CHAPTER 5

73 13 0
                                    

Naglakad lang ako papuntang bus stop dahil wala pa si Kuya Jayvee na siyang naghahatid at sundo sa akin, kaya mag-commute na lang ako ngayong unang araw ng eskuwela, ayoko naman istorbuhin si Dad dahil alam kong marami rin itong ginagawa at kailangan naman ni Mom iyong driver namin and since marunong naman na akong mag-commute ay pinili ko na lang na mag-commute ngayon. Maaga na rin akong nagising dahil traffic lalo't na lunes ngayon at maraming estudyanteng papasok sa eskuwelahan.

"Psst!"Piswit ng kung sino. Napakunot ang aking noo ngunit hindi ko na lang pinansin at baka hindi naman ako iyong tinatawag, baka sabihin pa feelingera ako! Naglakad na ako ulit na para bang walang narinig.

"Psst!"Piswit ulit nung kung sino pero sa puntong ito mas malakas na at kasabay ng pagpiswit niya ang parang pag-andar ng kotse.

Pero binalewala ko na lang at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may humarurot na kotse na huminto sa harap ko kaya napausog ako ng kaunti. Yawa! Muntik na ako doon, ah! Sino ba itong g*gong ito?!

Nakakunot ang aking noo habang lumalapit sa kotse at handa na itong hampasin nung bumaba naman iyong driver ng kotse at sumunod naman iyong nakaupo sa front seat.

"Kanina ka pa namin tinatawag, ah! Hindi ka ba nakakarinig?"May halong iritadong saad ni...John? Aba! Ano daw sabi?! Hindi daw ba ako nakakarinig?! Nuko! hindi ako papayag na ganonin niya lang ko!

"Aba, Mister! Malay ko ba! Malay ko ba na ako pala iyong tinatawag n'yo! Imbes kasi na tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko may papiswit-piswit pa kayo nalalaman dyan! Hindi naman ho ako manghuhula! At para sabihin ko sa iyo, malakas ang pandinig ko!"Inis na sigaw ko kay John. Masama naman ang tingin niya sa kung saan kaya masama ko lang din siyang tinignan, alam ko kasing iritado ito sa akin kahit hindi ito nakatingin sa akin alam kong sinusumpa na ako nito sa isipan niya, ganon din ako sa kanya!

"Chill lang muna kayong dalawa kaaga-aga ang init ng ulo niyo at ganyan niyo ba sasalubungin ang unang araw sa eskuwela, nagbabangayan?"Natatawang sabi ni Harvin, na siyang kasama niya pala. Natulala naman ako.

Nakakahiya! Baka sabihin niya bungangera ako!

Dapat lowkey lang tayo.

"Tara ihahatid ka na namin total, same school lang naman tayo."Nakangiting aya ni Harvin kaya ngumiti rin ako.

Same kami nang university pero magkaiba ang way ng building namin, magkahiwalay kasi iyong building ng first years at third year college

"Huwag na baka ma-late pa kayo sa klase niyo kung ihahatid niyo pa ako."Nahihiyang sagot ko kay Harvin. Nung may epal na nag 'Tss'. Umirap na lang ako ng palihim.

Nabigla naman ako nung bigla na lang hawakan ni Harvin iyong kamay ko. Inangat ko ang paningin ko sa kanya at hindi ko maiwasan na mapuna ang gwapo niyang mukha.

Sikat siguro siya sa university namin? Ang gwapo kasi!

"Hindi 'yan. Tara na sabay ka--"Putol na aya sa akin ni Harvin dahil biglang sumingit si Epal na panget at hinawakan nito sa balikat si Harvin.

"Kung ayaw niya, hayaan mo na siya. Huwag mo nang pilitin, mas lalong napapatagal, eh."Sabi ni Epal na panget na si John at tinanggal pa iyong pagkakahawak ni Harvin sa kamay ko.

Hayz! epal talaga! kainis!

Pero dahil dakilang makulit si Harvin ipinagpatuloy niya pa rin iyong ginagawa niyang pag-aya sa akin at kumapit pa ito ng mahigit sa braso ko. Natawa naman ako dahil sa inasta niya. Parang bata lang.

"Harvin!Tara na!"Ewan ko kung mali lang ba ako ng tingin o totoong galit iyong pag-aya ni Epal na panget kay Harvin.

Atat na atat lang pumasok?! Anong oras pa naman!

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon