayo pati sa pagpili ng maid. Mga dude look at the girl over there, parang naka costplay ng pang maid lang." Sabay sabay kaming napa tingin sa direksyon na tinitingnan ni Derrick and there I saw her.
Malaki ang ngiti nito sa mga bisitang pinagsisilbihan.
Masaya ba ito dahil nagkita sila ng congressman nya.
Nagtangis ang bagang ko at biglang nag init ang ulo ko sa hitsura nito.
Naka uniform ito ng katulad ng suot nila aling Nena at iba pang maid, pero mapapansin mong hakab na hakab ang suot nito sa katawan at medyo maiksi ito ikumpara sa suot ng ibang katulong.

"Wow! Agree ako sayo dyan pareng Derrick, mukang porn star yun ah." Napasipol pa si Andrie na kulang nalang yata ay tumulo ang laway habang nakatingin kay inday.

Sinadya ba nyang magsuot ng ganun para magpa pansin sa mga tao dito?
Iba talaga ang pagka ambisyosa ng babaeng yon. Akala ba nya makaka bingwit sya ng matabang isda kung iparada nya ang katawan nya?

" Aww! Very disgusting! Seriously guys, a maid? Maarteng sabat naman ng isang girl na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga flavor of the night nitong si Mat.
Napataas ang kilay kong tiningnan ito mula ulo hanggang paa.. Sino ba sya sa tingin nya? Muka itong pick up girl sa suot nito na hapit na hapit at ubod ng iksi.

"Hi miss, can we have more wine?" Napa baling ako sa mga kasama ko ng marinig ko ang boses ni Derrick. Mukhang kinawayan ng mga ito si Inday kaya lumapit ito sa table namin.
"Anyway ako nga pala si Derrick, I'll be staying here for days so I guess I'll see you around miss." Kumindat pa ito dito na ikinapula ng muka nito.
Ngumiti ito at binigyan ng isang kopitang wine si Derrick

"Babe there you are kanina pa kita hinahanap." Lumapit si Angela sa akin na may hawak pang kopita ng wine. Halatang lasing na din ito dahil sa pula ng mukha nito at hindi na ito tuwid maglakad.
"Hi beautiful, drunk already?" Alam kong nakatingin sya kaya humapit ko si Angela sa bewang at bumulong dito. Sinadya kong landiin ito sa harap ng lahat. Kung hindi sya apektado at wala lang sa kanya ang engagement na ito ay wala rin akong pakialam.
Napasigaw ang mga ito ng walang pakundangan akong hinalikan ni Angela sa harapan nila.
Nagulat man ako ay gumanti din ako ng halik nang makita kong nakatingin si Inday.
Sige manood ka lang.
Ipinikit ko ang mga mata ko at mas lalong nilaliman ang halik.
Napapitiw ako kay Angela nang makarinig kami na parang may nabasag na kung ano.
"Shit! Sorry miss." Nakangising sabi ni Derrick. Bakit ito nagsi sorry at bakit ito naka ngisi?
Nanginginig ang kamay na isa isang pinulot ni Inday ang mga basag na kopita ng wine na kanina ay nakalagay sa hawak nitong tray.
Lalapit na sana si Marcus para tulungan ito pero pinigilan ko ito.
"Don't. Trabaho nya yan. " malamig kong sabi.
"Pare kawawa naman si miss, baka masugatan at saka kasalanan naman ni nitong gago kaya nya nabitawan yun dala nya. " Binatukan nito si Derrick na nasa tabi nito. Lalong nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito. Interesado ba sya kay Inday? Wala akong pakialam kung sinong may kasalanan!

"Pare bumaba na ba ang taste mo sa babae at pati katulong ko yata interesado ka ?" Tumawa ako ng nakaka insulto. Hindi ko inaalis ang tingin ko dito. Naalala ko pang kaparehas ito ng sinabi ko kay Anton.

Napapitlag ito at
Napasinghap naman ang lahat ng maka rinig ulit ng pagkabasag ng baso.
"Oh sorry, it slipped. Maarteng wika ni Angela. Alam kong sinadya nitong gawin iyon.
Napatingin kaming lahat kay Angela.
"What? Hindi ko sinasadya yun. At ikaw babaeng papansin bilisan mong linisin yan nakaka agaw ka na ng atensyon ng mga bisita. nakakahiya!" Galit nitong sabi. Tiningnan ko ito ng nagbabantang tingin.

"Ay dyaskeng bata!" Napa baling ang tingin ko sa paparating na aling Nena na agad lumuhod para tulungan si inday. "Anak pakiusap bitiwan mo yan!" Narinig kong umiiyak si aling Nena.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon