FIN
Ay, mali bigla palang nagdilim ang paningin ko. Seriously? Siya ba talaga iyong bago naming kapit bahay? At anak ng kaibigan ni Mom?
"IKAW?!"Malakas na pasigaw na tanong ko at ramdam ko ang pagkunot ng aking noo.
"Bakit anong problema?"Tanong niya. Ang yabang! Well, casual niya lang iyon sinabi pero iba lang ang dating sa akin.
"Magkakilala na pala kayong dalawa?"Kinikilig na tanong ni Mom.
"Mom!"Naisaad ko na lang at tinignan ko nang masama iyong panget kahit wala naman siyang ginagawa. Pinagtaasan niya lang ako nang kilay na siyang mas ikinainis ko.
"Ang panget na ito."Inis na bulong ko pero mukhang napalakas dahil pare-parehas silang napabuka ang bibig.
"Excuse me?"Saad pa nung panget at tila hindi makapaniwala sa tinawag ko sa kanya. Umirap lang naman ako sa kanya.
"Bakit panget ka naman talaga! Ano akala mo sa sarili mo gwapo ka?! Excuse me lang, ah. Hindi ka ho gwapo!"
"Ha! Gwapo naman talaga ako, can't you see my angelic face?"
"Angelic face?! Eh, mukha ka nga kinahid na manok!"
"Ang cute niyo talagang tignan."Sabay na kinikilig na puri ni Mom, Tita Althea at ng isa pang babaeng maganda na mukha kaedadan nila na sa tingin ko ay iyon si Tita Moiren, mukhang kani-kanina lang dumating.
"What's going on here, guys? Bakit kayo nagtatalo? Ang aga-aga, ah."Natatawang tanong ng kung sino at pamilyar ang boses. What the--huwag mong sabihin na si ano ito.
Para makasigurado ako na kung siya nga ba iyon ay tinignan ko ang pinagmulan ng boses na iyon na dapat pala ay hindi ko na lang ginawa.
Kasi si Harvin nga iyon at ang isang braso niya ay nakaakbay sa isang babae na maganda. Ito ba iyong girlfriend niya?
Infairness, maganda.
Her height is small but it's makes her looks cuter. She have short black hair. She's wearing fitted black dress that's why her hourglass body exposed. She's so pretty and sexy at the same time, she's ideal girl of most of the man.
"Oo nga, anong kaganapan ang nangyayari dito?"Natatawang tanong pa ng girlfriend ni Harvin. Ang cute nang boses niya, maliit pero hindi nakakairita pakinggan at may pagkamalambing din.
"Ah, wala lang iyon, Kelsie."Nahihiya na sagot ni Panget na epal. Bakit kay Kelsie ang bait-bait niya tapos sa akin napakasama niya? Hayz, kainis! Siguro dahil mas maganda sa akin si Kelsie kaya mas mabait siya dito.
"Tara, pasok na tayo sa loob."Aya ni Tita Althea at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman kami agad sa kanya.
At habang naglalakad kami may biglang tumatakbong aso palapit sa amin at bigla na lang ako nito tinalunan at dahil sa bilis ng pangyayari at sa bigat nito ay natumba ako na siyang naging dahilan para madagnan ako nito pero kahit ganon ang nangyari ay nagawa pa ako nitong dila-dila sa mukha.
"Fin!"Saad ni Epal na panget at kinuha iyong aso. Pagkakuha niya ay tumayo naman ako, nilapitan naman ako nila Harvin at nung klesie.
Habang kumakain kami sa dining area ay nasa tabing upuan naman si Fin. Ewan ko ba kung anong trip ng aso na ito at kinina pa nakadikit nang nakadikit sa akin, para bang ako iyong amo niya. Eh, samantalang si Epal na panget naman talaga.
"Hi, I'm Kelsie and you are?"Rinig ko saad ni Kelsie kaya tumingin ako rito para malaman kung ako ba ang kausap niya.
"I'm Jane Kaize Pascual."Sagot ko sa kanya nung makomperma ko na ako nga ang kausap nito.
"Dito ka rin sa village nakatira?"Tanong ni Kelsie.
"Maniwala ka man o hindi pero oo, dito rin siya nakatira."Sagot ni Panget kahit hindi naman siya iyong kinakausap. Maayos naman niya iyong sinabi pero ewan ko ba, pakiramdam ko nang-aasar siya lalo na nung ngumisi pa siya.
"Nang-aasar ka ba?"Pikon na tanong ko.
"Inaano kita?"Gulat na tanong naman ni Panget na siyang naging dahilan para mapairap ako.
"Ano sa tingin mo?"
"Dito ka naman talaga nakatira, hindi ba?"
"Yes, I am but it seems like you're insulting me when you said that I'm living here."
"Hindi kita iniinsulto, ah."
"Talaga lang?!"
"Oh, stop na iyan. Kain muna tayong lahat. Gumawa kami nila Moiren at Adrianne ng cake. Ito na lang ang pagkaabalahan niyo kesa mag-away kayo."Saad ni Tita Althea na biglang dumating kasama sila Tita Moiren at Mom. May dala silang tray na may palatito na may slice ng cake.
"Wow! Mga Tita, mukha po masarap iyang gawa niyo, ah."Puri ni Kelsie at ngumiti. Ganon din naman sila sa kanya.
Habang kumakain kami ng cake na gawa nila Mom at Tita ay pinakilala naman sakin ni Harvin sila Kelsie at si epal na panget.
"Uhm, Kaize ito nga pala si Kelsie Penales."Nakangiting turo niya kay Kelsie na girlfriend niya. Ngumiti ito sa akin, ganon din ako sa kanya.
"At ito naman ang pinsan kong bully na si John Carvin Mateo pero mabait din iyan, bully lang talaga minsan. Si Tita Althea jil Mateo at si Tito Dyler Mateo sa kanila ang bahay na ito, na tabi lang ng inyo or in another word, kapit bahay niyo sila."Nakangiting saad ni Harvin. Wala naman akong ginawa kung hindi ang tumango na lang. "At ito si Mommy Moiren at Daddy Kiel Marcus. Ang totoo sa amin naman ang isang bahay na katabi lang din ang sa inyo so, meaning kami ang isang kapit bahay niyo."Dagdag niya at saka siya ngumiti at ngumiti rin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung mainam ba na kapit bahay namin sila o hindi. Mainam dahil may magiging kaibigan si Mom. Hindi mainam dahil naiinis ako kay John.
Kumain na kami ulit ng cake at ang masarap nga talaga iyong gawa nila Mom at Tita. Habang kumakain nanatili naman akong tahimik at lahat naman sila ay nag-uusap sa mga bagay-bagay. Well, that's the usual me. Hindi ako talkative na tao kagaya ni Dad. Ewan ko pero sabi naman nila Mom ay maingay ako nung bata ako. May video pa sila na pinakita sa akin na sa tingin ko ay nasa edad tatlong taon palang ako.
Siguro dahil bata palang ako non kaya maingay ako.
"Mabuti naman naisipan niyo na lumipat dito pero maganda rin sa spain, ah. Bakit naisipan niyong lumipat?"Tanong ni Mom, kausap si Tita Althea. Sa spain pala nakatira sila Tita Althea.
"Actually, itong anak namin ang may gustong dito na lang kami at dahil ngayon niya lang naman ginusto na manirahan ulit sa pinas ay pumayag na rin kami."Sagot ni Tita Althea. Spoiled pala itong si Panget.
"At inaya naman nila kami."Dagdag naman ni Tita Moiren.
"Balita ko nangunguna ka sa klase doon sa spain, Mateo. Bakit mo naman naisipan na dito na lang manirahan ulit?"Tanong ni Mom na siyang naging dahilan para mapalingon ako kay panget.
Matalino pala itong panget na ito, hindi halata, ah.
"I want something new lang po."Sagot naman ni Panget at nagkamot pa nang batok, tila nahihiya. May hiya pala 'to.
"Pero mainam na rin iyon at magkakasama kayo nang anak ko."Saad ni Mom at bahagya pa akong niyakap.
"Mom!"Naisaad ko na lang dahil sa sinabi ni Mom at napanguso pa.
"Bakit? Ayaw mo ba kay Mateo?"Tanong pa ni Mom na halata naman na ang sagot para roon.
"Ayaw ko po sa kanya."Deretso at walang alinlangan kong sagot.
"At akala mo naman gusto kita."Bulong naman nung isa pero rinig pa rin. Iritado ko siyang hinarap dahil doon.
"Sige, sabihin mong hindi mo ako gusto. Sa ganda kong ito, hindi mo ako gusto? Talaga?"Mataray kong saad. Wala naman siyang naging imik, takot sigurong mapagalitan kaya napangisi na lang ako sa huli.
Akala niya, ah.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...