CHAPTER 3

95 14 1
                                    

SELOS

"Anak bakit yata ang tahimik mo? May nararamdaman ka ba?"Tanong ni Mom nung ilang oras na ang nakakalipas ay nanatiling tahimik ako. Nag-aalala na naman siguro.

"Just nothing, Mom. Uhm, magpapahangin lang po ako muna sa labas kung okay lang."Paalam ko, kanina ko pa kasi gustong umalis sa totoo lang. I don't know, maybe because I don't like socializing or maybe because of Mateo, kanina pa kasi tingin nang tingin, parang tanga lang.

Pumayag naman si Mom and Dad kaya lumabas na rin ako. Bakas pa rin ang pag-aalala ng mga magulang ko pero tingin ko hinayaan lang nila ako kesa napansin nilang iyon ang gusto ko.

Sa garden lang ako pumunta dahil bukod sa iyon lang ang malapit ay presko din ang may kalakasang hangin, nakaka-relax.

"Nakaka-relax iyong hangin dito, hindi ba?"Tanong ni Harvin na hindi ko inaasahan na nasa tabi ko na pala. Ngumiti ako sa kanya bago ako sumagot.

"Oo, mapapadalas siguro iyong pagpunta ko dito kung hindi lang mukhang ewan iyong pinsan mo."Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya naman.

"Galit ka talaga sa pinsan ko, hano?"Natatawang saad niya pa.

"Hindi naman pero hindi ko rin siya gusto."Pagsasabi ko naman ng totoo pero mas natawa lang siya dahil doon.

"Pwede bang magtanong?"Tanong ko, bahagya pang naiilang na sabihin sa kanya.

"Oo naman, ano ba iyong tanong mo?"Sagot niya naman pero halata ang pagtataka. Bumuntong hininga naman ako bago ko siya hinarap.

"Uhm, si Kelsie ba... siya ba iyong girlfriend mo na sinasabi ni Epal na panget--I mean ni John?"Tuloy-tuloy na tanong ko na lang. Kanina ko pa kasi nais na itanong iyon sa kanya.

Bigla naman siyang natawa sa tinanong ko na ipinagtaka ko naman.

"Hindi ko iyon girlfriend. Kaibigan ko lang iyon. Hindi ako tipo non dahil babae rin iyong nais non"Saad niya na hindi ko inaasahan.

"Hindi nga?"Gulat na tanong ko na lang.

"And honestly, gusto ka niya."

"Weh?"Tanong ko at tumango naman siya. "Sabi ko pa naman, bagay kayo."Naisaad ko na lang na siyang naging dahilan para matawa siya habang umiiling kaya natawa na lang din ako.

"Ang saya niyo, ah."Sercastic na sabi nung kung sino na bagong dating lang. Sabay naman kami tumingin ni Harvin sa kanya at ang seryosong mukha ni John ang bumungad sa amin.

"Ano bang paki mo kung nagtatawanan kami ni Harvin."Iritang sabi ko na lang pero tinignan niya lang ako.

Luh? Anong problema nang isang ito?

"Nagseselos ka ba?"Tanong ni Harvin at ngumisi pa. Para namang tanga ang isang ito.

"Pumasok na daw kayo sa loob."Saad naman ni Panget at basta na lang naglakad paalis.

"Anong problema nang pinsan mo na iyon?"Tanong ko na lang kay Harvin habang takang nakatingin sa pinagdaanan ni Panget.

"Hayaan mo na, ganon talaga iyon. Tara na sa loob at baka may magalit na."Sagot naman ni Harvin na hindi ko maintindihan pero sumunod na lang ako dahil baka hinahanap na rin ako nila Mom and Dad.

"Malapit na mag-start iyong pasukan. Nakapag-enroll ka na ba?"Tanong ni Harvin. Kaming tatlo na lang ang nasa sala. Sila Mom, Dad, Tita at Tito ay nasa garden at nag-uusap. Si Kelsie naman ay umuwi na.

"Actually, hindi pa nga, ee. Baka bukas pa."Sagot ko. Two weeks na lang kasi ay pasukan na, bukas pa naman iyong enrollment kaya hindi ako nagmamadali.

"Gusto mo sumabay ka na sa amin? Total, pupunta rin kami sa school. Sabi kasi ni Tita Adrianne, same school lang din tayo."Saad naman ni Harvin. Well, that's good total wala pa naman ako kakilala.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon