CHAPTER 22

23 6 0
                                    

"May gusto ka pa bang puntahan?"Tanong ni John pag-alis namin doon sa binilhan niya nang dress.

"Wala. Gusto ko nang umuwi dahil sa p*st*ng dress na ito."Nakabusangot kong sagot sa kanya habang masama ang tingin sa dress na suot. Kabusit kasi.

"Why? It looks good."Saad niya naman kaya napukol sa kanya ang masama kong tingin.

"John, hindi ako nagde-dress."Kulang na lang ay magdabog ako sa pagkainis.

"Sorry, I thought you like it."Saad niya naman at nakaramdam naman ako nang hiya nung makita ko ang pagkapahiya sa mukha niya.

"Okay lang, hindi mo naman alam."Saad ko at ngumiti na lang.

"You can change. Then, libot pa tayo o gusto mo na talaga umuwi?"Saad niya at tumango naman ako.

"Papalit lang ako. Sine tayo."Saad ko pa bago nagtungo ulit doon sa boutique.

"What movie do you like?"Tanong ni John habang ang tingin niya nasa screen kung nasaan ang mga movies na pamimilian.

"Syempre, horror. Aanhin ko iyang romance."Sagot ko nung makitang horror at romance ang pamimilian. Dapat nga action, kaso wala.

"You also not fan of it?"Tanong ni John. At nagulat pa nga siya, dress nga ayaw ko, romance pa kaya.

"Malamang! Hindi ko nga pinili, ee. I don't like romance lalo na at wala naman akong nagugustuhan."Saad ko. Totoo rin naman.

"Then, let's take this."Saad niya at tinuro iyong horror movie at saka siya pumila na roon.

Habang nasa loob kami nang sine ay hindi ko maiwasan na tignan siya.

Kahit madilim, nangingibabaw pa rin ang itsura niya. He have sharp and pointed nose, sana ako rin.

"John,"Tawag ko sa kanya.

"Hmm?"Tugon niya naman habang ang tingin niya ay nasa screen pa rin.

"First date mo ba ito?"Tanong na sakto namang umiinom siya kaya halos maibuga niya iyon.

"What the! What?"Tanong niya pa habang masamid-samid. Sumandal naman ako sa upuan ko bago ako nagsalita.

"Kasi ako unang date ko ito."Saad ko at ngumiti habang ang tingin ko ay nasa screen na.

"It's my first too."Sagot niya naman at nung tignan ko siya ay napa-iwas naman siya nang tingin at kahit madilim ay kitang kita ko ang pamumula nang tenga niya.

"Wala ka pa bang nagiging girlfriend?"Takang tanong ko sa kanya kahit halata naman na ang kasagutan para roon.

"Wala. Muntik palang."Sagot niya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Muntik? So, nanligaw ka na dati?"Tanong ko. Nilingon naman ako pero nag-iwas din siya nang tingin nung makitang nakatingin ako sa kanya.

"It's complicated."Sagot niya at malalim na bumuntong hininga. Halata namang ayaw niyang pag-usapan kaya hindi rin ako nagtanong patungkol doon.

"Ano ba 'yan. Hindi naman ata nakakatakot ito."Angal ko na lang para maiba ang usapan namin. Kanina pa kasi puro daldalan lang.

"I have a lot of horror movie tapes in my house, kung gusto mong bumisita at manood, sabihan mo lang ako."Saad naman ni John kaya nilingon ko siya.

"Talaga?"Gulat ko pang tanong sa kanya.

"Yeah, just text me."Sagot niya naman at ngumiti. Napangiti rin naman ako nung may na-realize ako.

"Ano?"Tanong niya nung ibinigay ko ang cellphone ko sa kanya.

"Wala pa akong number mo."Sagot ko kaya naman kinuha niya na iyong cellphone ko at nagtipa roon.

Pagkatapos naming manood ay pumasyal lang kami saglit bago kami nagdesisyon na umuwi na.

Bubuksan ko na sana iyong front seat nung bumaba naman si John at nagmadaling binuksan iyon.

"Siguro may gusto ka na talaga sa akin."Biro ko sa kanya at natatawang bumaba.

"Paano kung oo?"Saad niya at nabigla ako nung ikorner niya ako.

"Edi maganda. Para parehas nating gusto ang isa't isa."Saad ko at natawa ako nung makita ang gulat niyang mukha.

"Bye na nga."Natatawa ko na lang paalam at saka umalis sa pagkakakorner niya.

Nabigla naman ako nung hilahin niya ang braso ko at muli akong hinarap sa kanya.

"Nasaan muna goodbye kiss ko?"Napanguwi naman ako sa biro niyang iyon.

"Baliw."Saad ko na lang at natatawang umalis.

Sa pagpasok ko sa bahay namin ay bumungad na kaagad sa akin si Mom na may mapang-asar na tingin at may mapanuksong ngiti. Kaya alam kong nakita niya iyon.

"Ano 'yon?"Mapanuksong tanong ni Mom habang nagtataas baba pa ang kanyang kilay.

"Mom."Nakabusangot kong tawag sa kanya. Natawa naman siya dahil doon.

"Nag-date ba kayo?"Tanong ni Mom na siyang naging dahilan para manlaki ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit kaagad ko rin pinagkunot ang aking noo lalo na nung mas lumawak ang ngisi sa labi ni Mom.

"Hindi po iyon date."Nakasimangot kong sagot.

"Kyah! Sabi ko na nag-date kayo, ee!"Saad naman ni Mom at inalog pa ako. Napapikit naman ako sa lakas ng boses ni Mom na muntik nang sirain ang eardrums ko.

"Mom, hindi nga po."Pilit ko at hindi ko na ata magagawang ngumiti. Kaya ending, kinuwento ako ang nangyari simula nung mabunggo ni John pero syempre hindi ko na kinuwento iyong patungkol kay Avrylle at paniguradong mahabang habang kuwento ang mangyayari kung nagkataon.

"Kumain sa labas at nanood ng sine. Edi, date nga!"Saad ni Mom at kilig na kilig pang pumalakpak. Napanguwi naman ako.

"Date? Anong date?"Nabigla ako nung umalingawngaw ang boses ng aking kapatid at bakas ang galit sa kanyang tono.

"Kuya."Saad ko habang napapalunok kahit wala pa naman siyang sinasabi na iba.

"Anong date 'yon?"Tanong niya. Seryoso ang mukha at nakapamewang habang nakatingin sa akin.

"Nag-date sila ni John. Bakit angal ka?"Saad naman ni Mom. Mabuti na lang talaga at nand'yan si Mom at niligtas ako mula sa nakamamatay na tingin ni Kuya Jayvee.

"Nag-date kayo ni John?"Ngunit ilang segundo lang ay muli na naman sa akin napukol ang tingin ni Kuya Jayvee. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Kuya, saan ka pupunta?"Taka kong tanong nung lumabas siya nang bahay. Hindi niya naman ako sinagot kaya napasimangot na lang ako at wala nang nagawa.

"Hayaan mo na iyang kuya mo. Panira lang iyan."Bulong naman sa akin ni Mom. Natawa naman ako dahil sa inasta ni Mom.

Ang kulit kasi.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon