JEIZ
Nagmamadali akong naglalakad sa hallway dahil late na ako nung may nakabangga naman sa akin na siyang naging dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Hindi na nga ako tumakbo para wala akong makabangga tapos nabangga pa rin talaga ako. Kasuwerte ko nga talaga.
"Aray ko!"Angal ko habang hinihimas ang puwetan ko at pinupulot ko iyong mga libro ko na nahulong dahil sa may bumanga sa akin.
"I'm really sorry, Miss. I really don't mean it."Paumanhin ng lalaking nakabangga sa akin at tinulungan akong magpulot ng mga gamit ko kahit bilang na lang sa kamay ang nasa sahig.
"Okay lang, Kuya. Basta mag-iingat ka na sa paglalakad para wala ka na ulit mabangga."Sagot ko sa kanya at kinuha ko na iyong mga libro ko sa kanya.
"Okay."Nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang ako bilang sagot pero nung aalis na sana ako ay bigla siyang nagtanong sa akin.
"By the way, ano nga pala pangalan mo?"Tanong niya at humarap naman ako bago ko sinagot ang tanong niya.
"Jane Kaize Pascual, Kaize na lang para mas madali. Bakit?"Tanong ko at napakamot na lang sa ulo kasi naman kakakilala lang namin kaya medyo nahihiya pa ako.
"Just nothing. By the way, nice meeting you, Kaize."Sagot ni Kuya at ngumiti pa sa akin. Magsisimula na sana ako maglakad nung biglang may naalala ako.
"Kuya, ano nga palang panga--"Putol na tanong ko nung makita ko siya na naglalakad na mula sa malayo.
Ano kaya pangalan niya? Hayz, sayang hindi ko siya naabutan. Ang bilis naman kasing maglakad ni Kuyang pogi.
"Bo!"
"Ay kuyang pogi!"Gulat na sambit ko at napakagat ako sa labi nung makita ko kung sino iyong nanggulat sa akin.
"Hayz...Sinasabi ko na nga ba at napopogian ka na rin sa akin. Tsk. Tsk."Mayabang na sabi ni John at kumindat pa sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Hindi ikaw iyon kaya huwag kang feeling pogi d'yan."Mataray na sabi ko kay John at inirapan ulit siya.
"Eh sino?"Takang tanong niya naman sa akin. Ay kataka-taka pa ba iyon? Akala niya nga siguro pogi siya.
Well, totoo rin, pogi talaga siya.
"May nakabangga kasi ako kanina d'yan na pogi kaso hindi ko lang alam pangalan niya. Eh?! Teka nga! teka nga! Bakit mo naman natanong aber?"Mataray na tanong ko sa kanya habang nakapangewang pa.
"Wala lang, Ang alam ko kasi ako lang pinakagwapo."Saad niya naman at itinaas pa ang isa niyang kilay bago siya nagsalita muli. "Baka nga talampakan ko lang iyong sinasabi mo na 'yon. Hayz."Mayabang niya pang dagdag.
Grabe! Wala na talaga ako masabi sa kayabangan niya! Nung una kaya ko pa pero ngayon my gosh! Ang yabang! Mali ata ako sa pag-iisip na may mabuti sa kanya!
Napailing na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kaagad naman siyang sumunod at pinagpatuloy ang kayabangan niya na hindi ko na lang pinansin pa.
Kung sinuswerte ka nga naman, ngayon pa talaga ako dinalaw ng antok kung kailan nasa harap na ang prof. namin at nagtuturo na.
Hayz! Sa susunod nga hindi na ako magpupuyat.
Sinubukan ko pang kurutin ang sarili para magising lang ako sa pagkakaantok.
Nasaktan naman ako pero mas nangibabaw talaga ang antok ko.
Anak ng tinapa nga naman!
Siguro wala naman makakapansin sa akin kapag natulog ako 'no?
Nasa pinakahuling upuan naman ako nakapuwesto at tago ito. Nilingon ko ang paligid ko. Tanging mga nakikinig na kaklase ko at ang patuloy sa pag-discuss na teacher ko lang ang nakita ko.
Yes! Busy lahat! Chance ko na ito para matulog
Kaagad na akong dumukmo para matulog na.
"Mahal kita."Saad ko sa kung sino. Hindi ko makita ang mukha niya pero ewan ko kung bakit ako nasasaktan.
Sino ito?
"Pero mahal mo rin siya."Tugon niya sa akin at bakas sa kanyang tono na nasasaktan siya dahil sa pait nito.
"Hindi, mali ka. Nilalayuan ko na nga siya hindi ba?"Saad ko at hinawakan pa siya sa kanyang braso. Tinanggal niya naman iyon.
"You know what, Jane. Mahal kita at tangang tanga na ako sa sarili ko dahil kahit alam kong hindi na ako ang mahal mo ay patuloy pa rin kitang minamahal."Saad niya pa sa akin at ginulo ang kanyang buhok.
Sino ba kasi ito? Bakit hindi ko makita ang mukha niya?
"Please maniwala ka naman, hindi ko mahal si Mateo."Saad ko at naramdaman kong may tumakas na luha sa kanyang mga mata habang nakikiusap sa kanya.
P*tang*na! Bakit nadamay dito si John?
Papasalita na siya nung bigla naman akong magising dahil sa isang malakas at nakakatakot na sigaw.
"Miss Pascual!"Si Prof. at kitang kita ko ang paglingon sa akin ng mga kaklase ko.
"Why are you sleeping at my class!"Galit na galit na sambit ng Prof. namin. Ayaw naman mag-function ng utak ko kaya natulala na lang ako.
"GET OUT OF MY CLASS! NOW!"Galit na pagpapalayas ni prof.
Aalis ba ako?
"I SAID GET OUT!"Galit pa rin na pagpapalayas ni Prof. kaya kahit nagtataka ako ay umalis na ako dala ang mga gamit ko.
Alis daw, ee. Baka lalo lang magalit kapag hindi ko sinusunod.
Hayz! Tanga-tanga talaga mo talaga, Kaize!
Dahil wala naman akong mapuntahan ay sa canteen na lang ako pumunta para kumain at sakto namang pagdating ko roon ay nakita ko ang isa sa kakilala ko at kaibigan ko na rin at the same time.
Si Jeiz.
"Bo!"Panggugulat ko pa rito. Kitang kita ko naman kung paano umangat ang kanyang balikat sa gulat kaya natatawang napaupo na lang ako.
"Wala ka bang klase, Jeiz?"Tanong ko rito. "Penge hehehe."Saad ko at tinuro ang pagkain niya na kaagad niya namang binigay.
"Wala nga, eh. Ikaw ba? Wala ka bang klase?"Balik tanong niya naman sa akin.
"Meron."Nakasimagot na sagot ko. Sigurado akong patay na naman ako rito. Hayz.
"Nag-dutch ka ng klase mo?!"Inis na tanong niya sa akin at napakagat naman ako sa labi ko. Sasabihin ko ba na pinalayas ako?
Napabuntong hininga na lang ako bago ko siya sinagot. "Hindi ako nag-dutch ng class pinalayas kaya ako ng prof. namin."Sagot ko naman siyang naging dahilan para tumigil siya sa pagkain at tumingin sa mga mata ko.
Lagot na talaga!
Kakatakot pa naman ito kapag nagagalit para siyang si Kuya Jayvee pero mas mabait naman siya.
"At bakit ka naman pinalayas ng prof. niyo?"Mahinahahon na tanong niya pero halata mong naiinis pa rin siya.
"Eh, kasi...natulog ako sa klase."Mahinang sagot ko habang nakayuko. Alam ko naman kasing sesermunan na naman ako nito.
"Hay nako! Kaize!"Galit na talagang sabi niya at napahampas pa sa lamesa. Napapikit naman ako sa gulat.
"Huwag mo na akong pagalitan napalayas na nga ako, eh."Naisaad ko na lang. Malalim naman siyang napabuntong hininga. Magandang sign na iyon dahil pinakakalma niya ang kanyang sarili kapag ganon.
"Oo na. Sige na, pero huwag mo na ulit uulitin iyon ah, ang kulit mo kasi, eh. Sinabi ko na sa'yong huwag ka na magpupuyat. Hayz."Mahinahon na sabi ni Jeiz at ginulo iyong buhok ko.
"Oo na nga. Hindi na ulit ako magpupuyat. Sorry na."Sagot ko naman at ngumiti. Nakangiti niya namang ginulo ulit iyong buhok ko.
"Hoy!"Tawag nung kung sino na siyang sumira sa masaya naming bonding ni Jeiz. Inis ko naman iyong hinarap.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...