CHAPTER 1

197 16 0
                                    

KAIZE POV.

"Aww!!"Gising sa akin ng isa ko pang alagang aso na sa tingin ko ay si April. Paano ko nalaman? Simple lang dahil sa kanyang matinis at maliit na boses at hobby rin nito ang gisingin ako sa umaga.

Imbis na bumangon tulad ng gusto niya ay nagtulakbong ako at tinakpan ko ang aking tenga ngunit dahil makulit si April kinagat at hinila niya ang aking kumot kaya bumangon na lang ako, no choice, eh.

"Hm???"Inaantok kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang tumakbo at nung babalakin ko na sana bumalik sa pagkakatulog ay siyang namang pagbalik niya at may dalang kung ano.

Ang kanyang tali?

Binaba niya iyong tali niya na sa tingin ko ay kinuha n'ya 'yon gamit ang kanyang bibig dahil medyo basa pa iyon na makamang ay dahil sa laway n'ya. Pagbaba niya non ay ngingiting-ngiting dumidila siyang humarap sa akin.

"Gusto mo bang ilibot kita sa village natin?"Tanong ko rito na akala mo ay tao ang kausap. Tumahol naman ito kaya napangiti naman ako at ginulo ko ang buhok niya.

"Oh, sige wait lang mabibihis lang si Mommy at mag-jogging na tayo pagkatapos."Nakangiting sagot ko rito. Tinignan ko ang orasan sa wall clock ko at 5:00 am palang, ang aga naman nito gumising.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin at pagkatapos ay itinali ko na si April. Bago umalis kinuha ko muna ang cellphone, earphone at wallet ko at saka ko palang sinara iyong pinto at gate namin. Nagpaalam na rin ako kila Mom and Dad para hindi na sila mag-alala.

Habang nasa jogging kami ni April ay nagpapatugtog naman ako at sa ganong ko na-enjoy ang pag-jogging.

Nabigla na lamang ako nung may makabunggo sakin at sakto pa talaga ang tugtog ay "pag-ibig by: spongecola". Akala ko sa mga penikula lang ito pwede mangyari, hindi pala.

"Ah, sorry, Miss. Pasensya ka na, ah. Ang kulit kasi ng aso na ito, eh. Pasensya ka na talaga, Miss."Paumanhin ng isang anghel--Este, ng isang gwapong nilalang.

Ang gwapo naman nito, yawa!

"Okay lang. Pasensya na rin, hindi kasi kita napansin kaya nagkabunggo tayo. Parehas tayong may kasalanan."Sagot ko na lang sa kanya at saka ngumiti sa kanya. Sino ba naman kasi hindi mapapangiti sa lalim ba naman ng dimple niya. Ang gwapo ni Kuya!

"By the way, I'm Carl Harvin de loyola or just call me harvin or carl, kung saan ka comfortable."Pakilala niya at naglahad ng kamay sa akin sabay ngiti na naging dahilan ng paglabas ng kanyang dimple.

Crush ko na ata siya!

"Hi Harvin, I'm Jane Kaize Pascual Nice meeting you."Nakangiting pakilala ko rito at nakipagkamay. Pwede na itong pang penikula o hindi kaya ay pang novel.

"Nice meeting you too."Nakangiting sagot niya sa akin. May sasabihin pa sana ako nang may biglang epal na sumingit sa usapan namin.

"Yow! Bro! Tawag ka na ni Tita Moiren, may iuutos daw sa iyo."Sabi ng gwapo na epal--ay este panget na epal. Tss panira ng moment, eh. Kainis! Palihim na napairap na lang ako nung lingunin ako nito.

"Mm, Sorry but we need to go"Paalam ni Harvin. Hinarap ko naman ito at ngumiti sa kanya.

"Ahh, sige kailangan ko na rin namang umalis baka kasi hinahanap na ko sa bahay namin. Uhm, hindi pa naman ito ang huling pagkikita natin, hindi ba?"Naisaad ko na lang.

"Of course."Sagot naman ni Harvin bago siya nagpaalam na umalis. Tumango at ngumiti na lang ako.

Nung makaalis na siya at aalis na rin sana ako pero nilalaro pala ni Epal na panget si April. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila ay agad niya naman ako binalingan ng tingin.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon