BET
"Sino ba itong cute at matalinong aso na ito?"Natutuwang tanong ni Harvin at ginulo iyong buhok ng aso na dumagan kanina kay John.
"Si Bet 'yan."Nakangiting sagot ko. Nagtatakang tumingin naman si Harvin sa akin.
"As in pustahan sa salitang tagalog?"Takang tanong niya pa at nakangiting tumango naman ako sa kanya.
"Bakit naman bet pinangalan mo?"Tanong ni John. Seryoso niya iyong tinanong na siyang ipinagtaka ko pero binalewala ko na lang din. Marunong pala ito magseryoso.
"Eh, kasi ganito iyan."Panimula ko at sinimulan na ang pagkukuwento habang bumabalik sa nakaraan.
"I was high school in that time...when I met a guy--but I can't remember his name, even his face. I can't remember everything about his figure."
"Uy, ang cute naman nitong aso mo."Nakangiting sabi ko habang hinihimas-himas ko iyong isang cute na cute na aso nang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil kapag tumitingin na ako sa mukha niya ay lumalabo na ang paningin ko.
"Gusto mo sa iyo na lang?"Tanong sa akin ng may ari ng aso. Nakangiting tumango-tango naman ako.
"Sige pero bago 'yon magkakaroon muna tayo ng pustahan, okay?"Sabi niya naman. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon ko sa kanya. Hindi ko hilig ang makipagpustahan pero para sa aso na ito ay papayag talaga ako.
"Kapag nanalo iyong team namin sa basketball hindi magiging sa iyo ito pero kapag hindi naman kami nanalo syempre magiging sa iyo na ito. Ano game ka ba?"Paliwanag at tanong niya naman at naglahad pa siya ng kanyang kamay sa akin. Agad ko naman iyong tinanggap.
"Syempre game!"Masiglang sabi ko pa at nakipag-kamay sa kanya. Mukha naman kasi na matatalo siya.
Sa gym na malapit lang sa school ginanap iyong laban. Agad ako naghanap ng upuan sa harap at mukhang maswerte ako ngayon dahil nakahanap ako agad.
Habang nakaupo ako nagulat na lang ako nang may biglang umakbay sa akin at tinignan ko naman kung sino iyon at handa na sana ako na sapakin siya kaso nakilala ko na kung sino siya bago ko pa matuloy.
"Hi!"Nakangiting bati sa akin nito.
"Ikaw lang pala, Chris! Akala ko naman kung sino na sasapakin pa sana kita! Ikaw kasi, eh bigla-bigla na lang nang-aakbay. Nakakagulat ka."Nakangiting sabi ko at natawa naman si Chris . Wala, eh, masaya siya sa kalokohan niya.
Ilang sandali lang nag-start na rin iyong game at tudo naman ako kung mag-cheer kahit iritang irata na sa akin iyong ibang nanood na mukhang fans ng team ni Kuyang nakapustahan ko.
Wala akong pakialam!
Para sa aso, kailangan kong maging makapal ang mukha!
Halos matanggal ang ngala-ngala ko sa kakahiyaw kaya hindi na ako magtataka kung mamapaos ako pagkatapos nito, bawat galaw kasi nila ay humihiyaw ako. Mahirap at masakit sa lalamunan pero tinuloy-tuloy ko na lang. Pero sa huli ang nanalo ay iyong team pa rin ni Kuyang pogi. So, ibig sabihin hindi magiging akin iyong cute na aso....Hayz, sayang.
Pagkatapos na pagkatapos ng game ay agad nagpaalam si Kuya sa mga team niya at agad siyang lumapit sa akin.
"Paano ba 'yan, nanalo iyong team ko?"Mayabang na tanong ni Kuyang pogi sa akin. Napanguso na lang ako habang nakatingin sa aso na bitbit niya na.
"Sige na nga... Sa iyo na ito. Pasalamat ka at cute ka."Sabi ni Kuyang pogi at ginulo pa iyong buhok ko. Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang sinabi.
"Talaga?! Akin na talaga siya?! Hindi nga?! Baka naman niloloko mo lang ako."Sunod-sunod na gulat na tanong ko kay Kuyang pogi habang nanlalaki pa iyong mga mata ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...