CHAPTER 12

39 9 0
                                    

"And you think, I didn't know what happened in that night? I saw everything."Saad ni Kuya Anderson at bakas sa boses niya ang pinaghalong sakit at galit.

"Hindi mo nakita ang lahat."Madiin na sagot ni Celine.

"Pwede ba! Huwag mo akong gawing tanga."Galit na saad ni Kuya Anderson. Pilit naman siyang pinakakalma nang mga kaibigan niya ngunit nanatiling na kay Celine ang tingin niya.

"Hindi kita ginagawang tanga! Sadyang hindi mo lang alam kung ano ang totoong nangyari nung gabing 'yon!"Galit na tugon ni Celine pero kahit ganon ay nakita ko ang pangingilid ng kanyang luha.

What the h*ll. Ano bang nangyayari ngayon?

"Kung ganon. Ano ang totoong nangyari?"Mahinahon nang saad ni Kuya Anderson.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Hindi naman na kita boyfriend para iexplain ko pa sarili ko."Mataray na tugon naman sa kanya ni Celine.

"Hindi mo man ako boyfriend pero may karapatan akong malaman iyon, at alam mo iyon."Seryoso namang saad ni Kuya Anderson. May halong pagsusumamo ang kanyang boses at tila nalilito na sa inaasta nang aking kaibigan.

Miski ako, hindi ko maintindihan si Celine...

"Nung gabi 'yon--"Tumigil si Celine sa pagsasalita at tila naalala niya ang gabi na iyon na para bang ganon na lang kasakit kaya bigla na lang siya umiyak. Agad kong hinimas ang likuran niya para pakalmahin siya nung bigla na lang siya nahirapan sa paghinga dahil sa pag-iyak.

Ganito talaga si Celine kapag nasosobrahan sa pag-iyak kaya nga ayoko itong umiiyak...

"Ano ang nangyari nung gabing iyon?"Saad ni Kuya Anderson at doon ko lang napansin ang pangingilid ng kanyang luha.

"Celine..."Tawag ko sa aking kaibigan nung tanggalin niya ang kamay ko sa likuran niya.

"I don't have time for this."Saad ni Celine at basta na lang naglakad paalis.

Ano nga ba ang nangyari nung gabing 'yon?

Hanggang sa pag-uwi at pagtulog ay iyon ang tanong na hindi mawala-wala sa aking isipan.

Nagising ako dahil sa ingay na mukhang nagmumula sa sala nang bahay namin. Anong meron?

Bumangon na ako at niligpit ko muna ang pinaghigaan ko at saka ako naghilamos ng mukha. Pagkatapos asikasuhin ang sarili ay bumaba na ako.

Nagulat naman ako sa aking nadatnan nung makababa na ako.

Anak ng!

"Ano na naman ginagawa niyo dito? At bakit nandito rin sila tita? Ano rin 'yang mga dala niyo?"Sunod-sunod na tanong ko kay John. Siya lang kasi iyong pinakamalapit sa akin at ayoko namang isipin nila tita ay ayoko silang nandito.

"I also don't know, okay?"Masungit na tugon naman nito sa akin. Mukhang kakagising lang kaya wala sa mood. Inirapan ko na lang siya at saka ako naupo sa sofa.

"Good morning, ihja!"Masiglang bati ni Tita Althea. Ngumiti naman ako pabalik.

"Good morning po."Bati ko pa rito.

"Uhm...Ano pong meron?"Nahihiya kong tanong at napakamot pa ako sa aking batok. Hindi naman kasi ako sanay makipag-usap sa mga mas matanda sa akin.

Lintik kasi na John na 'yon! Kung sinagot niya lang ako, edi sana hindi si Tita Althea iyong pagtatanungan ko!

"We're going on a beach!"

"PO?!"Gulat na tanong ko rito. Napatingin naman lahat sa akin.

"Sorry po, pero ano po ulit 'yon?"Tila kasi nabingi ako at namali nang dinig.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon