CHAPTER 16

34 9 0
                                    

Event

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin naman kami dahil bukod sa napapagod na kami pare-parehas ay nag-text na rin ang aking ina na umuwi na raw kami dahil may pupuntahan kami na mukhang may kinalaman lang naman sa kompanya.

"You should wear dress. Formal ang pupuntahan natin."Saad ni Mom at binaba sa kama ko ang napili niyang dress. Formal naman iyon at tama lang ang haba ngunit dahil dress iyon ay ayoko pa rin.

"But I'm comfortable with this, Mom."Sagot ko. Maayos naman ang suot ko at tingin ko naman ay formal naman ito at sadya lang talaga na gusto ni Mom na mag-dress ako.

"Kaize."Nagbabanta na tawag sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

"Fine, suotin ko na po ito."Saad ko at kinuha na iyong dress sa kama kahit labag iyon sa kalooban ko.

"Bilisan mo, ah. Wait ka na lang namin sa baba. And wear the heels too huh?"Paalam ni Mom na tinanguan ko lang naman.

Ayoko talaga sa kahit anong dress, hindi makakilos ng maayos at nakakairita. Kung hindi lang ito ang gusto ni Mom ay hindi ko ito susuotin o baka nga matagal ko na itong tinapon o pinamigay.

Pagbaba ko ay napakunot ang aking noo nung makitang naroon din ang magpinsan kasama ang kanilang mga magulang pare-parehas na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Kasama po pala natin sila?"Naisaad ko na lang.

"Of course. Bawal sila mawala."Saad ni Kuya Jayvee at hindi ko alam pero parang may ibang kahulugan ang kanyang sinabi.

"Let's go."Saad ni John at naglahad sa akin ng kamay kaya taka ko siyang tinignan.

"Anong acting 'yan."Saad ko pa sa sobrang pagtataka.

"How sweet you are, John."Saad ni Mom at tinignan ako, ganong paraan ipinarating ni Mom na tanggapin ko ang kamay ni John.

"Doon ka."Saad ni Kuya Jayvee nung papunta na sana ako sa kotse niya.

"Huh?"Takang tanong ko dahil bukod sa hindi ko nakita ang tinuro niyang sasakyan ay hindi ko rin alam kung bakit kailangan sa ibang sasakyan ako sumakay.

"Kay John na sasakyan ka daw sasakay sabi ni Mom."Sagot naman ni Kuya Jayvee bago padabog na sinarado ang kanyang pintuan.

"Just great!"Naisaad ko na lang nung pinaharurot ni Kuya Jayvee ang kanyang sasakyan bago pa ako makapagsalita.

Nung marating ko ant sasakyan ni John ay naroon na siya sa labas at kaagad akong pinagbukasan ng pinto. Hindi na ako nagtanong at sumakay na lang.

"You know what, John. Naiirita na talaga ako."Hindi ko mapigilan na ilabas ang aking saloobin.

"Naiirita ako kasi ang gulo-gulo niyong lahat. Hindi ko kayo maintindihan. Iba ang mga kilos niyo!"Saad ko pa kahit hindi niya tinatanong.

"Hindi ko alam kung bakit kayo nagkakaganyan at kung ano man ang dahilan niyo ay handa akong tanggapin maintindihan ko lang kayo kasi ayoko nang ganito na parang ako lang ang walang alam."Iritado ko pa ring saad dahil gulong gulo na talaga ako sa mga inaasta nila.

"Isa pa 'yan! Ang tahimik mo bigla! Iyong let's go lang ata ang sinabi mo tapos wala na! Ano? May alam ka rin ba sa mga nangyayari?"Ang hirap naman kasi nilang basahin! Ano sinasadya nilang malito ako sa mga kilos nila kaya hindi nila sinasabi sa akin kung ano ang nangyayari?!

"May alam ka?"Tanong ko at nanatili naman siyang nakatingin sa daan. Alam kong may alam siya. Imposibleng hindi, si John Carvin Mateo siya kaya hindi maaari, lahat alam niya lalo na sa mga nangyayari sa paligid niya.

UNCONDITIONAL LOVE 1  (DOCTOR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon