Bye, Jane
Takam na takam na ako habang pinapanood si John na ilagay yong ginawa nyang brownies sa platito nya.
"Eh."Naisaad ko nung ibigay sakin ni John yong platito na puno nang brownies.
"Baka tumulo na laway mo, ee."Saad naman nito sa akin. Inismiran ko na lang sya at kinain na yong brownies.
Okay na rin yun at least makakakain na ako nang brownies.
"Alam mo, John. Hindi mo dapat inaasar si Jane kung gusto mo talaga sya."Saad ni Harvin habang ngumunguya na rin ng brownies. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o nangg*go lang.
"Alam mo rin, Harvin. Itikom na lang bibig kung walang magandang biro."Sagot ko na lang dito. Puro kasi kalokohan, dinadamay pa ko.
"I'm not joking, gusto ka kaya nitong pinsan."Saad nya naman habang nakangisi. Halatang hindi totoo. Sabi nya hindi sya nagbibiro pero panay ngisi at tila tuwang tuwa pa. Umirap na lang ako at isinawalang bahala yong sinabi nya.
"Hayz. Nasaan kaya si Annie?"Biglang tanong ni John. Napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Nung tignan ko naman si Harvin ay hindi na maipinta ang kanyang mukha.
"Sige, subukan mo."Banta pa ni Harvin kay John. Seryoso ang mukha nito pero mukhang kinakabahan din. Lalo tuloy ako na-curious.
Ngumisi lang si John kay Harvin kaya mas lalo akong naguluhan. Tinapos ko ang pagkain ko at saka tumayo.
"Ang gulo nyong magpinsan."Saad ko ag naglakad na paalis.
Oo, eat and run talaga.
"San punta mo?"Rinig ko pang tanong ni John. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Uwi na."Maikling sagot ko at umalis na roon.
Sumasakit na ulo ko sa pag-intindi nang language ng magpinsan na yon. Language nila ay titigan o ngisihan.
Malapit na ako sa gate ng bahay namin nung may maaninag akong tao mula sa malayo at patungo sa kung saan. Tinitigan ko pa iyon at bahagya akong lumapit para lang kompirmahin kung sya nga.
"Kuya Jayvee?"Saad ko pa sa pangalan nito.
Kaagad akong nakaramdaman ng pangamba nung may mga sumunod sa kanyang mga lalaki. Mukhang hindi mapagkakatiwala ang iyon.
Hindi kaya nasa panganib si Kuya Jayvee?
Kinapa ko yong bulsa ko habang naglalakad na patungo sa kanila. Actually, lakad takbo ang ginawa ko para lang hindi mawala sila sa paningin ko. Nakahinga ako nang maluwag nung makapa ko ang aking cellphone.
Okay na to, makakatawag ako kung sakali.
Isang cafe lang yong pinuntahan nila. Ngayon ko lang nalaman ang cafe na ito. Sa susunod nga rito ako bibili, may cafe pala rito.
Hindi sila pumasok sa loob, nasa gilid lang sila nang cafe.
Mabuti na lang ay may mga puno kaya nakakapagtago ako. Hindi ko alam kung paano ko natago ang sarili ko pero nakalapit ako sa kanila nang wala man lang nakakaramdam ng presensya ko. Ninja siguro ako sa last life ko.
"Ibibigay mo lang naman sya sa akin, gusto mo ba magpakilala na talaga ako sa kanya?"Saad ng ginoo na hindi ko kilala. Nakatalikod sila ni Kuya Jayvee sa pwesto ko kaya hindi ko makita ang mukha nito pero alam kong halos kaedad lang sya ni Kuya Jayvee, sa aking palagay lang.
"Don't you ever, show up again."Mariin ang boses ni Kuya Jayvee nung sabihin nya iyon pero nanatili sya sa pwesto nya. Kung titignan mo sila ay para lang silang magkaibigan na nagkukuwentuhan.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...