"What are you doing here?"Mataray na tanong naman ni Celine kay Harvin na para bang kilala niya na ito. Mas nagulat tuloy ako.
"Ito naman, kayo lang dalawa ni Anderson iyong may problema kaya huwag mo naman akong sungitan. Hindi ako damay sa away niyo."Tugon naman ni Harvin, umirap lang naman ang aking kaibigan.
"Sagutin mo na lang kasi ako."Iritadong saad naman ni Celine. Mapang-asar na ngumiti naman sa kanya si Harvin at tila kinikilig pa.
"Hindi ka naman nanliligaw."Biro pa nito na wala namang tumawa. "Sabi ko nga luma na iyong joke ko kaya hindi na nakakatawa."Dagdag niya at mapait na ngumiti. Pinigilan ko namang tumawa sa seryosong sitwasyon at si Harvin lang naman ang hindi nagseseryoso.
"Gusto lang namin magkape."Sagot ni Harvin sa tanong ni Celine at tinignan niya pa ang mga kasama niya.
"Of course, this is a coffee shop."Serkastikong saad naman ng aking kaibigan.
"Then, why are you asking for stupid question if the answer is totally obvious."Masungit na singit ni Kuya Anderson at ilang sandali lang ay ngumisi ito. "Don't tell me...you think that you are the reason?"Nagulat ang aking kaibigan ngunit kaagad din kumunot ang kanyang noo at bakas na ang galit sa mukha niya.
"Ha! Of course not! Who the f*ck are you para isipin ko iyon!"Galit na tugon ng aking kaibigan kahit halata naman na iyon talaga ang inisip niya at iniiwas niya lang ang kanyang sarili sa kahihiyan.
"Away ng mag-ex pala ito."Bulong sa akin ni Harvin. Bahagyang natawa naman ako at siniko si Harvin.
"Stop that already. Let just sit there."Nabigla ako nung biglang sumulpot si John at sinabi iyon. Nandito pala siya?
Napatingin rin naman siya sa akin pero hindi siya nagulat kagaya ko at pinagtaasan pa ako ng isang kilay. Umirap naman ako at nag-iwas na lang ng tingin.
"Tama! Doon na lang kayo umupo para wala nang gulo at makakain na tayo."Tugon naman ng kanyang pinsan na si Harvin.
"Bakit?"Tanong ni Harvin sa kanya nung tumigil siya sa paglalakad at masama niyang tinignan si Harvin.
"Tama tama ka dyan tapos nakaupo ka pa rin dyan!"Inis na sagot niya naman.
"Dito na lang ako. Silang dalawa lang naman may problema, ee."Walang pakungdangan na saad ni Harvin at tinuro pa ang dalawang mag-ex na agad naman siyang tinignan ng masama.
"Dito na sabi."Inis na sabi naman ni John at saka niya hinila ang kanyang pinsan hanggang sa table nila.
Natawa at napailing na lang nung makita kong ngumuso si Harvin ngunit wala ring nagawa dahil parang nanay naman ang kanyang pinsan na patuloy lang sa paghila sa kanya.
"Naniniwala ka bang nandito lang sila para magkape?"Pabulong na tanong ni Celine, ilang sandali ang nakakalipas.
"Uhm, pwede naman..."Tugon ko na lang habang nasa kape ko pa rin ako nakatuon.
"Dito talaga sa coffee shop kung saan madalas kaming magpunta noon?! Ha! Ano iyon tadhana lang para magkita kami?!"Saad naman ni Celine habang masama ang tingin niya sa table nila Kuya Anderson.
"Baka naman nagkataon lang..."Naisagot ko na lang.
"Akala ko ba gusto niya ng second chance? Eh, bakit kung makaasta siya ngayon ay para bang ako pa ang may kasalanan sa kanya?!"Medyo napapalakas na ang boses ni Celine kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang kung anong gusto niya.
"Ang kapal pa ng mukha niya para ipahiya ako! Sa harap ng madaming tao pa talaga at talagang karamihan sa mga kasama niya ay alam niyang kilala nila ako tapos ganon ang gagawin niya?! Ano 'yon?! Sinasadya niya lang?!"Galit na galit na pagpapatuloy niya. Napabuntong hininga ako at napasandal sa aking upuan.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...