CHAPTER 15

26 9 0
                                    

Naging masaya naman ang maikling bakasyon namin sa beach kung wala nga lang pasok ay baka mas matagal pa kaming nanatili roon.

Hindi man kasi masyadong malaki ang beach na iyon ay maraming activities naman silang ino-offer kagaya na lang ng scuba diving, wakeboarding, Zipline, at marami pang iba. Kaso nga lang ay nagkulang na kami sa oras kaya't hindi na rin namin nasubukan pa iyong iba.

"Ante, kanina ka pa tinatawag ni Prof."Saad ni Jamie na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Kaagad akong napatayo dahil roon idagdag mo pa ang masama nang tingin ng prof. namin.

"Sorry po."Naisaad ko na lang at napayuko na lamang ako sa kahihiyan.

"Hay nako! Wala na kayo sa bakasyon! Gumising! Gumising!"Saad naman ng prof. namin at pinagkakalabit niya pa ang mga kaklase ko na malapit sa kanya na natutulog.

Umupo naman ako habang busy ang prof. sa pagsuway ng mga iba kong kaklase na kung hindi natutulog ay hindi nakikinig sa kanya.

"Sinabi kong maupo ka?"Mabilis naman akong napatayo nung sabihin iyon ng prof. namin.

"S-sorry po."Nauutal na saad ko. Habang ang prof. ko naman ay nakatingin lamang sa akin at nakataas ang isang kilay niya.

"What is your name?"Tanong ng aking prof. habang seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"Jane Kaize Pascual po."Sagot ko naman at ngayon palang ay alam ko na may itatanong ito sa akin.

"Miss Pascual, how can you handle a difficult patient?"Tanong ni Prof. habang seryoso ang mukha ngunit may bahid pa rin nang pagsusungit.

"I depends po sa situation po. What kind of situation po ba?"Saad ko. Madalas kasi akong manood ng mga videos na related sa kurso ko at mabuti ito ay isa sa mga na-trackled sa napanood ko noon.

"For example there is a kid patient that having a tantrum but you have to give him a medicine. How can you handle him?"Tanong naman ni Prof.

"By giving him a reward and being stay calm because as a nurse we have to give them a same treatment and care as how we care other patients."Sagot ko at bahagyang kinakabahan dahil baka mali ang aking sagot. Alam ko naman na may punto at tyansa na tama ako pero hindi ko pa rin maiwasan dahil hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni Prof.

"That's it. She is right. Sit down."Saad ni Prof. kaya naman para akong binunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.

"Ang galing mo, ante."Bulong ni Jamie na kaagad ko namang nginitian.

Pagkadating ko sa bahay ay wala na naman sila Mommy kahit si Kuya Jayvee ay wala rin kaya naman ang ginawa ko na lang ay mag-aral sa kwarto ko.

Madalas kasi kapag nandito si Kuya Jayvee ay naglalaro kami ng dart, bagay na madalang nang mangyari simula nung tumuntong na ako nang kolehiyo dahil na rin sa parehas kaming laging may ginagawa.

"Hayz! Pati pala bacteria may pangalan!"Naisaad ko na lang at binaba ko na ang reviewer ko.

Sa pagbaba ko nang reviewer ko ay sumunod namang bumagsak ang ulo ko sa lamesa at doon ko naramdaman ang pagkangalay ng aking likuran.

Hanep! Parang matatanggal na spinal cord ko!

Habang hinihilot ko ang likuran ko ay may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko.

"Kumain ka muna, ihja. Kailangan mo ito."Si Manang Jona at saka inabot sa akin ang dala niyang tray na may pagkain.

"Kayo po talaga. Alam niyong hindi ko matatanggihan ang pagkain, ee. Salamat po!"Saad ko. Ngumiti at tumango naman si Manang Jona bago nagpaalam na umalis.

Matagal na naming katulong si Manang Jona, para ngang pangalaw ko na siyang nanay dahil mula pa noon ay nagtatrabaho na siya sa amin.

