CHAPTER 11

34 9 0
                                    

"Akala ko ba?"Saad ni Harvin na hindi rin alam kung bakit iyon ang sinabi nang kanyang pinsan.

"Hayz! Explain yourself, John."Madiin kong saad. Ayaw pa kasing linawin sa kanila.

"Ginawa ko lang 'yon para tigilan siya nang lalaki na iyon."Pagpapaliwanag ni John habang napapabuntong hininga pa.

"At bakit mo naman gustong tigilan siya non? Ayaw mo bang magka-boyfriend itong kaibigan namin?"Mataray na saad ni Celine pero halata namang may gusto lang siyang malaman, hindi ko nga lang alam kung ano.

"Jeez! What do you want me to do? Let that guy got her number and let them be a textmate even though I know that guy is not serious when it comes to relationship? Isn't that too obvious to ask?"Galit na saad naman ni John na miski ako ay nagulat.

Sino kaaway nito?

"Eh, ba't ka galit?"Saad naman ni Annie.

"Maybe nagseselos?"Mapang-asar na singit ni Jamie at nagtakip pa ito nang bibig na tila kinikilig at tinatakpan lang ang kanyang pagngiti. Nag-apir pa sila ni Annie.

Mga baliw.

"Guys. I think...we have a problem."Saad ni Hanna habang nakatingin sa kung saan.

"What do you mean?"Tanong ko. Tinuro lang naman ni Hanna ang lugar na kung saan siya nakatingin.

"Yeah. We have a big problem now."Dahan-dahan kong saad nung makita ko ang grupo nila Kuya Anderson na papatungo na rin sa kinakainan namin ngayon.

"Uhm, I think we need to change locat--"

"No. We will stay here."Saad ni Celine bago ko pa matapos ang aking sinasabi.

"Celine, huwag na muna kayo mag-away."Bulong ko na lang sa kanya. Maraming tao rito kaya hindi ito ang magandang lugar para mag-away ang dalawa

"We will not fight. We will eat here, and we will not fight."Saad naman ni Celine at ngumiti na para bang iyon talaga ang mangyayari.

"Para it is not makatotohanan ata 'yan, girl."Saad naman ni Jamie. Napatango naman kami bilang pagsang-ayon.

"Jamie. He is nothing to me. Nakaraan naman na iyon. I already move on. I already forget the past."Mahinahon na saad ni Celine ngunit kahit ganon man ang kanyang sinabi ay hindi pa rin ako kampante na magsama sila sa isang lugar.

"True ba 'yan?"Saad pa ni Jamie at halatang hindi rin siya naniniwala kay Celine.

"Yeah."Sagot naman sa kanya ni Celine. "You know what guys, let just eat."Saad pa ni Celine at ngumiti sa amin.

"Parang hindi ka nagalit kanina nung nakita mo na kasama ni Kaize iyong magpinsan. Kaibigan palang 'yon ni Ano, ah."Saad ni Annie. Totoo rin. Magpinsan palang iyon pero grabe na iyong galit niya.

"Well...Ngayon lang kasi ako naka-move on."Sagot naman ni Celine at ngumiti pa.

"Ang bilis, ah. Halatang hindi totoo."Saad naman ni Annie at tumawa pa sa huli. Bahagya ko naman itong siniko.

Kaloko talaga.

"Whatever. Basta dito na tayo kumain, sayang naman itong mga inorder natin."Saad naman ni Celine kaya naupo na rin kami since halata namang hindi siya magpapatalo.

Sana nga magkaroon ng himala at hindi sila mag-away ni Kuya Anderson.

"Uy, nandito rin pala kayo."Saad ni...Jacob?

Nakauwi na pala siya.

"Hi, Jacob!"Bati kaagad ni Hanna at kumaway pa rito.

"Hanna."Banggit naman ni Jacob sa pangalan niya at halatang hindi nito inaasahan na makita siya.

"Why are you with them?"Tanong ni Kuya Anderson, si John ang kausap.

"And why not?"Kaswal na sagot naman ni John. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Celine at mukhang narinig rin iyon ni Kuya Anderson kaya't pinagtaasan niya si Celine nang isang kilay.

"What are you looking at?"Mataray na tanong naman ng aking kaibigan.

Hayz...mukhang magsisimula na naman sila.

"And what's the funny?"Masungit na tanong pabalik naman ni Kuya Anderson.

Ito na nga.

"Bakit bawal na ba tumawa?"Saad naman ng aking kaibigan. Halatang hindi magpapatalo.

"Oo lalo na kung hindi naman ikaw ang kausap ko."Sagot naman sa kanya ni Kuya Anderson, halatang ayaw ding magpatalo.

"Sino kaya iyong bigla-bigla na lang sumisingit sa usapan kahapon? Hindi ba ikaw iyon?"Mataray na saad naman ng aking kaibigan.

Teka, mukhang ibang usapan na ito, ah.

Kahapon? Nagkita sila kahapon?

What iz the meaning of thiz??

"It is just because you are talking about me."Inis na sagot naman ni Kuya Anderson, tuluyan na ngang nawalan ng pasensya.

"It is just because ikaw naman talaga ang G*GO kong ex na mas galit pa kesa sa akin kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan. At ikaw rin naman talaga iyong G*GO kong ex na nakipaghiwalay sa akin at pagkatapos ng tatlong araw ay gusto nang makipagbalikan sa akin at pagkatapos ng isang linggo ay bigla na lang nagalit na hindi mo naman mawari ang dahilan."Galit na saad naman ni Celine, nawalan na rin ng pasensya.

"Oh really? Wala ka talagang kasalanan?"Tanong naman ni Kuya Anderson na para bang may alam siya na hindi namin alam.

"Oo! Wala naman talaga, ah!"Galit na pasigaw na sagot ng aking kaibigan at handa na siyang sugurin si Kuya Anderson kung hindi lang namin ito pinigilan.

"Sino kaya iyong nakipagkita sa dati niyang manliligaw habang may karelasyon pa."Saad naman ni Kuya Anderson. Kalmado mang nakakrus ang kanyang braso ay alam kong mainit ang ulo nito sa naalalang scenario dahil sa tono pa lamang ng kanyang pagsasalita.

"Sino kaya 'yong nagsama nang ibang babae sa condo niya!"Galit na tugon naman ni Celine. Napatingin naman kami kay Kuya Anderson dahil sa pagkabigla.

"I already told you, she's a friend of mine! But you didn't believe because you already made a conclusion before knowing what's the truth is!"Galit na saad na ni Kuya Anderson.

Napatingin naman kami kay Celine nung padabog niyang binaba ang bag niya sa lamesa at saka siya tumayo para mas magharap sila ni Kuya Anderson.

"Huwag mo akong pagtaasan ng boses! At para sabihin ko sa iyo magkaiba ang magkaibigan sa magka-ibigan!"Galit na saad ni Celine. Galit man ang kanyang boses ay may bahid pa rin na sakit ang kanyang boses.

Natuloy lang ang pag-aaway ng dalawa at kahit awatin namin ito ay hindi pa rin sila nagpapaawat. Wala rin silang pakialam sa paligid kahit pinagtitinginan na sila nang karamihan, bagay na hindi na bago sa tuwing nag-aaway sila.

"Akala ko ba hindi sila mag-aaway?"Naisaad ko na lang. Nagkibit balikat naman si John na siyang katabi ko ngayon.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon