CHAPTER 28

19 6 0
                                    

Nakasimangot ako habang nanood sa T. V. Wala ngayon sila Mom dahil may inaasikaso sa kompanya namin pero sabi naman nila ay babalik din. Si Kuya Jayvee naman ay lumabas saglit dahil may bibilhin lang. Okay lang naman yon at safe rin ako dahil may mga bodyguard kami na nakabantay sa labas.

Kaya nga lang ay nakaka-boring dahil puro gamit lang sa ospital ang nakikita ko, idagdag mo pa na hindi ko gusto mga palabas. No choice lang talaga ako kaya nanood ako.

Romance. Seriously? Bakit puro romance palabas ngayon? Gusto ko sana action or Horror. Don't get me wrong alam ko naman na maganda yong mga romance movie but it just really not my type. Especially this plot, maging sila tapos maghihiwalay pero in the end, magiging sila rin sa huli.

Napalingon ako sa pinto nung may kumatok. Napakunot ang noo ko dahil alam kong hindi si Kuya Jayvee iyon. Sino kaya bumibisita sa akin ngayon?

"Pasok,"Saad ko na lang dahil mukhang hinihintay nito ang permisyo ko. Mas lalo akong nagtaka nung makita kung sino iyon.

It's John.

Ang bait ata nito ngayon, kumatok pa muna bago pumasok.

He's wearing school uniform. He looks  firm and formal. May mga dala rin syang canva bag which makes me wonder. I never imagine him using canva bag, I usually seening him using black backbag.

"Oh,"Taka ko syang nilingon nung inabot nya sa akin yong canva bag. Hindi ko kinuha yon pero sya na mismo naglagay non sa kama ko.

"Ano to?"Tanong ko at taka syang tinignan. Bumuntong hininga sya at nag-iwas ng tingin.

"Mga lectures, and reviewer mo para hindi ka mahuli sa klase."Sagot nya na syang dahilan para silipin ko na yong canva bag. Totoo ngang mga lectures at reviewer iyon. Napangiti ako at sinimulan na basahin iyon.

Handwritten iyon kaya sa aking palagay ay sya ang nagsulat non. Infairness, ang ganda ng sulat. Sya kaya talaga nagsulat nito? Baka naman pinasulat lang nya sa iba.

"Nasabi sakin ni Jeiz na kahit madalas kang magpuyat sa kakapanood at tamad kang mag-aral ay may pakialam ka pa rin sa magiging grades mo. Kung may hindi ka maintindihan sa sulat ko, tanong mo lang."Paliwanag nya kaya nilingon ko sya. So sya nga iyong nagsulat, at parang napapangitan pa sya sa sulat nya ah.

"Hoy! Hindi kaya ako tamad mag-aral. Sinasabi mo dyan."Saad ko na lang. Syempre kailangan ko depensahan ang sarili ko.

"Ano lang?"Tanong nya at tinaas pa ang isang kilay nya habang hinihintay ang magiging sagot. Hindi ko kaagad yon nasagot.

"Minsan lang!"Dahilan ko na lang nung mapagtanto ko na tamad nga talaga akong mag-aral. Binalik ko na lang yong mga lectures at reviewer nung tumawa sya.

"Oh,"Saad nya at may inabot sakin na supot. Mga prutas yon. Kinuha nya rin yong canva bag at nilagay sa upuan na malapit lang sa kama ko.

"S-Salamat."Nahihiyang saad ko.

"Si Mom yong nagpapabigay nyan, hindi na ako."Saad nya kaya naman napaismid ako at napairap.

"Salamat pa rin!"Mataray na sagot ko. Kainis kasi. Natawa naman ulit sya at napailing pa. Tuwang tuwa talaga sya sa tuwing naiinis ako. Kagaling.

"Alam mo, John. Mabait ka naman, ee. Kaso nga lang ay hindi ko alam kung napipilitan ka lang ba o naaawa dahil nakaratay ako ngayon dito."Mataray kong saad at kumuha na lang ng mansanas. Kinuha nya yon bago ko pa makagat kaya iritado ko itong nilingon.

"Gusto mo na ba ako?"Tanong nya. Hindi ko alam kung nagbibiro sya o seryoso na talaga sya. Seryoso ang kanyang mukha ngunit napapaisip ako dahil sa tanong nya.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon