"This is the reason why I want to take law before."Saad niya sa kalagitnaan ng panonood namin kaya naman nilingon ko siya.
"Then, why do you choose med?"Hindi ko maiwasan na itanong sa kanya. Nanatili naman ang tingin niya sa screen ngunit nakita ko naman ang takas na ngiti sa kanyang labi bago ako sinagot.
"It was a girl at first but later on I realize, I want it because just like a lawyer, I can help people but in different way."Saad niya kaya naman napangiti rin ako.
Nanatili ang tingin ko sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan pero hindi ko maiiwas ang aking tingin sa kanya.
"Manood ka na nga."Saad niya na inirapan ko lang naman bago ako nanood ulit.
Pagod sa pag-iyak sa pelikula ay nakatulog na ako kaagad nung mahiga na ako sa kama.
Nagising ako nang may maamoy akong masarap na pagkain, para bang nabuhay lahat ng halimaw sa tyan ko. Kaya naman kaagad kong niligpit ang aking pinaghigan at naghilamos saglit at saka na ako nagtungo sa kusina na kung saan ko naaamoy iyon.
"Basta talaga may pagkain, nagigising ka."Biro ni John nung makita ako. Inirapan ko naman siya.
Kung hindi lang siya nagluluto at hindi gutom ako baka niluto ko na mukha niya sa kawali.
"Matagal pa ba 'yan?"Tanong ko habang sinisilip iyong niluluto.
"Tapos na po."Saad niya at saka niya inalis iyong kawali sa stove para mailagay iyong niluto niya sa lalagyan ng pagkain.
"Mukhang masarap, ah."Saad ko habang ang aking paningin ay nasa pagkain na niluto niya.
"Masarap talaga iyan. Ako nagluto, ee."Mayabang na saad niya napanguwi naman ako bago ko tinikman iyong luto niya.
"Masarap nga."Naisaad ko pagkatapos kong tikman iyon. Alam ko namang masarap iyon, itsura palang, ee at saka hindi naman magyayabang ang isang ito kung walang ipagmamalaki.
"Ang swerte naman ng magiging asawa mo."Naisaad ko na lang at saka ngumiti sa kanya.
"Gusto mo ba?"Tanong niya. Pinatong pa ang kanyang dalawang siko sa lamesa at sa ganong paraan niya ako mas hinarap.
"Eh?"Naisaad ko na lang. Napangisi naman siya at saka umayos ng upo.
"Gusto mo ba kako iyong niluto ko?"Saad niya naman. Napalunok naman ako bago tumango bilang tugon sa tanong niya.
"Uy! May ganito ka ring libro?!"Naisaad ko nung makita ang paborito kong libro sa mga libro niya.
"Kung gusto mo sa'yo na lang."Sagot niya naman. Akala siguro nito hindi ko siya tatanggihan.
"Imposibleng ibigay mo. Ang mahal kaya nito."Saad ko na lang habang hindi nawawala ang paningin ko roon.
"I have money tho."Mayabang niyang saad kaya naman napairap na lang ako.
"Ang yabang mo talaga."Pagsasabi ko nang totoo at inismiran ko siya kaya naman natawa siya.
"Pera lang naman iyon, sa'yo na iyan if that can makes you happy. Happiness is priceless, right?"Saad niya naman. Ngumiti naman ako at nagpasalamat.
Aba! Sabi nga nila always grab the opportunity!
Nung dumating na ang hapon kinabukasan at papaalis na kami ay parang ayoko nang umuwi muna.
"Kaize, hindi ba napag-usapan na natin ito?"Saad ni John nung nanatili ang tingin ko sa bahay.
"I know but..."Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin dahil alam ko naman na dapat na nga akong umuwi.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...