At ayon nga, tama si John. Wala na nga ata talagang dadaan na taxi dito o kahit anong sasakyan.
Hayz...
Kasalanan niya naman kasi, ee! Kung hindi niya ako sinungitan, edi sana pumayag ako na sumabay sa kanya!
Tama! Siya ang may kasalanan!
Hayz...Paano ako makakarating doon ngayon? Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa labas, wala pa ring talagang sasakyan na dumadaan kahit tricycle wala. Baka nagsu-swimming na sila roon, naghihintay pa rin ako rito.
Ilang minuto pa ay may huminto nang sasakyan sa harapan ko. Ngingiti na sana ako kung hindi ko lang nakita kung sino ang driver nito.
Si John.
"Wala nang dadaan, sumabay ka na sa akin."Saad niya pa. Hindi pa pala nakakaalis ito.
"Ayoko."Sagot ko na lang at saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Ma-pride talaga ako! Kasing taas pa ng bundok!
"Sorry na..."Hindi ko alam pero parang ang lambing ng boses niya.
Hindi. Hindi ako magpapadala sa ganyan.
"Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka bang kasalanan?"I said. I know his mistake but I want him to admit it.
"Sorry sa pagsusungit ko sa'yo."Saad niya naman. Ayon, inamin din.
"Sumabay ka na sa akin."Saad niya pa nung wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Bumuntong hininga naman ako at ilang segundo pa siyang tinitigan bago ako nagpasya na sumakay.
"Are you still mad?"Tanong niya sa kalagitnaan ng byahe. Umiling lang ako.
Oo. Galit pa rin ako.
"Then, why are you so quiet?"Tanong niya naman. Kanina pa kasi ako hindi nagsasalita kaya mukhang napansin niya iyon.
"I just don't want to talk."Saad ko na lang. Tumango naman siya at tumahimik na rin kagaya ko.
Nung makarating na kami roon ay nandoon na nga sila Mom. Nagsu-swimming na sila at tumigil lang nung makita kami.
Naiwan ako kila Mom at nakipag-usap sa kanila habang si John naman dumeretso roon sa pagtutuluyan namin.
"Sige po, ilalagay ko po muna mga gamit ko."Pagpapaalam ko pumayag naman sila at hinayaan ako.
Naglakad naman ako patungo sa room na kung saan si John. Kinatok ko kaagad iyon pero nakakailang katok na ako ay hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Nung hawakan ko naman iyong doorknob ay nakabukas na iyon.
Kumatok naman na ako, pwede na siguro ako pumasok?
"John--"Naputol ko ang sasabihin ko nung makita ko siyang nakahiga sa kama at tulog na tulog.
"Napagod ka sa pagsusungit 'no?"Natatawa kong saad.
"Nah."Nagulat naman ako nung sumagot ito at binuksan niya na ang kanyang mata.
"What do you need?"Tanong niya pa.
"Pahiram nung susi ng sasakyan mo."Saad ko naman at muling sumeryoso.
"For?"Takang tanong niya naman.
"Baka po kasi kukuhanin ko iyong gamit ko?"Sarcastic ko namang sagot.
"Baka po kasi nasa kwarto mo na."Tugon niya naman na mukhang nang-aasar lang naman.
"Nilagay mo?"Gulat na tanong ko. Akala ko kasi iniwan niya roon sa kotse kaya naman hindi ko na tinignan sa room ko iyong mga gamit ko.
"Hindi, iyong kotse ko naglagay non."Pilosopong saad niya.
"Ewan ko sa'yo!"Pikon na saad ko at mabilis na tinalikuran siya para pumunta na sa kwarto ko.
"Thank you, ha!"Rinig ko namang saad niya.
Aba! Humahabol pa talaga!
"Welcome!"Tugon ko naman.
Pagkarating ko sa room ko ay nabigla pa ako nung makita na nakaayos na iyong mga gamit ko roon. Kahit iyong mga damit ko ay maayos nang nakasalansan. Para tuloy akong perfectionist, magkakasama pa kasi iyong magkakakulay.
Ang ganda sa paningin...
Sino kaya nag-ayos nito?
Ipinagkibit balikat ko na lang ito at baka mga staff lang sa beach iyong nag-ayos.
"Nag-away kayo nang pinsan ko 'no?"Si Harvin na tumabi sa akin sa pag-upo sa buhangin.
"Hindi, ah."Tugon ko na lang dito.
"Sus, halata naman."Saad niya naman. Mukhanh kilalang-kilala niya nga ang kanyang pinsan.
"Fine. Nag-away nga kami."Pag-aamin ko naman, wala naman nang dahilan para magsinungaling.
"Gusto mo makaganti?"Nakakaudyok na saad niya.
"Sigurado ka bang gagana ito?"Tanong ko habang para kaming ninja na naglalakad.
"Oo, paniguradong mapipikon iyon."Natatawang tugon niya naman. Mukhang makakaganti na nga ako. Yes!
"Baka naman mahuli tayo."Saad ko naman nung maisip ko iyon.
"Edi kapag nahuli tayo...Takbo na kaagad."Sagot naman ni Harvin. Tumango na lang ako.
Bahala na...
"Picturan mo na."Bulong sa akin ni Harvin. Agad ko namang pinicturan iyong natutulog na mukha ni John.
Pero may flash pala iyong camera ko!
Paktay! Huli na!
"Magpi-picture na nga lang, may flash pa."Saad ni John at unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata.
"Takbo na, Kaize!"Saad naman ni Harvin kaya napatakbo ako.
Mas binilisan ko pa iyong pagtakbo ko nung makita kong tumatakbo na rin si John patungo sa akin.
Anak ng tukwa!
"Run fast, woman!"Sigaw niya pa. Mas binilisan ko naman iyong pagtakbo ko.
"Bleh! Hindi niya ako mahabol!"Pang-aasar ko pa sa kanya nung bigla naman ako nadapa.
Mabuti na lamang may nakasalo sa akin bago pa mangudngod iyong mukha ko sa buhangin.
"Sino nagsabi na hindi kita mahahabol?"Si John pala iyong nakasalo sa akin. Napalunok naman ako.
Lagot na!
"H-Hindi naman t-talaga kung hindi lang ako n-nadapa!"Saad ko na lang.
Sh*t! Bakit ba ako nauutal?!
"Eh, bakit namumula ka?"Tanong niya naman. Ramdam ko ang pag-iinit nung mukha ko pero baka dahil sa init ng panahon o baka dahil sa gulat? Hayz, basta!
"Mainit lang iyong panahon!"Tugon ko na lang.
"Talaga lang?"Saad niya naman at saka niya inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. "O baka dahil sa akin?"Dagdag niya pa.
Sh*t! bakit hindi ako makakilos o makapagsalita man lang!
Nung konti na lang ang pagitan ng mukha namin ni John ay mayroon namang bumangga sa kanya. Hindi mo alam kung sadya o hindi pero mainam na rin iyon dahil nailayo ni John ang mukha niya sa akin at napaayos na rin ako nang tayo.
Muntik na 'yon, ah.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...