"Gusto kong umalis."Naisaad ko habang kumakain. This is my toxic attitude, bigla-bigla na lang may gustong gawin at bigla-bigla na lang nagdidisisyon.

Habang nagmuni-muni ako at iniisip kung itutuloy ko ba ang plano ko ay may matigas namang bagay na humampas sa bintana nang kwarto ko at kaagad ako napatakbo roon para pigilan ang taong naghagis ng bato dahil baka mabasag na ang bintana ko.

"Ano ba?!"Sigaw ko pang saad at doon ko lang nakita ang magpinsan na malamang ay siyang may gawa.

Sinensyas lang naman ako ni John na bumaba habang si Harvin ay panay kaway lang sa akin at ngiting-ngiti.

Napabuntong hininga na lang ako at inubos ko muna iyong pagkain bago bumaba.

Bahala sila maghintay.

"Ano ba iyon?"Masungit kong bungad sa kanila.

"Bad mood?"Natatawang tanong ni Harvin kaya ganon na lang ang buntong hininga ko. Paano ako maiinis ko ganito ang ngiti nang isang ito?

To make it clear, wala na akong gusto sa kanya pero kahit sino ata ay hindi magagawang magalit sa isang ito kung ganito ang ngiti niya.

"Change your clothes. Let's makes your day fun."Kaswal na saad lang ni John ngunit ganon na lang ang excitement na naramdaman ko dahil sa kanyang sinabi.

"Huh?"Naitanong ko na lang.

"Let's go out. Napaalam na kita kila Tita at Jayvee."Saad niya naman at napaiwas ng tingin pagkatapos.

Sa sobrang tuwa ko naman ay nayakap ko siya bago mabilis na tumakbo sa hagdan.

"Mabilis lang ako!"Saad ko pa bago nagpatuloy umakyat.

Yes! Yes! Makakalibot na ako! Yey!

But wait.

Did I just...

I HUG JOHN!

Omg!

No. It's okay. It's just...

It's just a friendly hug. Yeah. A friendly hug.

Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa pag-ayos.

"Saan punta natin?"Tanong ko pagkaupo sa front seat ng sasakyan ni John.

"Saan mo ba gusto?"Tanong naman ni John habang nasa akin ang tingin. Napaisip naman ako.

"Wala ako maisip, ee. Basta libre mo ko sa lahat."Sagot ko pagkatapos walang maisip. Kapal ba ng mukha. May pera naman ako pero you know, need rin magtipid.

"Sure."Sagot naman ni John at ngumisi pa. Iyan ang gusto ko!

"Gugutom na ko. Kain muna tayo."Saad ni Harvin habang hawak niya pa ang kanyang tiyan na siyang nagsasabi na nagugutom na nga siya.

"How about you?"Tanong ni John at hindi ko pa malalaman na ako pala ang kanyang kausap kung hindi ko siya nilingon. Tumango lang naman ako bilang tugon.

"Ay grabe siya! Parang hindi pinsan, ah."Saad ni Harvin at ngumuso pa. Natawa at napailing naman ako.

"We ask her out. So, we better to know her opinion in everything."Sagot naman ni John na para bang walang pakialam sa pinsan niya kahit magtampo ito. Talaga ang isang ito.

"You mean, YOU ask her out."Madiin na sagot naman ni Harvin at halos ngumod-ngod kay John nung sinabi niya iyong salitang 'YOU'.

"Third wheel lang naman ako rito, ee."Bulong niya pa pagkatapos habang pilit na sinisingit ang kanyang sarili sa gilid at bumulong bulong pa ulit na parang bang nagtatampo.

Napabuga naman ako nang tawa dahil sa kanyang inasta habang ang kanyang pinsan ay napangisi at napailing na lang sa ginawa niya.

"Baliw ka talaga!"Naisaad ko na lang at napailing na lang din.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon