CHAPTER 10

40 11 0
                                    

BOYFRIEND

Maaga akong nagising kinabukasan. Wala kaming pasok pero dahil nag-aya ang mga kaibigan ko na lumabas ay maaga akong bumangon sa araw na ito.

"Good morning..."Pahina nang pahina na bati ko nung makita ko ang mga tao sa dining area namin ngayon. Narito ang pamilya ni John.

Bakit sila nandito? I mean, wala namang masama pero nakakapagtaka lang talaga.

"Himala at maaga ka nagising."Saad ni Mom. Maaga pa nga ngayon at hindi naman ako gumigising ng ganitong kaaga sa mga ganitong araw.

"Uhm..."

"Ano 'yon?"Iyon palang ang naibibigkas ko ay tila alam na ni Mom na may nais akong ipagpaalam, sadya ngang kilalang kilala ako nang aking ina.

"Pwede po ba kami lumabas ng mga kaibigan ko? Kakain lang po at maglilibot."Pagpapaalam ko. Hindi ko alam kung papayagan ako dahil sa nangyari nitong nakaraang gabi lang.

"Kaize."Iyon palang ang sinasabi ni Mom ay alam kong hindi na siya papayag at alam kong dahil sa nangyari kagabi iyon.

"Alam mo naman kung ano ang nangyari kagabi, hindi ba? Hindi pa nga natin alam kung nasaan iyong tao na 'yon."Inaasahan ko nang saad ni Mom.

"I know, Mom but malapit lang naman po iyong mall na pupuntahan namin at marami naman po kami."Saad ko.

"Kahit na. Hindi pwede, Kaize."Sagot naman ni Mom at halata nga sa tono nito na wala siyang balak na payagan ako. Naiintindihan ko naman si Mom dahil bilang ina ay alam kong nag-aalala lang ito sa akin.

"Kahit saglit lang po?"Malambing kong tanong at nagpaawa nang mukha. Bumuntong hininga naman si Mom at tinignan ako.

"Fine,"Napangiti naman ako. "Pero kasama dapat si John."Dagdag niya. Bahagya namang nanlaki ang aking mata at tinignan si John na kumakain ngayon sa harap ko.

"Mom, I will be fine. At saka nakakaabala kay John kung sasama siya sa amin."Saad ko na lang.

"Uhm... It's that fine with you ihjo? May gagawin ka ba today?"Tanong naman ni Mom sa kanya. Mukhang alam ko na mangyayari ngayon, ah.

Hayz...

"Hindi naman po. Actually kaya nga po ako nandito, I will invite Kaize to go out."Inaasahan ko nang sagot ni John kay Mom.

"Mom, mao-out place lang si John, we're all girls."Pagdadahilan ko naman pero totoo rin naman iyon.

"Can you bring some of your friends ihjo?"Saad naman ni Mom, si John ang kausap.

"Huwag!"Naisaad ko nung maalala ko sila Celine at Anderson. "I-I mean, nakakaabala na nga po kay John. Ayoko namang pati kaibigan niya ay maabala pa."Dagdag ko na lang nung taka akong tinignan ni Mom.

Hindi na rin naman nagpumilit pa si Mom at pumayag na.

Hayz...Mabuti naman.

"I bring my cousin, so he can drive us."Saad ni John nung makita niyang nakatingin ako sa pinsan niya. Tumango na lang ako at sumakay na rin.

Wala namang problema sa akin kung sumama ito at napatingin lamang ako rito dahil sa pormahan nito na parang pupuntahang date.

"Kahit hatid mo na lang ako sa mall or ibaba mo na lang ako sa kanto. Alam ko naman kasing may iba pa kayong gagawin sa araw na ito at pasensya na sa abala."Saad ko pagkaupo na pagkaupo ko pa lang.

"Nah, actually we plan to go there too."Sagot naman ni John.

"Huwag mong sabihing--"

"Nah, I will not going to meet up with my friends. We just wanna chill for a moment."Saad niya naman bago ko pa matapos ang aking sasabihin.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon