Chapter 20

142K 2.2K 57
                                    

Chapter 20

Bernard's (Caloy) POV

Nahigit ko ang aking paghinga nang pumasok sya sa bulwagan ng mansyon nila mayor.
She's wearing a very sexy gold long gown. Bagay na bagay ito sa morena nyang kulay.
Hakab na hakab ang bawat parte ng katawan nito na halos lahat ng kalalakihan ay sa direksyon nila nakatingin isama pa si Annette na hindi magpapahuli sa suot nito. Si Anton ay malapad ang ngiti dahil dalawang magandang babae ang naka abrisyete sa magkabila nitong braso.

Tumingin ako sa paligid at hindi ako nagkamali na naagaw nila ang atensyon ng mga bisita, lalo na ang mga kalalakihan. Hindi ko maiwasang makadama ng pagpupuyos ng damdamin sa mga lalaking ito na para bang gusto nang hubaran si Inday sa tingin.
Damn!

"Whew!" Narinig kong pumalatak itong katabi kong si Gudo bago sumipol.

"P*tang ina si Inday ba iyon, ang ganda ah!" Napamurang wika ni Gudo bago humakbang palapit sa mga ito at niyakap si Inday bago gawaran ng halik sa pisngi. Kahit sa mga ganon simpleng gesture ay hindi ko maiwasang hindi mainggit.
Napaka natural lang sa kanila.

Lalapit ba ako para bumati?

Ngumiti ito kay Gudo bago inilibot ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.
Nagtama ang tingin namin at ngumiti itong kumaway.
Nagulat man ako dito ay naramdaman ko na lang na kusang humakbang ang paa ko sa kinaroroonan nito.
Pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya ay isang bulto ng lalaki ang humarang sa aking paningin na lumapit kay Inday.

Congressman Jimenez

"Leo, salamat at nakarating ka." Nakangiting bati dito ni Inday.
So, kay Jimenez pala sya ngumiti at kumaway?
Napahiya ako sa sarili ko.

Alangan namang sayo caloy? Asik ng utak ko.

Kinuha nito ang kamay ni Inday at hinalikan ang likod ng palad nito.
Mas matagal sa normal na paghalik sa kamay habang malagkit itong nakatingin dito.
Gusto kong hilahin at ilayo sa kanya si Inday pero alam kong wala akong karapatan.

"Hindi ko kayang tumanggi sa invitation mo Belinda. By the way you look gorgeous as always." Wika nitong hindi pa rin binibitiwan ang kamay ni Inday.
At sya pala ang nag imbita dito?
Samantalang ako na walang minutong hindi sya inisip at halos mamatay na sa dami ng dinadala sa konsensya ko ay wala man lang nakaalala maliban kay Gudo?
Asa!
Muli ay napahiya ako sa tinatakbo ng utak ko. Tanga lang ang taong pagkaka abalahan ang tulad kong walang puso para pag aksayahan ng panahon.

Alam ko naman isang pagkakamali ang desisyong sumama kay Gudo pero hindi maatim ng utak ko na magkita at maka porma si Jimenez kay Inday.

Ang sakit lang dahil wala akong magawa.
Ngayon ko naiisip kung gaano kasakit ang naramdaman niya nang makita nyang kasama ko si Angela.
We even kissed in front of her!
A torrid one!

Kaya ko bang makita kung sakaling gawin nila iyon sa harapan ko ng congressman na ito?

O ng ibang lalake?

Hell no! She can hate me forever pero hindi ako makakapayag na iba ang hahawak sa kanya.

Na iba ang hahalik sa kanya.

At lalong hindi ako makakapayag na ibang pangalan ang sasambitin niya habang minamahal siya.

That man could be only me.
Whatever it takes.

Ako lang walang iba.

_______
Belinda's (Inday) POV

Nang dumating kami ay agad akong sinalubong ng mag asawa ni mayor at ipinakilalang kapatid ni Ella sa mga kamag anak nito.
Malaking pasasalamat ko sa mga ito at hindi nila ako tinanggalan ng karapatan sa kapatid ko.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon