CHAPTER 21

22 6 0
                                    

Date?

"WHAT?!"Gulat na gulat at pasigaw na tanong ni Avrylle ba iyon?

Miski naman ako ay nagulat pero hindi niya kasing O.A.

"If she really your wife then, nasaan iyong ring?"Maarteng tanong ni Avrylle habang tinitignan pa iyong mga kamay namin ni John.

"Actually, hindi pa talaga kami kasal, but soon."Nakangiting sagot sa kanya ni John. Ano na naman kayang kalokohan ito ni John?

"Kung matutuloy but I'm sure na hinde."Natatawang maarteng sabi ni Avrylle. Sa totoo lang, kanina pa ako naiinis sa kaartehan nitong Avrylle na ito! Sobrang nakakarindi ang boses niyang walang kasing arte!

"At kapag natuloy iyon, isusobsob at papakainin kita ng lupa."Iritang bulong ko na sa tingin ko ay narining din nila John dahil tinaasan pa ako ng bruha ng isang kilay niya na akala mo ay kinaganda niya.

"Excuse me! Anong sinabi mo ulet?"Maarteng tanong niya sa akin at nginitian ko naman siya ng sobrang peke, iyong mararamdaman niyang peke talaga iyong ngiti ko sa kanya parang kilay niyang peke.

"Ang sabi ko kapag natuloy iyon, huwag kang mag-alala dahil inbitado ka naman."Nakangiting pekeng sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya ng peke rin.

Tignan mo! Lahat peke!

"Hmm...Tara kain na tayo, Hon."Aya ni John habang may matamis na ngiti sa akin at ngumiting tumango naman ako.

"So, paano? Avrylle, maiwan ka na namin ni Baby John ko. Magda-date pa kasi kami, eh."Kunwaring sabi ko sa kanya at naglakad na nga kami ni John nung makalayo na kami kay avrylle ginawa ko na iyong kanina ko pa gustong gawin.

"Aray! Stop! Stop! Masakit!"Angal naman ni John habang niinda iyong braso niya na pinagsusuntok ko.

"Masarap ba iyong suntok ko sa'yo?"Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Ikaw kaya masuntok tignan natin kung masarapan at maging okay ka. Sakit."Pabalang na sagot niya sa akin. Sineryoso ko naman iyong itsura ko.

"Ikaw kasi idadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo."Inis na sagot ko sa kanya at tinignan niya naman ako nang nagtataka.

"Ano bang kalokohan iyang sinasabi mo?"Iritado at patay malisya niyang tanong pa sa akin. Hayz! Akala niya naman hindi talaga alam!

"Eh, pa'no ipakilala mo ba naman ako bilang GIRLFRIEND MO kahit hindi naman talaga TAYO!"Madiin na sagot ko sa kanya habang nakapamewang pa.

"Hindi kalokohan iyon dahil may dahilan naman ako kung bakit ko iyon ginawa, okay?"Sagot niya naman sa akin at tinaasan ko naman siya nang isang kilay.

"At ano namang dahilan iyon, aber! At bakit talagang kailangang madamay pa ako?"Mataray na sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya bago sumagot sa akin.

"May gusto sa akin si Avrylle at naiinis ako kasi palagi niya akong sinusundan, kinukulit at kung ano-ano pang nakakairitang ginagawa niya sa akin. So, to make her stop doing that crazy things, I tell her that I have a girlfriend but I really don't have a girlfriend pero dahil makulit siya. Ngayon na nagkita ulit kami hinanap niya iyong girlfriend ko na sinasabi ko at ikaw ang nakita kong ipakikilala ko sa kanya since malapit ka lang din sa akin nung oras na iyon."Mahabang-mahabang paliwanag niya sa akin at napatango-tango naman ako.

"So, paano iyon? Alam niyang ako iyong girlfriend mo kahit hindi naman talaga. Paano kung malaman niya 'yong totoo?"Tanong ko kay John. Nag-isip naman muna ng saglit si John bago sumagot sa akin.

"Don't worry, ako bahala sa'yo, My Wife."Nakangising sagot niya sa akin.

Wft?! Ano raw?! MY WIFE? Anak ng!

Sasagot na sana ako sa kanya kaso nagsalita na siya ulit.

"Let's eat there."Aya niya at tinuro iyong pinakamalapit na kainan na halatang mamahalin iyong mga tinda.

"I don't have money. Like duh! And beside, I really going home before we bump each other."Mataray na sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya.

"Libre ko"Pinakamagandang salitang narinig kong sagot niya na siyang naging dahilan para mapangiti ako ng malapad.

"Dapat kanina mo pa iyan sinabi. Oh? Ano pa hinihintay mo? Tara na."Aya ko sa kanya at hinila siya.

"What do you want?"Tanong niya habang nakatingin sa menu. Hindi naman ako sumagot. Aba, malay niyo tinatanong niya lang pala iyong sarili niya, mapahiya pa ko.

"Hey! I'm asking you. Can you please answer it?"Medyo iritang sabi niya but this time nakatingin na siya sa akin. Ba't galit ka?

"A-Ako ba iyong kinakausap mo?"Tanong ko sa kanya at inis niya naman akong binalingan ng tingin.

"Malamang. Sino ba akala mo? Iyong lamesa?"Iritang sagot niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko at inis siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

"I'm sorry, ano ba gusto mo?"Tanong niya sa mahinahon nang tono.

"Kung ano na lang iyong sa'yo, iyon na rin iyong akin."Nakangiting sagot ko na lang sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita at umorder na nga siya nang para saming dalawa.


Pagkatapos naming kumain ay namasyal lang kami at ngayon namimili siya nang kung ano sabi ko nga sa kanya ay uuwi na ako, ewan ko ba rito at ayaw ako pauwiin.

Hayz! Kung hindi niya lang ako nilibre kanina ay iiwan ko talaga s'yang mag-isa

"Ano? Matagal pa ba 'yan?"Medyo iritang tanong ko sa kanya habang napapakamot pa sa ulo ko.

"Oh,"Sabi niya at may binato sa akin na naka-hanger na dress pero dahil hindi naman gentleman si John tumama sa mukha ko iyong hanger pagkahagis niya.

"Aray ko--"Nabigla naman ako nung makitang nasa tabi ko na siya. Kaagad niyang kinuha ang mukha ko at sinuri iyon.

"Sorry, nasaktan ba kita?"Tanong niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Kaagad ko siyang tinulak at inirapan na lang.

"Malamang sakit! Tampalin kita d'yan, ee. Tabi nga!"Saad ko at nagtungo sa dressing area.

Maganda naman iyong dress but I'm really not a fan of it. Simple lang din iyon pero may dati pero ayoko talaga nang dress. Sakto lang din ang sukat kaya hindi ako nahirapan.

Kaagad ako lumabas pagkasuot ko nung dress. Nakita ko naman siyang nakaupo at taimtim akong tinignan.

"Oh! 'yan okay na ba?!"Iritang tanong ko sa kanya kasi naman ayoko nga nagde-dress tapos pasusuotin pa ako.

"Okay."Malumanay na sagot niya. Aba! Himala! Hindi iritable.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon