CHAPTER 26

28 6 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Matagal ko nang gustong punta rito kaso mahal mga tinda kaya hindi ko pinupuntahan. Nalaman ko rin Rhyller pala pangalan nya.

Masarap naman palang kasama itong si Rhyller, eh. He's a nice person, tingin ko lang naman, he always smile at me, ee

Tama, mabait naman siguro ito. Nilibre ako, ee.

"Uhm, Rhyller."Tawag ko rito habang kumakain ng chocolate cake na binili nya kanina. Napalingon naman sya sa akin.

"Bakit?"Tanong nya at ngumiti sakin kaya ngumiti din ako sa kanya. Tignan mo, pala ngiti ang isang ito kaya mabait talaga sya.

Hindi kagaya ni John--Hayz bakit ko ba naisip yong lalaking yon?

"Bakit mo pala ako inayang pumunta rito? Ang mahal-mahal kaya nang tinda rito kaya imposible na dahil boring ka lang. Wala kayang namlilibre ng dahil bored lang no."Saad ko kay Rhyller at uminom ng cappuccino na hawak ko. Iyon din kasi napansin ko, pakiramdam ko may iba syang pakay sa akin.

Sana maging totoo sya at sabihin nya na lang.

"Let's go, Jane. Your kuya jayvee is waiting to you."Saad nung kung sino bago pa makapagsalita si Rhyller, at hinawakan pa talaga ako sa pulso.

Nagulat at nagtaka ako nung makita kong si John pala iyon. Problema ng isang to? At saka bakit sya narito?

Pero wait--Oo nga pala! Naghihintay si Kuya Jayvee sakin. Nakoo! patay ako nito kay Kuya Jayvee! Hayz! Bakit ba nakalimutan ko yon? Hayz ano ba yan!

"Sige, Rhyller. Next time na lang ulit! Salamat!"Pasigaw na paalam ko. Oo! Pasigaw talaga. Grabe naman kasi kung magkaladkad sakin tong si John.

"Alright! See you next time!"Habol ni Rhyller bago kami tuluyang makaalis ni John. Panay pa rin ang hila ni John kahit sumama naman na ako ng kusa sa kanya.

"Hoy! Ano ba?! Magdahan dahan ka naman! Ano akala mo sakin maletang walang laman?! Aba! Kung makahila ka grabe-grabe at yong pagkakahawak mo pa, ang higpit-higpit!"Angal ko habang pilit na tinatanggal yong pagkakahawak ni John, hindi ko naman matanggal. Ang lakas naman ng isang to.

"Sakay,"Utos nya. Nagtaka ako nung makita kong seryoso sya masyado. Magkasalubong pa ang kanyang kilay.

Minsan talaga hindi ko sya maintindihan. Napakahirap nyang basahin...

"Ano ba kasing prob--"

"Sakay."May diin nya nang utos. Matalim nya rin akong tinignan. Napanguso na lang ako at sumakay na nga sa kotse nya.

Ayokong makipagtalo sa kanya at baka hindi ako makauwi samin, panigurado naman kasing hindi na ako susunduin ni Kuya. Maghihintay na lang yon sa bahay para roon ako sermunan.

Inaamin ko, hindi ako sanay na ganito si John. Mas sanay ako na loko-loko at g*go sya. Sa lagay nya ngayon, para syang nasapian ng isang mafia boss. Ayy mafia boss daw! Oa ni Ante!

"Hoy lalaki! Bakit ba ayaw mong magsalita?"Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami. Kanina pa kasi sya. Nakakainis na kaya.

Feeling mysterious guy sa isang novel!

Ilang minuto pa ang hinintay ko pero parang wala syang narinig kahit ang lakas-lakas ng boses.

Ano bang problema nya at bakit ayaw nyang magsalita?

"Bakit ba ang seryoso at ang sungit mo ngayon?"Tanong ko na lang muli pero gaya kanina ay hindi na naman sya nagsalita.

Hayz! Bahala na nga sya! Sya na nga kinakausap dyan tapos sya pa mag iinarteng hindi ako kakausap--

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon