Jane
"Hoy!"Tawag ng kung sino na si John lang pala!
"Ano na naman bang problema mong lalaki ka?!"Inis na tanong ko sa kanya. Okay na kami, ee. Tapos bumalik na naman siya sa pagiging busit niya.
Imbis naman na sagutin niya ako ay ibinigay niya lang sa akin iyong isang bandpaper na may sulat.
"Oh? Ano gagawin ko dito?"Iritang tanong ko. Napairip naman siya dahil doon.
"Ano bang ginagawa d'yan?"Tanong niya sa iratado ring tono. Aba! Siya pa may ganang mag-attitude, siya na nga sumingit sa usapan namin ni Jeiz, ee!
"Malamang binibasa at sinusulatan. Ano pa ba?"Iritang sagot ko naman sa kanya at umirap ulit.
"Eh, iyon naman pala, edi basahin at sulatan mo 'yan kesa makipag-usap ka sa kung sino-sino."Iritang saad niya pa at saglit na tinignan ni Jeiz na nabibigla lang namang ngumuso. Tinignan ko naman si John ng masama dahil doon.
"Huwag mo nga madamay-damay si Jeiz! Nanahimik iyong tao."Hindi ko maiwasan na sabihin iyon dahil nakakainis talaga siya. First, sumingit siya sa usapan namin and then, ngayon naman sinasama niya si Jeiz sa away namin.
"Basta basahin at sulatan mo na iyang binigay ko."Saad niya naman at nag-iwas ng tingin pero hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot sa kanyang noo.
"Mag-sorry ka muna kay Jeiz."Utos ko sa kanya habang nakahalukipkip ako.
"Sorry, what?"Tugon niya naman sa isang matigas at may accent na tono. Umirap naman ako at hinarap siya nang mas maayos.
"Sabi ko, mag-sorry ka kay Jeiz."Saad ko at pinagtaasan siya nang isang kilay. Nagtaas din naman siya nang isang bago siya nagsalita.
"Pardon? Wala naman akong ginagawa sa kanya kaya bakit ako mag-sorry? About what I said earlier, I never mentioned a name, right? You just think that I'm talking about Jeiz even thought you don't have any evidence."Sa dami nang sinabi niya at napairap na lang ako.
"Huwag mo ako maingles-ingles d'yan! Wala akong pakialam, mag-sorry ka sa kanya."Masama naman ang tingin niya ngunit nasa sahig lang ang tingin. Aba! Wala talagang balak mag-sorry!
I mean, I got his point pero alam ko rin na si Jeiz talaga ang tinutukoy niya at hindi iyon tama. Napakabait ni Jeiz sa akin kaya hindi ako makakapayag.
"L.Q. ba kayo?"Natatawang singit na tanong naman ni Jeiz na siyang naging dahilan para tignan namin siya ng masama.
"Oh, chill lang kayo. Masyadong mainit ulo niyong dalawa."Natatawang sabi ni Jeiz dahil doon.
Kung pwede lang talagang pumatay ng kaibigan malamang ay burol na nito ngayon.
"Tss, alis na ako. Bye."Masungit na paalam ni John na tumingin pa ng sobrang sama sa amin ni Jeiz na agad lang namang tinawa ni Jeiz.
Baliw na ata itong kaibigan ko. Dalhin ko na kaya sa mental hospital ito?
Huwag na nga kawawa naman.
"Bakit ba tawa ka nang tawa d'yan? Para kang baliw, you know?"Medyo iritableng tanong ko kay Jeiz. Natatawang umiling lang naman siya. Hayz, baliw talaga.
"Let just eat and after that ihahatid na kita sa room mo."Nakangiting saad niya. Bored naman akong tumango sa kanya.
Nawalan tuloy ako nang gana kumain. Busit na John na 'yon!
"Focus on your study, okay? And please...Stop sleeping on your class dahil kung ipagpapatuloy mo pa iyan isusumbong na talaga kila Tita Adrianne at Tito." Saad ni Jeize nung nasa harapan na kami nang pinto ng room ko.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...