"Sa susunod isipin mo rin ang sarili mo bago ang iba. Hindi bagay sa iyo maging selfless."Mataray kong saad at umirap sa kanya nung makita ko ang natatawa nitong mukha.
"Ang harsh mo talaga."Saad pa ni John at namumula na sa sobrang pagtawa. Akala mo naman may nakakatawa sa sinabi ko.
"Okay lang tumulong dahil mas nabibigyan natin ng kahulugan kung bakit tayo nabubuhay sa mundo pero okay lang din na kahit paminsan-minsan ay isipin natin ang sarili natin. Hindi sa pagiging makasarili pero iyon ay dahil pinahahalagahan natin ang ating buhay."Seryosong saad ko. Agad rin naman siyang sumeryoso.
"You have a point but when I'm in that same situation again I won't think twice to help."Sagot niya at ngumiti pa nung nilingon niya ako. Hindi ko naman naiwasan na pagkunutan siya nang noo.
"Hayz! Ang kulit mo talaga. Makinig ka nga sa akin, para rin naman sa kaligtasan mo ito, ee."Pikon na saad ko na lang.
"Why? There's nothing wrong with it."Inosenteng sagot niya naman at bahagyang ngumuso pa.
"Oo nga pero tignan mo naman nangyari sa iyo. Gusto mo pa ba maulit iyan?"Saad ko habang pinipigilan ko ang aking sarili na mainis sa kanya. I get his point but what happened to him today is already enough, lubos-lubos na nga ang aking pag-aalala kanina paano na lang kung hindi na braso ang tamaan sa kanya sa susunod? Hayz! Hindi ko na alam.
"Mas gugustuhin ko na iyon kesa naman ikaw makaranas nito."Pilyong saad niya naman, ngumiti at kumindat pa sa akin. Agad naman akong napanguwi at diring diri na nag-iwas ng tingin.
"Ang korni mo daw."Saad ni Harvin na siyang dahilan para matawa naman ako. Malalim na bumuntong hininga naman si John at bakas roon ang pagkapikon kaya mas natawa lamang ako.
Hindi rin kami nagtagal at binilinan lang naman siya nang doctor bago kami umalis.
"Mom..."Naisaad ko na lamang nung makarating kami nang bahay ay bumungad kaagad sa akin ito.
"Kaize."Bigkas niya naman sa aking pangalan at kaagad na yumakap sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"What happened here, anak?"Nag-aalala na tanong ni Mom at saka siya lumingon sa magpinsan. "And...to his arm."Dahan-dahan na dagdag ni Mom habang ang tingin niya ay nasa braso na ni John. Kahit kasi nakaT-shirt si John ay kita pa rin ang bandage niya.
"Naaksidente lang po habang nagluluto."Saad ni John nung ibubuka ko palang ang aking bibig para magsalita kung kaya't naitikom ko na lang ito.
"Stop covering the truth."Singit naman nung kung sino kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ng lahat.
"Kuya Jayvee."Gulat na tawag ko rito. Sa lahat kasi nang pamilya ko ay si Kuya Jayvee talaga ang hindi ko inaasahan na narito ngayon sapagkat madalas talaga itong wala sa bahay at parating may lakad. May suot pa ito na gloves at may mga kasama na mga kung sino na pare-pareho na nakasuot na itim.
May lamay ba silang pinuntahan?
"If that's really happened then, what is this? And why the CCTV camera is covered?"Tanong niya pa kay John na hindi naman na nakasagot. Pinakita pa ni Kuya Jayvee ang litrato nang parte ng kusina namin na may tama nang bala, mukha kakakuha lang nito. Tinuro rin ni Kuya Jayvee ang mga CCTV camera namin na may takip na hindi na namin nagawang pagtuunan ng pansin kanina kung kaya't hindi namin natanggal ang takip doon.
"What really happened?"Tanong ni Kuya Jayvee at sa akin na nakatingin. Napalunok naman ako at dahil sa kaba ay sinabi ko na ang katotohanan.
Mahirap na, bumubuga pa naman iyan ng apoy kapag nagagalit.
"Oh my gosh..."Reaksyon ni Mom pagkatapos kong magkuwento. Napahawak pa ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig at halata ang pagkagulat at pag-aalala sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...