Chapter 30

115K 1.6K 29
                                    

Chapter 30

Belinda's (Inday) POV

Pagpasok ko sa bathroom na kanugnog ng kwarto ay nanghihina akong napasandal sa pinto nito.

Hanggang ngayon pala ay may komunikasyon parin sila?

At bakit parang takot na takot si caloy ng makita nyang si Angela iyon?
Natatakot ba syang malaman ko na may ugnayan pa rin sila? Na mabuking ko sya?

Narinig ko ulit ang pag ring ng cellphone nito at umuusal ako ng dalangin na huwag nya iyong sagutin, pero bigo ako.

"Angela." Dinig ko sa pigitan ng pinto na sinagot nito iyon.

Tuluyan nang pumatak ang pinipigilan kong luha. Umalis ako sa pagkakadandal at nagdiretso sa may shower. Ayokong marinig kung ano ang pag uusapan nila kaya binuksan ko ang shower at itinodo ko para wala akong marinig na anuman kundi ang pagpatak lang ng tubig mula sa dutsa nito.

Hindi alintana ng aking katawan ang malamig na tubig na patuloy sa pagdaloy sa aking katawan. Ni hindi ko nagawang maghubad ng bestida ko dahil sa panghihina ko.

Natatakot ako.

Naiinis ako.

At gusto kong magalit sa kanila.

Pero sinabi nyang mahal nya ako at ipinaramdam nya iyon sa akin buong magdamag at noong mga nakaraang mula nang ikasal kami.

Kailangan ko bang magduda o magtiwala sa mga sinabi nya?

Naguguluhan ako.
Napahawak ako sa medyo umbok ko nang tiyan.
Mahal tayo ng ama mo anAk. Bulong ko sa aking sarili, kahit hindi ko maiwasang mag alinlangan.

Napasalampak nalang ako habang patuloy ang pag agos ng malamig na tubig sa aking katawan at pag agos ng mainit na luha sa aking pisngi.

Matagal akong nakasalmpak lang doon at napagpasyahan kong tapusin ang paliligo ng makaramdam ako ng pangangatog ng buong katawan dahil sa lamig.

Wala na ito sa kwarto nang lumabas ako.
Ni hindi nya man lang ako sinundan sa bathroom para suyuin?
Kahit ayokong makita nya ako sa ganoong sitwasyon na mukang basang sisiw ay may isang panig sa akin na umasang susuyuin ako nito at magpapaliwanag.
Na bigyan ako ng assurance na wala akong dapat ipag alala.

Pero pinili nitong umiwas.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa limang baitangang hagdan at nag diretso sa kusina.

Hindi ko ipahahalata na nasaktan na naman ako ng labis.

Naabutan ko itong nakatalikod sa akin habang nagluluto ng agahan.
Ngayon ko lang napagmasdan ang buong kusina. Simple lang iyon pero kumpleto ang mga gamit.

May mga prutas na nakalagay sa isang basket na nasa ibabaw ng mesa. May gatas din na nakalagay sa isang bottle at may coffee maker at amoy ang mabangong aroma ng kape sa buong kusina.

Tahimik akong umupo at piniling inumin ang gatas dahil buntis ako at masama daw ang magkape ng madalas kaya ito ang pinili ko.

Napansin nito ang aking presensya kaya Natigil ito sa ginagawa at lumapit sa akin ng alanganin.

"Mahal, sandali na lang matatapos na akong magluto."
Tumango lang ako nang hindi sya tinitingnan. Ayokong makita nito sa mata ko na nasasaktan ako.

Bumuntong hininga ito bago ako halikan sa noo at nagbalik sa pagluluto.

Tahimik kaming kumakain nang basagin nito ang katahimikan.

"Inday, look at me." Sinunod ko ito at tiningnan sya sa mga mata.

"Ikaw lang ang mahal ko, at wala akong alam kung bakit sya tumawag kanina, please trust me." Mahina pero sincere ang boses nitong walang kurap na wika sa akin.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon