CHAPTER 20

30 7 0
                                    

Avrylle

Dumating ang sabado nung ayain ako nang kaibigan ko na si Annie na kumain sa labas, sa pinakamalapit na mall dito sa amin.

Habang naghihintay ako sa labas ng mall na iyon ay nakatanggap naman ako nang mensahe sa kanya at akala ko pa noong una ay narito na siya pero iyon pala ay nanghingi siya nang paumanhin at hindi siya makakapunta dahil sa biglaan na pangyayari. Hindi ko na rin naman siya unisisa pa.

"Total nandito na rin ako, kakain na lang muna ako."Saad ko na lang at tuluyan ng pumasok sa mall.

Syempre ang pinakauna kong pinuntahan ay iyong paborito kong fast food chain.

Kumakain na ako nung tumunog naman ang cellphone ko na nasa bag ko at dahil puno ang isa kong kamay ay nahirapan akong kuhanin iyon.

Kung minamalas ka nga naman, nabunggo ka pa.

"Si Kuya naman hindi nag-iingat!"Galit kong saad nung kumalat ang ilan kong gamit dahil sa lakas ng pagkakabangga niya.

"Salamat ha!"Serkastiko kong saad nung inabot niya ang ilan sa mga gamit ko. Huli ko na nalaman kung sino ang nakabangga sa akin.

"John?"Gulat kong saad nung makita kong siya ang bumangga.

"Sorry about that. I have a lot of things in my head right now."Saad niya naman at umalis pagkatapos. Napanguso na lang ako dahil doon.

Ang dami nga siguro iniisip non.

Napailing na lang ako at inayos na nang maigi iyong gamit ko sa bahay.

Papaalis na ako roon nung magulat ako dahil may umakbay sa akin na kung sino at kung hindi ko lang iyon nakilala ay malamang sinapak ko na siya.

Ano naman ba kailangan ng John na 'to?

Aalis-alis tapos babalik at ganito? Aakbay bigla?

"Tatanggalin mo yan o puputulin ko yan"Banta ko na lang sa kanya.

"Can you help me? Please?"Tanong niya naman at may tinuro na babae. Nakatingin lang iyon sa amin at tila sinusuri kami.

Sino naman ito?

"Anong kalokohan na naman ba yan? Nagbibiro ka ba? At bitawan mo nga ako. Akbay ka nang akbay!"Inis na Inis na sagot ko habang pilit tinatanggal iyong braso niya sa akin pero dahil mas malakas siya kesa sa akin ay wala lang din iyong silbi.

Tsh! Kainis!

Bakit naman kasi ako papayag? Hindi ko naman kilala iyong babae. Baka mamaya ex niya pala iyon na pinagseselos niya lang.

Ilang minuto lang nakita ko na lang ang paglapit nung babae sa amin at sa pagkakataon na ito ay masaya na iyong babae, kulang na lang pumalakpak sa sobrang tuwa.

"L.Q.? Ano ba yan."Natatawang saad pa nito sa napaka! Napaka-arteng boses. Natural ba ito sa kanya o inaartehan niya lang?

Hindi ko tuloy maiwasan na umirap ng palihim.

"It's just a little fight, and it's normal to a couple."Natatawang sagot naman ni John at si Ate mong ghurl naman ay kung makatawa wagas. Susme! Iyon lang, tawang tawa na. May nakakatawa ba roon?

"Mm...By the way, baka naman gusto mong ipakilala mo ako to her, John? You know, dapat niya akong makilala."Nakangiting maarteng tanong nung babae habang natatawa pa.

Napakaarte!

"Yeah, of course."Saad naman ni John at tumikhim pa. "Ahm, Kaize this is Sofia Avrylle Yuzon isang close Friend ko lang--"Putol na pakilala ni John dahil pinutol ito nung Avrylle .

Papansin naman nito!

"Na Kanyang Magiging Future Wife Opss! Sorry nadulas si me."Maarteng putol nung babae at tumawa na naman ng pagkalakas-lakas.

Future wife daw. Ew!

Napaarte tuloy ako na nasusuka dahil alam ko naman hindi iyon totoo. Pero kaagad rin akong umayos nung makita kong nakatingin na pala si John.

Iyan pala ang gusto niya, ah.

"Ehem! Ako naman ang ipakilala mo sa kanya, Hon. Please?"Malambing kong saad at nagtungo ako sa likuran ni John at saka ko pinalupot ang bisig ko sa kanya at saka ko siya nilingon.

Ilalagay ko sana iyong bisig ko sa balikat niya pero hindi ko abot kaya yakap na lang. Tama na iyon. Okay na iyon.

"Mm, Avrylle. This is Jane Kaize Pascual...She's my...."Putol na pakilala ni John sa akin dahil pinutol naman agad iyon ni Avrylle.

Bida-bida.

"She's your girlfriend, tama?"Tanong niya pa at tinaas pa iyong isa niyang kilay habang nakatingin samin ni John.

"No. Actually, she's really not my girlfriend."Saad ni John na s'yang naging dahilan para kumunot ang noo naming dalawa ni Avrylle. Nabigla naman ako nung akbayan ako ni John.

"She's my Wife, Avrylle"Seryosong sabi ni John at nakangiting tumingin at kumindat pa sa akin. Habang ako naman ay naestatwa dahil sa sinabi niya.

What the h*ll, John.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon