CHAPTER 25

21 6 0
                                    

Magsisimula na sana ako sa paglalakad patungo sa aking eskuwelahan nung may tumawag naman sa akin.

"Kaize!"Gulat na tawag sa akin ni Tita Althea pagkababa niya ng tawag sa cellphone niya. Nasa labas ito nung bahay nila at mukhang nabigla lang nung makita ako.

"Kumain ka na ba?"Tanong ni Tita Althea nung harapin nya ako. Napangiti naman ako.

Napaka-sweet talaga ni Tita. Kabaliktaran ng anak.

"Yes po, Tita."Sagot ko nang nakangiti.

"Hayz. Hindi ko talaga maiwasan na maalala sayo si..."Bigla namang hindi tinuloy ni Tita Althea ang kanyang sasabihin nung makita nya akong nakatitig sa kanya at basahe sa reaksyon ay tila ba parang doon nya lang na-realize na ako ang kasama nya.

Ano meron?

"Sino po tita?"Tanong ko dahil sa pagtataka. Ang awkward din kasi ng tingin ni Tita.

"Ano...wala. Kalimutan mo na."Sagot naman ni Tita Althea at tumawa ngunit halata namang naiilang sya.

"Tita, pwede nyo naman po sabihin sakin. Hindi po ako magagalit at hindi rin naman po ako mag-iingay, at saka malay nyo, kamukha ko naman talaga yong tinutukoy nyo. O kaya malay nyo kakambal ko pala yon nang hindi ko alam. O kaya--"

"Okay na nga, sige na. Sasabihin ko na. Ang daldal mo talaga."Nangiti na lang ako sa sinabi ni Tita. Well, sinadya ko talaga na maraming sabihin para sabihin na ni Tita. Nakakapagtaka kasi.

"Yong kamukha mo kasi na tinutukoy ko ay iyong...Natitipuhan ng aking anak dati."Dahil sa sinabi ni Tita Althea na yon ay mas lalo akong nagkaroon ng interest sa kanyang kwento.

Ito kaya yong nakwento na sakin ni John? Mukhang gustong gusto nya talaga yon, ee.

"Maganda at matapang na bata. Hindi na ako nagtaka kung bakit sya nagustuhan ng aking anak nung isang beses na makita ko sya."Nakangiti pa si Tita Althea habang patuloy sya sa kanyang pagkwento. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti rin.

I think, there's something different talaga sa babae na tinutukoy nila, sana makilala ko rin sya.

"But sadly, hindi naging sila pero mahal na mahal sya nang anak ko, iyon nga lang hindi sila pwede. Pero alam mo nung minsan na nakausap ko si Jane, may inamin sya sa akin."Saad ni Tita Althea. Napakunot naman ang aking noo nung ako ay magtaka kung ano iyon.

"Ano naman po iyon?"Kunot noo kong tanong ngunit bago pa makasagot si Tita Althea ay may iba nang nagsalita.

"Gotta go, Mom. Bye."Si John na humalik pa sa pisnge nang kanyang ina bago sya nagtungo sa sasakyan nya habang pinaglalaruan nya pa ang susi nito.

"Eh, si Harvin? Bakit hindi mo ata kasama ngayon?"Tanong ni Tita Althea bago pa makasakay si John sa kotse. Doon ko lang napansin na hindi nya nga kasama si Harvin.

Nag-away kaya sila? Madalas kasi silang magkasama kaya nakakapagtaka wala ito ngayon.

"Hindi raw po sya makakasabay sakin kaya mauna na raw ako. May pupuntahan pa ata."Seryosong sagot naman ni John at may tinignan pa sa kanyang cellphone bago tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan na kahit titignan mo palang ay alam mo nang mamahalin.

"Wait lang, Anak! Wait! Wait lang! Saglit!"Nagmamadaling pigil naman sa kanya ni Tita Althea bago pa mapaandar ni John ang kanyang sasakyan. Miski ako ay takang tinignan si Tita.

"Mom, what is it?"Mahinahon mang tanong ni John ay alam mo nang wala talaga itong sa mood, halata naman, kanina pa.

"Isabay mo na tong si Jane, oh. Total ay magkapareho lang naman kayo ng papasukan, eh."Sagot naman sa kanya ni Tita Althea at ngumiti ng sobrang lapad. Luh! Ba't nadamay pa ako? Nakikinig lang ako rito, ee.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon