CHAPTER 17

36 8 0
                                    

"Iyon lang ba talaga?"Ulit ko nung nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Iyon lang, Kaize."Maikling sagot niya habang seryoso siyang nakatitig sa akin.

"May girlfriend ka na pala, hindi mo man lang ako pinakilala."Saad ko at napaiwas na lang ng tingin sa kanya dahil hindi ko na rin makayanan ang mga titig niya sa akin.

"What?"Tanong niya na may halong pagtataka.

"Magkaibigan naman tayo kaya pwede mo naman siguro ipakilala sa akin ang girlfriend mo?"Saad ko at hinarap siya nang may ngiti.

"What are you talking?"Tanong niya naman with accent pa!

"Nasagot ko, sorry kanina pa kasi siya tawag nang tawag."Pag-aamin ko at nginuso iyong cellphone niya. Kaagad niya naman iyong kinuha at tinignan kung sino ang aking tinutukoy.

"Sh*t!"Mura niya.

"Sorry, dapat hinintay na kita at hindi na lang sinagot iyong tawag."Saad ko sa pag-iisip na ako ang dahilan ng biglaan niyang pagkagalit. Umiiling naman siya kaagad.

"No, it's okay."Mahinahon na saad niya pa at nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo.

"Sabihin mo sa akin kung hindi talaga okay, naiintindihan ko naman at least nagsabi ka nang totoo."Saad ko. Nilagay niya naman sa beverage holder ang kanyang cellphone bago niya ako hinarap muli.

"Hindi ko siya girlfriend."Saad niya na ikinabigla at pinagtaka ko rin at the same time.

"Then, ano mo siya?"Hindi ko maiwasan na maitanong sa kanya dahil nalilito talaga ako.

"She's my ex. But it's been a years ago since broke up, junior high school day."Sagot niya naman sa akin. Years ago? Tapos updated sa buhay niya at gusto siyang pabalikin ngayon?

"Years ago or days ago?"Kusang lumabas sa bibig ko na dapat ay sa isip ko lang.

"Years ago, Kiaze."Mariin niya namang sagot.

"Kung ganon, bakit may koneksyon pa rin kayong dalawa?"Tanong ko at humalikipkip. Hindi kasi talaga ako naniniwala.

"She's just like that, mula nung naghiwalay kami ay pinipilit niya akong balikan ko siya kahit may boyfriend na rin siya ngayon ay hindi pa rin talaga siya tumitigil. I don't what's her problem and I also don't know kung paano niya nalalaman ang cellphone number ko kahit ilang beses ko na itong napalitan."Paliwanag niya. Detalyado at malinaw.

"Baka mahal ka pa."Naisaad ko na lang at nag-iwas ng tingin dahil sa titig niya sa akin.

"Well, I don't even like her."Kaswal niya iyong sinabi.

"Imposible!"Naisaad ko na lang.

"Posible, Kaize. I really already moved on."Seryoso niyang tugon at sa mga titig niya palang ay naiparating niya na sa akin totoo ang kanyang sinasabi kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango at bumuntong hininga.

Napakunot ang aking noo nung ihinto niya muli ang kanyang sasakyan. Puro puno ang paligid namin at nasa daan pa rin naman ang sasakyan kaya sigurado akong wala pa kami roon sa sinasabi niyang lugar.

"Bakit?"Naitanong ko na lang. Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita.

"Dito ka na sa front seat."Saad niya sa tono na dapat iyon ang masunod.

"Hindi na, dito na lang."Tanggi ko.

"Dito ka na."Pilit niya naman kaya iritado ko siyang nilingon.

"Eh! Ang sarap-sarap na nang higa ko rito."Angal ko. Humiga na kasi ako sa sasakyan niya total kasya naman ako. Hindi naman ako natutulog at nag-cellphone lang pero mas gusto kong humiga dahil ang sakit na nang puwetan ko kakaupo.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon