Chapter 1

21.7K 341 30
                                    

This was the day na pinakahihintay ni Delphine, ang araw na pinakahihintay ng halos lahat ng babae. Ang araw ng kanilang kasal.

Matagal na naging engaged si Delphine sa five years na boyfriend na si Mark. Dalawang taon nilang pinag-ipunan at pinagplanuhan ng husto ang araw na iyun, kumuha pa sila ng kilalang wedding coordinator para maiplano at maisagawa ng maayos at perpekto ang kanilang kasal. At sa bawat sandaling iyun ay naging involved silang magkasintahan.

Napakaswerte ko sa boyfriend, ang sabi ni Delphine sa sarili. Sa loob ng lamang taon bilang magkasintahan ay bihira silang nag-away. Nagkasundo sila sa halos lahat ng bagay. Lahat ng gusto ni Mark ay sinunod niya para wala silang pag-awayan. Wala rin silang naging problema sa pamilya ng bawat isa. Tanggap na tanggap si Delphine ng pamilya ni Mark at ganun din si Mark sa ina niya, wala na ang kanyang ama na namatay dahil sa sakit sa puso.

Pero may isa pang kahilingan si Mark, ayaw na muna nitong magkaanak sila, sa edad nilang twenty five ay mga bata pa raw sila. Gustuhin man ni Delphine na magkaanak agad ay pumayag siya sa gusto nito. Kaya siya nag consult sa isang OB-Gyne at nagtake na siya ng pills para di siya mabuntis.

At ngayon ay nakaupo na nga siya sa loob ng bridal car na nasa harap na ng isang chapel sa maburol na parte ng Zambales. Kitang-kita mula sa kinaroroonan nila ang magandang view ng beach sa ibaba, kung saan naroon ang mga mamahaling resort sa lugar.

Thirty minutes na siyang naghihintay sa loob,pero di pa siya pinalalabas ng kotse dahil ang sabi sa kanya ng kanyang wedding coordinator ay wala pa sa loob si Mark. Ni hindi pa ito tumawag o nag text man lang sa kanya. Ang last call nito ay kagabi at sinabing excited na ito sa kasal nila. Baka naman natraffic lang, Delphine thought. Natigil ang pag-iisip niya nang kumatok ang wedding coordinator niya na si Loren Durante sa pinto ng kotse. Delphine unlocked the door and opened it.

"I'm sorry Delphine, pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Mark, I was trying to call him but his phone was off, at ang maid of honor mo na si Monique ay wala pa rin. I don't want you to panic, but here is your clutch bag" sabay abot nito ng bag kay Delphine, "nandyan ang phone mo sa loob, just in case one of them would have tried to reach you" ang sabi sa kanya ng kanyang wedding coordinator, who tried her best to smile and hide her concern. Delphine only nodded at muli niyang isinara ang pinto. Hindi siya magpapanic, she said to herself, baka nagkarun lang ng wardrobes mulfunction ito at kinailangang mapalitan? Nasiraan ang kotse nito? Nagkarun ng banggaan sa hiway at nagkarun ng heavy traffic? Maraming pwedeng mag cause ng delay nito. At siguro nakalimutan nitong icharge ang kanyang phone at dead batt ito kaya di makontak, Delphine thought. And what about Monique? What about her? She thought, Monique was her best friend since college, and lagpas itong late. Tumawag pa ito kagabi at sinabing umiinom ito to celebrate at kabibreak lang nito sa kanyang boyfriend. Di naiwasan ni Delphine na mapangiti, di naman kasi nagtatagal ang mga relationships nito, naalala pa ni Delphine, noong nagsabi siya rito na engaged na sila ni Mark, super saya nito sa kanya, kahit pa noong una ay ayaw nito kay Mark para sa kanya. Pero siya raw ay di marrying type, nakakabored daw ang magstay sa isang long relationship, ang naalala niyang sinabi ni Monique. Hay, nasobrahan na naman siguro ito ng party kagabi at late ng nagising, Delphine thought while she shook her head.

Halos isang oras na ang lumipas at matiyaga pa ring naghintay si Delphine sa loob ng kotse ng magring ang kanyang phone, agad niyang kinuha ang phone sa loob ng clutch bag. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Mark, nakaramdam ng relief si Delphine. "Hello hon? nasaan ka na? isang oras ka ng late may nangyari ba? she asked worriedly, at narinig niyang napabuntong-hininga si Mark sa kabilang linya.

Stay for a While....FOREVER  (completed) © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon