Christmas
For the past few weeks and months I try to avoid John. I'm feeling something different and I don't want it to continue. It's hard especially Mom always likes to have bond with his family. I also put all my attention in my study in past few weeks.
"Eh, kailan ka ba kasi uuwi rito sa pinas?"Tanong ko kay Chris. Kausap ko ngayon ang kaibigan ko na nasa canada. Ang tagal na kasi simula nung huling uwi nito.
"Soon, okay?"Sagot nya naman sa akin. Lagi namang ganyan ang kanyang sinasabi sa tuwing tinatanong ko sya.
"Alam mo nagpapasalamat nga ako dahil nakakaintindi ka pa nang tagalog. Ni hindi ka na nagtatagalog sa sobrang tagal mong nandyan."Saad ko. Madalas kasi ang pagsalita nito nang ingles sa tuwing kausap ako. Pakiramdam ko tuloy may kaibigan akong lumaki sa ibang bansa. He's austrian tho, but he born here in Philippines.
"Jane, just wait for me, okay. Uuwi rin ako, miss mo naman ako."Natatawa nitong sagot sa akin. At syempre hindi pa rin nawawala ang pagiging loko-loko nang isang ito. Tsk.
"Of course, I miss you, Chris."Totoo rin naman kasi yon. It's normal lang din na ma-miss ko sya dahil kaibigan ko sya. Madalas kaya kaming magkasama nung nandito pa sya sa pinas.
"Uuwi rin ako, ayaw mo bang bumili pa ako rito nang pasalubong ko para sayo rito?"Nabuhay naman ako sa kanyang sinabi. Lumawak ang ngiti ko bago nagsalita.
"Ay dyan ka pala muna. Paramihin mo muna."Saad ko nang buong puso. Narinig ko naman ang pagtawa nito.
"Baliw. Sige na, ayan ha, nagtagalog na ako."Saad nya na para bang pinilit ko syang mag-tagalog. Napangisi na lang ako at napailing.
"Okay, bye na."Binaba ko na ang tawag at naglakad paalis sa terrace ngunit nabigla ako nung bumungad sa akin ang taong matagal tagal ko na rin iniiwasan.
Nakasandal lang si John sa pinto habang nakapamulsang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung kararating nya lang ba o kung ano pero hindi ko talaga naramdaman ang pagdating nya. Seryoso rin ang kanyang mukha kaya nakaramdaman ako nang pagka ilang.
"Ano yon?"Tanong ko habang pilit na iniiwasan ang tingin nya. Para kasing hinihigop nito ang paningin ko. Marahil dahil ilang linggo ko na syang hindi nakikita.
"Pinaakyat ako ni Tita. Malapit na magpasko pero kanina ka pa raw nag-aaral."Sagot nya. Nilingon ko ang study table ko na malinis na malinis. Hindi naman kasi talaga ako nag-aral dahil tumawag si Chris.
"Mukhang hindi naman pala."Rinig kong bulong nya kaya sinamaan ko sya nang tingin.
"Nag-aaral ako ah,"Saad ko at naglakad patungo sa study table ko.
"Yeah, right. Kaya may kausap ka sa cellphone."Sagot nya naman at nabigla na naman ako nung makitang malapit na ito sa akin. Ano ba ang isang to? Si Flash?
"Nami-miss ko lang kaibigan ko."Saad ko na lang habang hindi pa rin makatingin sa kanya.
"Okay, fine. Just enjoy talking with your boyfriend."Saad nya naman. Bumungad hininga pa sya bago ako tinalikuran.
"Kaibigan. Friend, okay? Hindi ka-ibigan."Pagtatama ko. Baka kasi na misinterpret nya ang una kong sinabi.
"Bumaba ka na. Kanina ka pa hinihintay."Saad nya naman at lumabas sa kwarto ko nang hindi ako nililingon.
Napanguso na lang ako at napakunot ang noo dahil sa pagtataka sa kinilos nya. Anong problema nang isang yon? Sungit-sungit!
Ganon na lang ang pagkabigla ko nung buksan ang pinto at bumungad sa akin si John na nakasandal sa gilid nito. Nakapamulsa ulit sya at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONAL LOVE 1 (DOCTOR SERIES #1)
RomanceMature Content: Because of Violence and strong language, nothing more. You most have a mature mindset. Jane Kaize Pascual is her name. She's very mysterious woman but, for her, she's just an ordinary girl pero isang araw makikilala n'ya ang dalawang...