Chapter 37

101K 1.8K 36
                                    

Chapter 37

Bernard's (Caloy)POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nagba vibrate ang cellphone ko sa chest pocket ng suit ko.
Nakatulog pala ako kanina habang yakap ko si Gabriel.

Kinumutan ko muna ito at hinalikan sa noo bago pumunta sa may balkonahe ng kwarto. Ayokong magising ito.

Sinagot ko agad ang tawag nang makitang si Gudo ang tumatawag.

"Caloy, pakisabi kay senyor Agustin na pauwiin na ang mga bisita dyan dahil walang bride to be na makakaharap sa kanila sa ngayon, and please say sorry in my behalf sa pag kidnap ko sa prinsesa nya." Mahaba nitong litanya. Naririnig ko rin ang pagsigaw ni Annette/Arabella sa kabilang linya.

"Gudo! Anong ginawa mo?"
Fvck! Paano ko sasabihin sa senyor ang kalokohan na to?

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip nito? Syempre ako ang kahiya hiya dahil ako ang nagsama sa kanya, at ano ang sasabihin ng senyor sa mga bisita?

"I told you pare kinidnap ko sya__ Ouch woman! Gusto mo bang mabangga tayo? Pare I'll hang up na sorry talaga. Hiniram ko nga pala ang sasakyan mo kaya dyan ka na muna matulog kasama ng misis mo."

"P*tang ina ka Gu__
Biglang naputol ang linya.

Napahilamos na lang ako sa mukha. Bakit naman sumabay pa ang gago sa mga problema ko!

"Aggh!!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw sa ginawa ni Gudo.

Bigla akong Nakarinig ng mahinang pag iyak.

Great! Nagising pa ang anak ko sa sigaw ko.

Oras na magkita tayo Gudo ililibing kita ng buhay!

"Gabriel baby, hush.... dada is here." Muli akong humiga sa tabi nito at tinapik tapik ito para makatulog muli.

I can stay like this forever.
Ang ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit kilala ako ng anak ko?

Masaya akong isipin na kahit ipinagkait nyang makilala ko si gab ay hindi nya ipinagkait sa anak namin na makilala ako. Marahil ay ipinakita nito kay gab ang picture ko?

Naalala ko noon ay ilang beses akong kinukuhanan ni Inday ng picture sa bago nyang cellphone nun nasa rest house kami.

Ilang sandali pa ay naging kalmado na uli ang paghinga ni Gabriel.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng higaan.

Nasaan na ba si Inday? Kailangan kong makausap ang senyor pero hindi ko kayang iwan mag isa ang anak ko dito. Paano kung magising ulit sya na wala man lang kasama dito?

Marahil ay bumalik ito dun sa lalaking nakapulupot ang braso sa kanya kanina?

Ipinilig ko ang aking ulo sa selos na nararamdaman ko. Hindi ito ang panahon at oras para unahin ko ang makasarili kong nararamdaman.

Bumukas ang pinto at pumasok si Inday.

"Caloy, gising ka na pala. Nakatulog ka kanina kaya iniwan ko muna kayo ni Gab." Tumungo ito na nanatiling nakatayo lang sa bukana ng pintuan.

Tumayo ako at tumango kahit alam kong hindi ako nito nakikita dahil sa sahig ito nakatingin.

"May naging problema at kailangan kong makausap si senyor Mauro." naglakad na ako para lumabas pero tinawag ako nito.

"Caloy pwede ba tayong mag usap muna?" Nakiki usap nitong wika na nag angat ng mukha.

Umiling ako at inipon ko ang lahat ng makakaya para pigilan ang sarili kong ikulong ito sa aking bisig.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon