Chapter 22

142K 2.3K 74
                                    

Chapter 22

Bernard's (Caloy) POV

"Inday?" Tinapik ko ito sa pisngi.
Ano nangyari sa kanya? May sakit ba ito?
Umungol ito ng mahina bago nagdilat ng mata.
Sinubukan nitong bumangon kaya mabilis ko itong inalalayan.
Nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa paligid bago sa akin.

"You passed out pagkatapos mong magsuka."

Parang bigla nitong naalala ang nangyari kaya tingnan ako nito ng pamatay nitong irap.
"Kung hindi mo kasi ako pinilit kumain hindi mangyayari ito." Halata ang inis sa boses nito.
Nasaktan ako sa tinuran nito pero hindi na ako umimik.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Dr Mendoza.

Yes, kaninang mawalan ito ng malay ay nag panic ako at tinawagan agad ang driver kong si Ruben para madala ito sa hospital.

"Miss Bernales." Ngumiting lumapit ito kay Inday at nakipagkamay.

"Doc wala akong sakit, baka pwedeng umuwi na ako?" Tumungin ito sa suot na damit at nakakamatay na pukol na naman ang ibinigay nito sa akin.
"Binihisan mo ako?"
Parang maamong tupa akong tumango.

Alangan namang dalhin ko sya sa hospital na naka manipis na pantulog? Kahit matanda na itong si dr Mendoza ay lalake pa rin ito at ayokong may makakakita sa kanya sa ganoong itsura.

Ako lang dapat.

Tumayo na ito at akmang aalis nang magsalita muli ang doctor.
"Miss Bernales sandali lang."

"Doc mamamatay na ba ako?" Mataray nitong wika na sa akin nakatingin.

Pumitlag ang doktor sa tinuran nito. Halatang natakot sa tono ng boses nito. Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako sa naging reaksyon ng doktor, pero hindi ko gusto ang tanong nito sa manggagamot.

Matigas ang ulo ni Inday lalo na pag galit ito.

Napakamot na lang sa ulo ang matandang doctor sa inasal nito.

"Of course not! Well, actually naiintindihan ko yan ganyan mood swings, normal lang iyan sa kalagayan mo pero kailangan mo rin minsan kontrolin iyan hija." Mahabang paliwanag ng doktor.

Naguguluhan lang itong tumitig sa doktor.
"Ok let's make this short. You're probably seven to eight weeks pregnant hija. Congratulations." Tinapik nito sa balikat si Inday.

Pakiramdam ko ay tumigil ang aking paghinga sa sinabi ng doktor. Totoo ba ito?
Gusto kong maiyak sa sobrang kasiyahan.

She's pregnant, meaning magiging tatay na ako!
"Congratulations din sayo Mr Miranda and please iwasan ma stress si miss Bernales at komonsulta agad kayo sa OB-gyne."
"Thank you Doc." Doon ako natauhan sa pagkakatigagal. Kinamayan ako nito bago lumabas ng silid.

Sumandal si Inday sa pintong pinaglabasan ng doktor. Pumikit ito at paulit ulit na humihinga ng malalim na parang pinakakalma ang sarili.

"Hey are you ok?" Nag aalala ko itong nilapitan at hinawakan sa balikat.

Nagdilat ito ng mata at galit akong tiningnan.
Anong problema nya? Hindi ba sya masayang magkakaanak na kami?

"Sa tingin mo ok lang ako? Buntis ako! Hindi na natapos tapos ang problema ko tapos ngayon tatanungin mo ako kung ok lang ako ha? Pwes, hindi ako ok!" Sigaw nito habang nag iiyak.

Nakadama ako ng pagdaramdam sa mga tinuran nito. Problema ba ang tingin nya sa magiging anak namin?

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago magsalita.

"Inday, blessing sa atin ng Diyos ang batang iyan, hindi problema." Mahinahon kong wika na sana ay maunawaan nya.

Tumawa ito ng pagak.
"Parang kelan lang ipinamukha mo sa aking marumi akong babae, tapos ngayon sasabihin mo anak natin? Paano ka nakakasiguro? Malay mo si mayor o si congressman pala?" Kita ang sakit sa mga mata nito habang sinasabi iyon.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon