CHAPTER 4

75 15 0
                                    

Girlfriend

Habang hinihintay namin si Mateo ay nabigla na lang ako nung may biglang may mukhang lumapit sa mukha ko.

"Jane? Oh my gosh! Jane! Ikaw nga!"Si Celine na hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

"Celine!"Tawag ko pa rito at napatayo pa ako at yinakap siya. Yumakap naman siya pabalik.

"Hindi ko alam na nandito ka na pala."Si Patricia na kasama niya rin.

"Ay, sorry. Nakalimutan kong mag-open ng social media kaya hindi ko kayo na-chat."Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganon kaya itinigil ko na rin.

"Hanggang kailan ka dito? Bakasyon or for good na?"Si Hanna naman na may mga dala pang shopping bags, mukhang kakatapos lang nila mag-shopping. Mahilig silang tatlo sa pag-shopping, bagay na hindi ko hilig.

"I hope, for good na. Depende pa rin sa parents ko syempre."Sagot ko, madalas kasi kami lumipat ng lugar. Minsan sa abroad, madalas naman sa ibang lugar lang sa pinas at hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa business namin?

"Sino iyang kasama mo?"Usisa ni Celine at tinignan pa si Harvin na tahimik lang na nakikinig sa amin.

"Si Harvin, kapit bahay namin at anak din ng kaibigan ni Mom."Pakilala ko naman kay Harvin. Ngumiti naman sa kanila si Harvin habang may mapanuring tingin naman sila rito.

Anong ginagawa nang mga ito? Parang mga baliw lang.

"Eto na."Saad naman ni Mateo na siyang kakarating lang at dala-dala ang mga order namin. Hindi niya ata napansin ang mga kaibigan ko kaya nilagpasan niya lang ito at umupo na siya sa pwesto niya.

"Mateo?"Saad ni Patricia na hindi ko inaasahan.

"Kilala niyo ito?"Tanong ko dahil sa pagkabigla at pagtataka.

"Of course they will, right?"Sagot naman ni Mateo at nilingon na ang mga kaibigan ko na gulat na gulat.

"Since when nung umuwi kang pinas?"Tanong ni Celine at bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha.

"One year ago pa."Si Harvin ang sumagot at tila ba alam niya ang dahilan kung bakit gulat na gulat ang mga kaibigan ko.

"Teka. Magkakilala kayong lahat?"Tanong ko na lang ulit habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat.

"Since junior high kilala na namin sila. I mean, kilala na nila siya."Sagot naman ni Harvin at tinuro pa ang kanyang pinsan.

"We also know you, because of Annie."Sagot naman ni Hanna at bahagyang siniko naman siya nang dalawa.

Teka! Don't tell me, siya iyong tinutukoy ni Annie?

"Siya ba iyong--"

"Yes, teh. Sure na sure. Siya nga."Sagot naman ni Celine sa akin bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Mabuti at pinutol kaagad ni Celine iyon dahil malapit na akong madulas.

"Anyway, saan university mo napiling mag-aral, Jane?"Tanong ni Patricia. Umupo na rin silang tatlo sa table namin dahil gusto daw muna nilang makipag-usap sa amin.

"Pare-parehas lang tayo nang university, doon rin siya."Si Mateo na ang sumagot. Mainam na rin iyon dahil hindi rin alam ang isasagot, hindi ko pa kasi kabisado dahil masyadong mahaba ang pangalan ng paaralan.

"Edi mapapadalas pala ang pagsasama natin nito, right Mateo?"Saad ni Celine na may makahulugan na tingin kay Mateo.

Don't tell me, gusto niya si Mateo?! Oh my gosh! Paano naman si Kuya Anderson?

"Depende."Sagot naman ni Mateo at ngumisi pa.

Uy! Huwag ka ngang maki-epal kila Kuya Anderson at Celine! Hindi pa nga sila okay, ee.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon