CHAPTER 18

26 8 0
                                    

"Kaya pala."Naisaad ko na lang.

"Kaize, hindi sa ganon..."Sagot ni Mom at sinubukang hawakan ang aking kamay pero iniwas ko iyon.

"Ampon niyo ko?"Tanong ko ngunit mukhang walang nais sumagot at nanati lang ang tingin nila sa akin.

"Ampon ba ako?"Tanong ko at napa-iwas ako nang tingin nung marinig kong halos mawasak ang aking boses sa sobrang pagkaiyak.

"O-Oo..."At doon ko na nga napatunayan na tama ako nang narinig kanina.

"Inampon niyo ba ako para may maipagkasundo kayo?"Alam kong hindi sila ganon ngunit hindi ko maiwasan na itanong.

"Hindi, anak...Inampon kita kasi mahal kita."Tugon ni Mom.

"Eh, bakit may kasal ngayon? Bakit may engagement party? Bakit?"Tanong ko kasi gulong gulo na talaga ako.

"Akala namin makakabuti sa'yo ito."Akala nila...

"I'm not ready for this. I'm...I'm still in college and I have a lot of goals. Tapos makakabuti ito?"Pagsasabi ko nang totoo.

"It can help our company too."Saad ni Kuya Jayvee kaya napabuga na lang ako nang hangin.

"So, parang ginamit niyo nga ako."Naisaad ko na lang.

"That's not what it is."Saad naman ni Kuya Jayvee habang kunot ang noo.

"Then, what it is?"Tanong ko sa kanya na siyang naging dahilan para hindi na siya nakasagot. "I want your reasons! Kasi hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari."Naisaad ko na lang nung nanatili silang walang imik.

Lumapit naman sa akin si Mom at hinawakan ang aking kamay at saka niya hinawakan ang aking baba para magpantay ang aming paningin.

"Listen carefully, anak...We love you, okay? Nagkataon lang talaga na napagkasundo namin na ipakasal ka kay John kasi akala namin iyon ang mas makakabuti sa'yo."Paliwanag niya pa.

"Paano sa'kin makakabuti iyon?"Mahinang tanong ko dahil walang tigil pa rin ang aking mga luha at halos mawalan na ako nang boses.

"I know...And that's my mistake."Saad pa ni Mom.

"Hindi ko alam. Hindi ko na kayo maintindihan."Saad ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at saka ako lumabas ng bahay.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit alam kong dapat ay lumayo na muna ako sa kanila dahil gulong gulo na talaga ako at alam kong hindi makakabuti na manatili ako roon ngayon.

"Kaize."Tawag sa akin nung kung sino at nung makita kong si John iyon ay mas binilisan ko ang lakad.

Ngunit masyado siyang mabilis kaya tumakbo na ako pero lakad lang iyon sa kanya kaya nung makarating kami malapit sa park ay kaagad niya akong nahawakan sa braso.

"Bitawan mo ako, John!"Galit kong saad habang siya naman ay kalmado lang ang mukha.

"You need to face it."Mahinahon na saad niya pa. Ayoko nga!

"Hindi mo kasi alam nararamdaman ko, ee!"Naisaad ko na lang at tinanggal ang pagkakahawak niya.

"I know, wala akong alam pero alam ko rin na kailangan mo silang harapin. If you will continue running away from your problem, how can you able to solve it?"Saad niya naman habang patuloy lang sa pagsunod sa akin.

"Hindi ko na kasi sila maintindihan. Ang gulo-gulo nila!"Saad ko at hindi ko na napigilan pa ang paghikbi ko.

"I don't know what are you feeling right now but always it's valid to feel it. I also don't how to comfort but please, let me stay by your side dahil hindi talaga ako papayag na maging mag-isa ka ngayon."Hindi ko alam na sa kanya ko pa ito maririnig.

"John, pwede mo ba akong dalhin doon sa sinasabi mo kanina?"Tanong ko.

"Kaize."Tawag niya palang sa akin ay halatang hindi na siya payag.

"I know that I need to face it but please, kailangan ko munang lumayo sa kanila. Pagod na talaga ako para sa araw na ito. Subra-sobra na. Hindi ko na kaya."Saad ko na halos magmakaawa na sa kanya. Tinignan niya naman ako na para bang sinusuri ako.

"I promise, bukas babalik na ako."Saad ko pa at nag-promise sign sa kanya. Bumuntong hininga naman siya bago dahan-dahan na tumango na siyang nagpangiti sa akin.

"Swear, your bother will kill if I agree with this."Saad niya kaya naman natawa ako.

"Thank you."Naisaad ko na lang. Umiling naman siya.

"You need it."Saad niya at ngumiti bago ginulo ang buhok ko.

Hindi ako nasasaktan dahil tinago nila ang ma bagay na dapat alam ko. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko ay hindi ko talaga kilala ang aking sarili. I don't know anything about myself. I don't know if this is still me. Sino ba talaga ako?

I should be the first who know me well pero sa lagay ko ngayon ay miski ako ay hindi ko na kilala ang aking sarili.

"Thinking a lot isn't healthy for you. You're here to rest not to overthink, okay?"Saad ni John at inabutan ako nang kape bago siya naupo sa couch na pinaguupuan ko rin.

"Oo na. Bakit ba nandito ka pa?"Hindi ko maiwasan na itanong.

"I'm gonna stay here."Saad niya at pinahinga pa ang kanyang mga bisig sa back pillow.

"Kaya kong mag-isa."Saad ko at sumandal na rin.

"I know. Don't worry, won't do anything to you."Biro niya kaya naman masama ko siyang tinignan.

"John."Banta ko pa sa kanya. Napangisi naman siya bago nagseryoso nang mukha.

"Kaize, I want your safety."Saad niya kaya napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na lang siya.

"Huwag kang mag-alala, dito ako sa couch at ikaw naman doon sa kwarto."Saad niya pa. Napangisi at napailing na lang ako bago ako sumimsim sa kape.

"What do you want to do?"Tanong niya kaya naman nilingon ko siya.

"Gusto ko sana manood."Sagot ko kahit wala talaga iyon sa isip ko, sadyang lumabas lang talaga.

"No problem. Wait here."Saad niya at saka siya umalis.

Nabigla ako nung pagkarating niya ay may dala-dala na siyang T. V. na mukhang kinuha niya pa sa kwarto iyon. Tumayo ako para sana tulungan siya sa paglalagay non sa lamesa ngunit iniiwas niya naman iyon at pilit akong pinapaupo sa couch. Napasimangot na lang ako pero umupo na rin naman.

"What movie do you want?"Tanong niya habang nagi-swipe.

"How about miracle in cell?"Suggestions ko na kaagad niya namang pinindot.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon