CHAPTER 30

30 6 0
                                    

Nasinghap ako nang hangin dahil sa pagkabigla nung hinila nya na lang ako bigla bago ko pa mahawakan ang doorknob. Napalunok ako nung makitang seryoso ang kanyang mukha.

"Nagagalit ka ba kasi sinabi ko na hindi kita gusto?"Walang kasing lambing ang boses nya. Napalunok ako dahil sa mga titig nya na kay lalim.

"Ano? Nahihibang ka na ba?"Saad ko na lang at tinulak sya palayo. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mapapaamin nya ako kapag hindi ko iyon ginawa.

"Nagagalit ka dahil sinabi ko na hindi kita gusto."Mapang-asar na ang kanyang tono at hindi rin iyon pagtatanong. Tsk.

"T*ng*na, paki-alam ko ba kung hindi mo ko gusto? Edi gustuhin mo lahat ng babae pwera lang sakin."Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tuluyan nang nagalit sa kanya. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa katotohanan na sinabi nyang hindi nya ako gusto!

"Sige ideny mo pa, mas lalo ka lang nahahalata, Kaize."Nangingiti pa nitong sabi, na para bang kaligayahan nya ang inis kong mukha!

"Ang feeling mo naman!"Sagot ko na lang at inirapan sya. Nakakainis dahil kahit galit ako sa kanya may parte sa akin na gusto syang makita pang ganito ngumiti.

Nabigla ako nung yakapin nya ako mula sa likuran. "Oo, Kaize. I feel how much you hate me saying that I don't like you."Heto na naman sya sa malambing nyang tono.

T*ng*na, sinasadya nya ba to?

"You expecting me to say yes, don't you?"Tanong pa nito. Kinalas ko ang mga braso nya at lumayo ulit sa kanya.

"Paanong hindi? You confusing me, John! Nagpaparamdaman ka sakin pero taliwas naman yon sa mga sinasabi mo. At ngayon na-kumpirma ko pa. How amazing is that!"Heto na na at nagawa ko na ang gusto nya, inamin ko na ang tunay kong nararamdaman. Nakakainis dahil parang ang dali lang non sa kanya.

"Bakit? Gusto mo rin ba ako?"Tanong nya. Napapikit pikit pa ako at pinurseso ang kanyang tanong.

"Bakit ba tinatanong mo ako nyan?"Tanong ko. Hindi ko alam pero ayokong sagutin sa ngayon ang kanyang tanong.

"I hate rejection, Kaize. Kaya bago ako umamin gusto ko may sagot na ako agad na alam kong ikakatuwa ko sa huli."Saad nya sa baritonong boses.

"What the--torpe ka pala, ee. At wala namang masama kung ma-reject hindi ba? Ang mahalaga, nagpakatotoo ka sa kanya."Pagsasabi ko nang totoo.

I mean, rejection means you try something.

"Hindi okay ang ma-reject, Kaize. The question in your mind will always comes out kahit hindi mo gustuhin. The scenario of it might hunt you even in your dream. The awkwardness might be happen too."Hindi ako nakaimik dahil may katotohanan din ang kanyang sinabi.

Napalunok ako nung nilamon nya ang distansya namin. Halos magbunggo na ang mga katawan ngunit ganon pa man ay hindi ako nakakilos palayo sa kanya.

Mabilis ang pagtibok ng aking puso na para bang nakikipagkarera ito. Nag-angat ako nang tingin sa kanya at ganon na lang muli ang paglunok ko nang makitang nakababa na ang tingin nito sa akin.

"Alam kong kapag hindi mo talaga ako gusto, Kaize. May iba kang nagugustuhan at hindi ako martyr, at mas lalong hindi ako nagpaparaya nang basta."Sinasabi nya ang mga katagang na iyon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?"Nauutal man ay tinuloy ko ang aking tanong.

"I know you know, ayaw mo lang paniwalaan."Saad nya kaya napababa ang aking tingin. Pero tama ba talaga ang iniisip ko?

"My word might be confusing but I'm pretty sure I'm delivering my feelings in different way."Ramdam kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok nung binulong nya ito sa mababang tono. Ramdam ko rin ang init ng kanyang hininga. Amoy ko rin ang mabangong nyang hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon