KABANATA 2
DINALA AKO NI Aling Consuelo sa two-storey nipa house. Nasa isang private beach resort ito sa La Carlota na pagmamay-ari ni Atreo.
"Hija, suotin mo muna ito at baka lamigin ka. Matagal ka pa namang nababad sa tubig."
"Salamat po." Inabot ko ang isang bestidang bulaklakin na madalas ay paboritong kong suotin.
Tumingin ako sa loob ng kubo.
Malinis ito dahil masyadong masipag si Aling Consuelo. Hindi man karamihan ang gamit pero masasabi ko na maganda ang bahay nila Aling Consuelo at ang asawa nitong si Mang Feliciano na isang mangingisda.Malamig din sa loob ng kubo dahil gawa sa kahoy ang buong kabahayan tapos ay sa tabi pa ng dagat nakapwesto.
Pumasok ako sa banyo upang magpalit ng damit. Nakakatuwa talaga ang de-slide na pinto nila sa banyo pero gawa rin sa kawayan.
Tiningnan ko ang bestida ko ngunit napagtanto ko na wala nga pala akong underwear kaya binuksan ko nang kaunti ang pinto.
"Aling Consuelo! Aling Consuelo!"
Narinig ko ang pag-akyat nito. May dala siyang tuwalya.
"Bakit?"
"Aling Consuelo, wala na po pala akong isusuot na underwear na tuyo."
"Sige, kukunin ko ang panty mong basa pa at nang mai-dryer sa rest house. Ibigay mo rin sa akin 'yang panty mong suot nang malabhan ko muna at maisama sa papatuyuin ko."
"Gano'n po ba, sige po, salamat po."
Sinara ko na ang pinto at inayos ang pagkakatali ng bestida. Nakakailang, bakat sa tela ang katawan ko, pero si Aling Consuelo lang naman ang kasama ko kaya ayos na iyon.
Lumabas ako ng banyo at binigay kay Aling consuelo ang basa kong damit. Inabot niya ang tuwalya kaya tinapis ko iyon sa akin para kahit paano ay matakpan ang bakat kong katawan.
"Maiwan muna kita, hija. Dumito ka muna at 'wag lalabas. Ayaw ni General na makitang palisaw-lisaw ka sa beach resort niya kapag nagpaplano siya ng operation."
Tumango ako rito at pinanood na lumabas ito ng kubo. Napahinga ako nang malalim at naupo sa isang matigas na higaan.
Sabi ni Aling Consuelo sa akin nang magising ako mula sa aking pagkakatulog nang matagal, halos seven years at half month daw akong comatose. Himala nga raw at nagising ako sa pagkaka-coma ko.
Sabi niya rin, si Atreo daw ang sumagot sa life support ko at si Aling Consuelo ang nag-alaga sa akin habang coma ako. Kaya naisip ko na sobrang laki ang pagpapasalamat ko at utang na loob sa kanila.
Tumayo ako at naglakad-lakad. Lumapit ako sa bintanang nakataas lang habang may tukod na kahoy. Pumangalumbaba ako at dinama ang sarap ng simoy ng hangin. Kitang-kita rito ang mabuhanging lupa at isang rest house.Napanganga ako nang makita ko ang mga lalakeng naglalakihan ang katawan habang nakasuot lamang ng pantalon ng army. Sila ang Vipers na tauhan ni Atreo. Ang gaganda ng katawan nila at may packs of abs. Banat na banat ang katawan sa gym.
Nagwa-warm up sila na palagi nilang nakakaugalian. Napaayos ako ng tayo nang makita ko si Atreo Ripler Alvarez. Nakasuot siya ng black army pants habang naka-black sando kung kaya ay kitang-kita ang mabato niyang biceps at triceps. Nakatali rin ang buhok niyang may kahabaan na mas nagpagwapo sa kanya.
"Escueta, one thousand push ups. Ferer, five hundred sit ups."
Pinanood ko kung paano siya mag-commmand sa tila mga tauhan niya. Seryoso lamang ang kanyang mukha habang pinapanood ang pagwa-warm up ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
General FictionWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...